Chapter 34

73 4 0
                                    

Dash texted me the Mall's location early this morning. Ang problema lang namin ngayon is kung paano kami magpapaalam kila Mommy and Daddy. Nakaligo na rin kaming dalawa ni bebs kahit alas singko trenta pa lang ng umaga.

Hindi naman halatang excited diba? Napatampal na lang ako sa noo.

Nilingon ko si bebs Nali na kanina pa nagsusuklay ng mahaba nitong buhok.

"Tapos ka na?"
Tanong ko sa kaniya at tumango naman ito. Mabuti naman, nagugutom na kasi ako.

"Tara na sa baba para makapag-almusal."
Yaya ko sa kaniya. Tumayo na rin ito at inayos ang damit.

"Paano si Steven? Tulog pa siya."

"Mamaya pa 'yan magigising at saka kukunin naman siya ni Rena. Bilisan mo na bebs nagugutom na ako. At baka hindi natin maabutan sila Daddy, ngayon pa naman sila aalis."
Nauna na ako sa may pintuan at atat na atat ng lumabas.

"Oo na!"
Sabi natatawang sambit nito at sumunod na rin sa akin.

Nakarating kami sa kusina at nakita kong nagluluto pa lang si Ate  Solidad ang cook dito sa Mansion. Ate ang tawag ko sa kaniya dahil 37 years old pa lang siya.

Gumagawa siya ng pancakes pagkapasok namin. Nalalanghap kasi namin kaagad ang amoy. Napansin naman kami ni Ate Solidad pagkapasok.

"Magandang umaga sa inyo mga iha." May ngiti nitong bati sa amin. Naupo naman kaagad ako sa upuan.

Napatingin muna ako kay bebs Nali. Tumango naman ito sa akin para magpaalam na.

"Daddy, may sasabihin po sana ako. Huwag mo sana kayong magagalit."   Nakakunot-noo naman na tumingin sa akin si Daddy. Ibinaba nito ang hawak na isang tasa ng kapeng iniinom nito. Si Mommy naman ay nagtataka na rin.

"Well, what is it? It should be good."   

Syete naman! Hindi ko pa nga nasasabi kay Daddy 'yong gusto kong sabihin pero heto ako at kinakabahan kaagad.

Naku! Paano ko ba 'to sasabihin. Kinakabahan talaga ako at baka bigla na lang akong pagalitan ni Daddy. Patago naman akong siniko ni bebs Nali dahil medyo natatagalan na ako. Napalingon ako sa kaniya at pinanlakihan naman ako nito ng mga mata. Kaagad naman akong napaayos ng upo.

"Uhm... G-gusto po sana naming pumunta nang mall ni bebs Nali. Nabo-bored na po kasi ako sa bahay. Ayos lang po ba?"
Kinkabahan kong tanong.

Napayuko ako at pinaglalaruan ang mga daliri ko. Ilang sandali pa ay malakas na tawa ni Daddy ang namuo sa loob ng dining room. Lahat kami ay napatingin sa kaniya.

Inayos naman nito ang suot na necktie bago umiiling-iling at nangingiti.

"Iha, masyado na ba akong mahigpit sa iyo para magpaalam ka sa akin ng may kaba? And of course you two can go out. Pero, gusto ko may kasama kayong bodyguards for your safety." Nawala ang kaba ko bigla dahil sa sinabi ni Daddy.

"And iha, if something bad is going on don't forget to contact us." Dagdag naman ni Mommy. Tumango naman ako sa kanila at ngumiti.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kila Daddy.

"Thank you po, Daddy and Mommy! I promise, mag-iingat po kami." Niyakap ko sila at hinalikan sa pisngi.

"Alright. That's enough. Mahuhuli na kami sa flight." Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanilang dalawa.

Sabay silang tumayo at ilang minuto pang naghanda para sa pag alis. Kami naman ni bebs Nali ay tumuloy sa pagkain ng breakfast. Pumasok naman si Rena sa dining room kaya inaya ko na rin siyang kumain pero tumanggi ito.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now