Chapter 24

91 9 13
                                    

We are all waiting for Dash to arrived. Hinihintay rin ni Daddy na tumawag yung guard sa gate kung sakaling nandoon na si Dash. I kinda felt nervous, nanlalamig ang mga kamay ko.

Nandito kami ngayong lahat sa living room at naka-upo sa sofa. Wala ngayon dito si Steven dahil pinapaliguan siya ni Rena.

"Hindi pa siya nagte-text sa iyo iha?"
Tanong ni Daddy. Tiningnan ko ang cellphone ko ngunit wala pa siyang message kaya umilig ako kay Daddy.

Napabuntong hininga ito at kina-usap ulit si Papa. Mas lalo akong kinabahan dahil alas alas sais na.

Lagot ka talaga sa akin mamaya Dash!

Nag-ring ang cellphone ni Daddy kaya lahat kami ay napatingin sa kanya. He stood up and excused to answered the call. Naiwan kaming dalawa ni Papa.

"Hello Lito?"
Sagot ni Daddy kay manong Lito.

Si manong Lito pala ang guard sa gate ng mansion. Nandito na ba si Dash? My heart is pounding so fast because of the thought that he's here.

Natapos ang tawag nila Daddy at manong Lito kaya bumalik siya dito sa may sofa. Bumaling ito sa akin at umupo bago nagsalita.

"He's here. Tawagin mo na ang mommy at mama mo iha."
Napatango ako sa sinabi ni Daddy.

"Opo Daddy."
Ngumiti ako sa kanya at tumayo na papunta sa  kusina kung saan naroon sila Mommy.

Pagpasok ko sa kitchen ay naririnig ako tawanan nila Mommy at Mama. They're cooking for our dinner. Sila ang nagprisintang magluto.

"Oh! Anak andyan na ba ang bisita mo?"
Tanong sa akin ni Mama pagkapasok ko sa kusina.

"Opo Ma."
Ngumiti ako at lumapit sa lamesa kung saan may iba't ibang mga rekados at mga ingredients ng lulutuin.

"Malapit ng maluto ito iiwan ko na lang sa mga maids at susunod kami ni Sandra sa living room."
Sabi ni Mommy habang naglulugay ng niluluto.

"Yes po Mommy."
Sagot ko at tumalikod na pabalik ulit sa living room. Narinig ko pa na tumawag si Mommy ng maids.

Malapit na ako sa living room ng tinawag ako ni Steven mula sa taas ng hagdan papuntang second floor.

"Ate! Wait for me."
Dali-dali itong bumaba nang hadgan kaya kinabahan ako bigla dahil baka mahulog siya.

"Jusko Steven! huwag kang magmadali."
Sabi ko at umakyat na rin ng hagdan para salubungin siya. Ang kulit talaga nang batang ito at mukhang papatayin ako sa nerbyos.

"Don't do that again Steven. Magagalit talaga si Ate!"
He giggled. Hawak ko na ang kanang kamay nito para alalayan bumaba sa hagdan.

"Naku! Ate Amy pasensya na po at hindi ko naabutan si Steven, tumakbo kasi siya bigla pagkatapos kong bihisan."
Sabi ni Rena at bumababa na rin ng hagdan. Magulo ang buhok nitong kulot at basang basa ito tapos meron pang sabon sa pisngi.

"Anong nangyari sa iyo?"
Pagtatanong ko sa kanya dahil mukha siyang basang sisiw sa sitwasyon nito ngayon.

"Pinaliguan ko po si Steven ate tapos nangungulit po siyang ikaw na lang daw po ang magpaligo sa kanya."
Naka-ngusong sumbong nito sa akin. Napabaling ako kay Steven ng tumawa ito.

"You're wet yaya Rena!"
Sabi niya at bumungisngis kaya napa-nguso pa lalo si Rena kaya napa-iling na lang ako.

"Ako na ang bahala sa kanya Rena. Magbihis ka na ng damit."
Tumango naman ito sa sinabi ko at ngumiti tapos umalis na para makapagbihis.

Binalingan ko ulit si Steven na ngayon ay nakangiti sa akin.

"Steven don't rush while on the stairs, okay?" 
He nodded then I sigh.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon