Chapter 41- The Kidnapper

338 3 2
                                    

Aldrine's POV

Sumakay ako sa kotse ko, kailangan kong puntahan si Lorrien para mailigtas siya sa kamay ng h*yop na si Domingo. Ililigtas kita Lorrien kahit na mamatay pa ako pero sisiguraduhin ko na magiging maayos ang kalagayan mo. Hindi ako papayag na magtagal ka pa sa kinalalagyan mo ngayon. Kasalanan ko ito, kung hindi kita iniwanan hindi mangayari ang lahat ng ito.

Pinaghahampas ko ang manibela ng maalala ko na naman ang boses ni Lorrien kanina sa telephono, hindi maitatago na nahihirapan siya bakit ko hinayang mapunta siya sa ganoong kalagayan.

" Papatayin kita Domingo. H*yop ka, walang kang karapatan para saktan si Lorrien" sigaw ko habang sakay ako sa kotse. Patuloy lang ako sa paghampas sa manibela para ilabas lahat ng galit ko.

' TokTok' lumingon ako sa may bintana ng kotse ko ng may kumatok dito. Binababa ko ang salamin para mag-kausap kami.

" Pare sigurado ka bang pupunta kang mag-isa dun. Delikado baka mapahamak ka" sabi ni Drake.

" Pare alam kong delikado pero hindi ko matitiis na manahimik lang dito habang hawak ni Domingo si Lorrien" sagot ko sa kanya.

" Pare kaya kong itayo ang buhay ko mailigtas ko lang siya." dagdag ko pa. Pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa lugar kung saan kami huling nagkita.

#Flashbacks- Chapter 21#

Dumating ako sa isang bodega andito na lahat ng kasama ko. Apat kami at oo gulo na naman tong pinasok ko.

May mga motorsiklong huminto sa labas at unti unting pumasok ang sakay nito sa loob.

" Long time no see Aldrine benitez. How's life "

Nagsmirk lang ako sa kanya.

" Puro ka satsat Domingo bakit ka nagtatanong close ba tayo? "

" Masyado atang mainit ang ulo mo Benitez "

" tsk. it's none of your business"

 Sumenyas na ako sa mga kasamahan ko at hayun na ang simula ng labanan namin. Madami sila mga sampu pero kayang kaya namin yan.

Pinalibutan nila kaming apat may dala pa silang baseball bat kahit kelan talaga hindi marunong lumaban ng tama ang mga ito pero hindi kami papatulo wala pang makakatalo sa amin.

" Tsk. Domingo hindi ka ba nagsasawang matalo ko" sabi ko sabay smirk

" wag kang mayabang Benitez nangangalawang ka na" sabi niya

Hahamapasin niya dapat ako ng baseball bat pero nakaiwas ako. Pinilipit ko ang braso niya sabay tadyak sa sikmura niya. tumayo siya agad at sinuntok ako. Putek, Improving napalakas ang sunto niya. Sinuntok ko siya pero may nanghampas sa likod ko kaya napaluhod ako buti na lang tinulungan ako ni Patrick at siya ang gumanti para sa akin. tumayo ako at tinadyakan ko si Domingo hanggang sa mapahiga siya duguan na ang mukha niya at lahat ng kasamahan niya ay nakahiga na.

" Paano ba yan talo ka na nmn G@go" sabi ko

"May oras ka din sa akin Benitez, gaganti ako sayo"

" Kung makakaganti ka pa kasi papatayin na kita ngayon" sabi ko sabay smirk

Kinuha ko ang baril sa bulsa ko ay dala ako lagi nito just in case kailanganin ko, ngayon pang lagi akong napapasangkot sa gulo. Tinutok ko sa kanya at kita sa mga mata niya ang takot.

"magpaalam ka na Domingo." sabi ko

Paputukin ko na sana ang baril ng may madinig kaming padating na mga pulis.

" P^^^ta may pulis. Tara na" sigaw ni Drake

" tska na lang kita papatayin Domingo" sabi ko

Umalis na kami sa lugar bago pa kami maabutan ng pulis.

#EndofFlashbacks#

Bago pa ako makababa ng sasakyan ko ay pinalibutan na ako ng mga kasamahan ni Domingo. Sapilitang pinabuksan sa akin ang sasakyan ko, tinali nila ako at piniringan. Mga kalipas ang ilang minuto ay huminto na rin ang sasakyan.

" Ibaba niyo na yan" sigaw ng isang lalaki. Dali dali akong binababa sa sasakyan.

Tinanggal nila ang tali sa akin at ang piring ng mga mata ko. Bumungad sa akin si Domingo na sobrang ngiti, tumakbo ako at sinuntok siya. Papatayin ko siya, demonyo siya.

" Dem*nyo ka nasaan si Lorrien ilabas mo siya?" sigaw ko. Hinawakan ako ng mga kasamahan ni Domingo. Mga tatlong lalaki ang nakahawak sa akin. Duwag ka Domingo pakawalan mo ako dito at sigurado akong mapapatay kita ngayon.

" Masyado ka naman nagmamadali Benitez" sagot niya sa akin habang pinunasan ang dugo sa ibaba ng kanyang labi.

" Nandito ka sa teritoryo ko, dito ako ang masusunod. Ako ang boss, ako ang hari"sigaw niya sa akin at uminom pa siya ng alak.

" Pakawalan mo siya at tayong dalawa ang magpatayan ngayon" sigaw ko sa kanya. Malakas lang ang loob niya dahil may mga kasama siya at hawak niya si Lorrien.

" Huwag kang mag-alala magpapatayan talaga tayo, huwag kang magmadali" sagot niya sa akin. Umupo siya sa upuan at tinaas pa ang dalawang paa. H*yop talaga ang lalaki na to. Nagsisisi ako at hindi ko pa siya pinatay dati.

" Ilabas niyo yung magandang babae" sigaw niya. Hindi nagtagal ay nilabas ng dalawang lalaki si Lorrien, putlang putla siya at nangagayat din siya, may tama siya ng baril. Put* anong ginawa ni Domingo sa kanya. Pinilit kong makalapit sa kanya pero hinawakan ako ng mahigpit ng apat na lalaki.

" Wal*ng hiya ka talaga, h*yop ka" sigaw ko kay Domingo at nagpapapalag ako para mapuntahan si Lorrien.

" HAHAHAHAHA' tawa niyang malakas.

" Demonyo ka" sigaw ko.

" Ikulong niyo ulit ang babae kasama si Benitez hayaan niyong magkasama sila sa loob ng magdamag dahil pagsikat ng araw isa sa kanila ang mamamaalam hahahaha'"sabi ni Domingo.

 _______________

So kilala niyo na ba kung sino ang kumidnap kay Lorrien?

Bumalik po kayo sa chapter 21 for reference.

Thank you.

Vote.Comment.Recommend and be a FAN

Thinking of YOU...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon