Chapter 19

120 8 13
                                    

I woke up because of my phone ringing. Pilit ko itong inaabot sa side table dahil inaantok pa ako. At ng mahawakan ko na ito ay tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si Dash lang pala. I can't help but smile.

Binuksan ko ang lamp shade and I glanced at the wall clock. Nagulat ako nang makitang alas dos pa lang ng madaling araw. Bakit ang aga nito tumawag?

Sa pangalawang ring ay sinagot ko na ito.

"H-hello."
Sumandal ako sa head board ng kama.

"Goodmorning. Sorry for waking you up."
Shet! Ang husky ng boses niya. I cleared my throat.

"Goodmorning din. Mmm, okay lang."

"I'm fucking tired Amy. I want to see you right now."
Napakagat-labi ako at pinipigilan ngumiti.

Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Bakit ba ang bilis kong maattach sa isang tao?

"Buang ka ba? Alas dos pa lang ng umaga Dash. Jusko!"
Tumayo ako at pumasok sa cr para maghilamos.

"I'm already here."
Napatigil ako sa paghihilamos at nangunot ang noo sa pagtataka.

"H-huwag mong sabihing nasa labas ka nang bahay."

"Okay, I won't."

"Seryoso? Baka binibiro mo lang ako Dash."
Tinapos ko na ang paghihilamos at saka nagmumog na.

"Why don't you check it. Hurry up ang daming lamok dito babe."
Hala! Babe daw?

Nasa labas ba talaga siya? Pero alas dos pa lang ng madaling araw! Napaka-abnormal talaga.

"Anong babe ka diyan? Hindi pa kita sinasagot ah."
Sisilip na sana ako dito sa may bintana nang kwarto para tignan kung nandoon talaga siya pero nagulat na lang ako nang may bumato sa glass ng bintana ko dito sa second floor.

"Hurry up babe. Open your window."
Kahit nagtataka ay binuksan ko ang bintana.

Isang minuto akong nakatingin lang sa bintana kaya dumukwang ako. Pero sa hindi inaasahan ay saktong pagsilip ko ay nandoon na pala si Dash. Nanlalaki ang mga mata ko sa gulat. Sobrang lapit ng mukha namin at mga dalawang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't isa.

Ngumisi ito kaya napalunok ako at napakurap. Napabalik na ako sa huwisyo kaya umatras ako.

Grabe ang lakas ng tibok ng puso ko parang gusto na yatang kumawala sa dibdib ko. Tumalikod ako sa kanya at hinawakan ang dibdib ko.

Bakit ganito? May gusto na ba ako sa kanya? Nagugustuhan ko na ba siya? Tatlong araw ka pa lang nanliligaw sa akin Dash pero grabe ang epekto mo sa akin.

Should I give you a chance Dash? Should I?

Kung hindi lang sana nasira ang pagtitiwala ko noong unang sumubok ako sa relasyon hindi na sana ako matatakot subukan ulit. Kapag nasira na ang tiwala ang hirap na nitong ibalik.

Napalingon ako sa kanya nang marinig kong isinarado nito ang bintana. In-off ko na ang cellphone ko at nilapag sa side table tapos ay hinarap ko siya.

"Ang aga aga bakit ka nandito?"
Pilit kong itinatago ang nararamdaman ko sa isang simpleng pagtataray.

Bumuntong hininga ito umupo sa sofa ko dito sa kwarto. Sumandal ito at naka-spread ang dalawang kamay. Napansin kong umiitim ang ilalim ng mga mata nito at mahahalata mo talagang pagod na pagod ito. Meron rin siyang sugat sa labi nito at merong pasa sa pisngi kaya hindi ko na maiwasan pang magtanong.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now