Chapter 40- Fear

325 5 2
                                    

Lorrien's POV

Nanghihina ang buo kong katawan,wala akong lakas para gumalaw. Sa natamo kong sugat sa tama ng baril, dagdagan mo pa ang hindi pagpapakain sa akin baka hindi na ako umabot ng matagal dito. Tumulo ang luha sa mga mata ko, ang hirap ng kalagayan ko. Mamatay na ata ako?

Mamatay ba ako ng hindi nasasabi sa kanya na mahal ko siya?

" Hoy bumangon ka diyan, "sigaw sa akin ng lalaki. Kahit wala ng tali ang binti at kamay ko ay wala pa rin akong lakas para bumangon. 

" Hello Benitez, natanggap mo na ba ang pinadala kong litrato sayo?hahaha" rinig kong sabi ng lalaki. Nabuhayan ako ng lakas ng marinig ko ang pangalan ni Aldrine, tulungan mo ako please.

Gusto ko pang mabuhay, gusto ko siya ulit na makita.

Gusto ko siya na makasama... makasama habang buhay.

Gusto kong masabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

Gusto kong makabawi sa mga pagkukulang ko.

Gusto ko ako ang magpuno sa kulang sa buhay niya.

Gusto ko ako pa rin.. ako na lang ulit ang maging buhay niya.

" Demonyo talaga ako t@ngna mo naman, ngayon mo lang nalaman."dagdag niya pa. Hindi ko alam pero patuloy na naman tumula ang luha sa mata ko. Alam kong dapat akong magpakalas pero ang hirap hirap gawin yun sa kalagayan ko.

" Hahaha sabi ko na nga ba, magmamadali kang umuwi dito sa pilipinas kapag nakita mo ang pinadala ko sayo. Pero hindi pa ako tapos, ano kayang gagawin mo kapag pinarinig ko sayo ang gagawin ko sa pinakamamahal mo" sabi niya.

" Awwww"napasigaw ako sa sakit ng bigla niyang habulitin ang buhok ko. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan ang pagkakasabunot sa buhok ko.

"Hayop ka Domingo papatayin kita" rinig ko mula sa telephono. Alam kong boses ni Aldrine yun.

" Pa -parang awa niyo na, ta-tama na pleeaaase" sabi ko ng sikmuraan ako ng isang lalaki. Namalipit na talaga ako sa sakit.

" Lorrien, Lorrien okay ka lang ba?Put@ngna ka Domingo hayop ka" sigaw ni Aldrine sa telephono.

" HAHAHA boses niya pa lang yan paano pa kayo kapag nakita mo kung gaano siya namamalipit sa hirap ngayon" sagot ng lalaki kay Aldrine.

" Huwag kang mag-alala hindi ko siya papatayin basta ba susunod ka sa gusto ko."dagdag niya pa. Hindi niya ako papatayin? Sa lahat ng pinagdaanan ko ditong paghihirap parang mas mabuti pa sana na patayin na lang nila ako.

" Mamayang 6pm sa lugar na huli tayong nagkita, may susundo sayo dun. Subukan mong magsama papatayin ko ang babae na to"sabi niya kay Aldrine tsaka binababa ang telephono.

" Huwag kang mag-alala matatapos na ang paghihirap mo ngayon Miss" sabi ng lalaki sa akin. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya dahil namamalipit pa rin ako sa sakit. Pinaglabanan ko ang sakit para lang makausad sa dulong parte ng papag para makalayo sa kanya, para makalayo sa demonyong kagaya niya.

" Dalawa lang naman ang pwede mong kahantungan, makalabas ka dito ng buhay o patay depende yan sa gagawin ni Benitez. Kaya magdasal ka na sumunod siya sa lahat ng gusto ko." sabi niya. Natatakot ako sa mga maaari niyang gawin sa akin.

 Kinilabutan ang buo kong pagkatao dahil dinukwang niya ako at hinalikan ako sa labi ko kaya nanglalaban ako, mas natakot ako sa mga binulong niya sa akin " Ang ganda mo sana miss kaso nga lang malas ka kasi konektado ka kay Benitez'

" Pero may pagpipilian ka pa naman, sumama ka na lang sa akin at ititgil ko na ang kabaliwan na to. Okay ka ng kabayaran sa lahat ng katarantaduhang ginawa sa akin ni Benitez" sabi niya na may napakalaking ngiti sa kanyang mga labi. Pinanlisikan ko siya ng mata, kung pagmamasdan ko ang lalaki ay masasabi kong may itsura siya. Malaki ang pangangatawan niya na sigurado akong alaga sa gym. Matangos din ang kanyang ilong at may mapupungay na mata. Maganda siyang lalaki ngunit nakakatakot ang maaari niyang gawin, para siyang sinaniban ng demonyo. Kaya niyang manakit at pumatay.

Tinitigan ko ang kanyang mga mata, mas lalo akong natakot sa nakita kong pagnanasa sa kanya. Lumapit ulit siya sa akin at hinawakan ako sa mga mukha, nag-iiling na lang ako at pinikit ang aking mga mata.

" Kaya naman pala nagbago si Benitez, sa ganda mo ba naman kahit demonyo magiging anghel maangkin ka lang. " sabi niya habang patuloy ang pagbaba ng kanyang kamay sa iba't ibang parte ng aking katawan, sa mukha, leeg, balikat, dibdib, tiyan. hita, binti at sa aking pagkababae. Pinilit kong lumayo at makaiwas sa mga makasalanan niyang paghaplos sa aking katawan ngunit sadyang wala akong kakayahan para manlaban.

Lord tulungan niyo ako, huwag niyo pong hayaan na makuha niya ang pagkababae ko..

Iningatan ko po ang sarili ko sa mahabang panahon...

Huwag niyo pong hayaan na madungisan ang aking katawan..

Para lang po ito sa lalaking pinakamamahal ko na..

papakasalan ako sa harap ng altar.

Hayaan niyo pong sa kanya ko ibigay ang aking pagkatao ng buong- buo.

" Pasalamat ka hindi ako rapist pero kapag hindi ako nakapagpigil malay natin, sa kinis mo yan" Sabi niya na may ngiting nakakatakot. Nakahinga ako ng maluwag ng iwanan na niya ako sa silid na pinagtataguan niya sa akin. Salamat Lord.

 Naiwan na naman ako sa madilim na silid na ito na puno ng takot sa dibdib. Hindi ko alam kung dito na ba ako mawawalan ng buhay.

Thinking of YOU...Where stories live. Discover now