Chapter 9

136 17 25
                                    

Hi guys!
Who wants to be mentioned sa bawat chapters? 🥺 Comment lang kayo please. Gusto ko lang makilala mga silent readers ko. 🙏

---------------------------------------------

I heard a click sa door knob ng pintuan dito sa kwarto ko. Nagtalukbong ako ng kumot at tumagilid habang nagpapanggap na tulog. Naramdaman kong lumubog ang nasa kaliwang bahagi ng kama.

Someone hugged me from behind.

"Bebs, alam kong gising ka."

Si Nali pala ang pumasok kaya inalis ko na ang pagkakatalukbong ng kumot tapos humarap sa kanya at niyakap rin siya.

She's been my human teddy bear after all.

"I'm hurt bebs."
Sabi ko sa kanya habang nagsisimula ng umiyak.

"I know how you feels, bebs. I understand you, pero hindi ko gusto yung ginawa mo kila tita kanina. Nakikita ko talaga sa mga mata nila na sobra silang nasaktan sa ginawa mo."
Alam kong masasaktan sila sa ginawa ko, pero nasasaktan rin kasi ako.

"Am I that bad? I'm hurt too."
Tumango lang sa akin si Nali.

Maybe, bukas na ko na lang siguro sila kakausapin ulit. Pinalaki nila akong hindi bastos kaya bukas na bukas kakausapin ko sila ng may respeto. I felt guilt.

"Kakausapin ko sila bukas bebs."
Tumango ulit ito sa akin.

Tumayo si Nali at lumapit sa may switch para patayin ang ilaw tapos humiga ulit sa tabi ko.

"Let's sleep na bebs. Goodnight."
Sabi nito sabay yakap sa akin. I smiled.

"Goodnight too, sweet dreams."

At nagpatangay na ako sa antok.



Kinaumagahan...



I woke up feeling empty, my mind and soul. Hindi ko alam kung papaano ko haharapin sila mama at papa. Hiyang-hiya ako sa ginawa ko.

Kasalukuyang nakahiga parin ako sa kama ko. Si bebs Nali naman ay natutulog pa rin dahil alas singko pa lang ng umaga. Alam ko kasi mga alas nwebe pa nagigising si Nali.

Tumayo ako at tumungo sa banyo para maghilamos. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salaming nasa tapat ko. Nangingitim ang ilalim ng mata ko at namamaga dahil sa kakaiyak kagabi. I felt sorry kila mama, especially guilt.

Kung sana sa umpisa pa lang sinabi na kaagad nila sa akin hindi na sana aabot sa ganito. Sino ba naman ang matutuwa na malamang ang nagpalaki at umaruga sa iyo ay hindi mo pala totoong mga magulang? At malalaman mo na lang kung saan matanda kana.


Pero wala ako sa position para hindi pakinggan ang reasons nila. Right now magluluto muna ako ng breakfast then kakausapin ko sila mama at papa.


Lumabas ako ng banyo at lumabas na rin ng kwarto para pumunta sa kusina. Magsasaing ako at magpriprito ng itlog at hotdog.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن