Chapter 13

123 13 19
                                    

"Gonna text you later."
I nodded as a response. Lumabas na ako ng kanyang sasakyan at yumuko para makita siya sa loob.

"Thank you for the ride."
At umatras na para masarado ang pintuan. Bumusina pa siya bago umalis and I wave my right hand.

Pumasok na ako sa building at bumalik ulit sa trabaho. In a minute my phone vibrated, someone texted me. And it's from Dash.

From: 09121493001
1:25pm

"Save my number."
-Dash

After reading his text, I quickly save his number. To be honest, I lost my concentration sa pagtrabaho dahil sa pag-amin ni Dash. I mean, sino nga ba ang hindi magugulat.

Yung tipong kahapon lang siya nagparamdam ulit tapos ngayon umamin na gusto niya ako. He caught me off-guard. What a tough guy!

I replied to his text with a simple, ok. Akala niya siya lang marunong magtipid. Nilapag ko ulit ang cellphone ko sa table. Malapit na rin ako matapos sa ginagawa ko dahil hindi na ganoong masakit ang ulo ko.

Napangiti ako ng dumapo ang mga mata ko sa white roses na katabi ko. Muntik ko ng makalimutan tuloy ito. Maybe after work, mas better na sa cctv room na lang ako pupunta mamaya.

I stretched my arms dahil sa ngalay at ginagalaw-galaw ko rin ang ulo ko para mawala ang sakit sa leeg. Too much work for today. Napatingin ako sa wall clock and it's 4:45pm. Inayos ko na ang table ko binitbit ang white roses papalabas ng office patungo sa cctv room.

Kumatok ako at may nagbukas nito.

"Kuya Reynold, may ichecheck lang sana ako sa cctv footage kaninang umaga. Pwede ba?"
Pinapasok niya ako.

"Pwede naman."
Napatango ako.

Mag ginawa siya sa computer at may hinanap sa files. Tapos ng makita niya ito ay saka pinindot para magplay.

Napatakip ako ng bibig dahil sa nakita. Why he didn't tell me? Kanina pa kami magkasama bakit hindi niya sinabi sa akin? Bakit mo ba ito ginagawa sa akin Dash?

Kitang-kita sa cctv na pumasok si Dash sa building hawak ang bulaklak kasama ang box. Lumapit siya sa front desk at kinausap ito. Tumango ang nasa front desk at pumasok sa office ko para ilagay ang dala ni Dash.

Umalis na rin si Dash pagkatapos non. Kaya ba kahapon lang siya nakabalik sa bahay dahil hinanap niya pa ang kumuha ng locket? Ngunit paano?

Nagpasalamat ako kay kuya Reynold at lumabas ng cctv room. Nasa tapat ako ng building at naghihintay ng taxi. I dialed his number at isang ring pa lang ay sinagot na niya agad ito.

"Hel--"
I didn't finished what he is about to say.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi?"
Nanggigigil na tanong ko. Narinig ko ang pagbuntong hininga nito.

"Tapos ka na sa trabaho mo?"
Napanguso ako. Iniiba niya yung topic.

"Huwag mong ibahin ang topic Dash. Papa-uwi na ako."
Luminga ako kaliwa't kanan pero wala pang dumadaan na taxi. Napatingin ako sa wrist watch ko at nakitang 5:25pm pa lang naman.

"Wait for me there. I'll fetch you and we're going to talk later at your house."
Mabuti pa nga na mag-usap kami sa personal.

"Okay nasa labas na ako ng building."
Sinipa ko ang batong nasa paanan ko. I took a baby wipes out of my bag and wipe my sweats. Sumilong ako walang init na parte ng lugar.

"Give me a minutes. Don't hung up."
Nangunot naman ang noo ko. Ano naman ang pag-uusapan? Napailing ako.

"Okay."

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now