Chapter 3

245 19 22
                                    


"Wag yan bebs, eto na lang mura pa mas marami kumpara dyan."
Pagpupumilit sakin ni Nali, and yes nandito kami ngayon sa grocery store para mamili. Nali and I used to called each other as "Bebs" since highschool.

"Osige, yan na lang total ikaw ang mas magaling sa ating dalawa mamili nang good quality products."
Nagtwinkle naman ang mata nito kaya napailing na lang ako at nagpatuloy na kami sa pamimili.

Pagkatapos namin sa pagkuha at paglagay ng mga grocery sa cart ay pumunta na kami sa cashier para mag bayad. Habang tinatahak ang daan papuntang cashier ay nadaanan namin ang mga pack nang yakult. Parang alam ko na kung anong susunod, dahan-dahan akong lumingon kay Nali at nakita ko itong may hawak na isang pack ng yakult with matching puppy eyes, napatampal na lang ako sa noo bago tumango.
Niyakap naman niya ang pack ng yakult na may limang laman at abot langit ang ngiti.

Alam niyo bang spoiled ko yan noong highschool? I can't resist her kapag nag puppy eyes na ito sakin well, what are friends for? She's been a great friend to me ever since the day na nag transfer ako sa school nila. It's good reminiscing the past. Siya rin ang naging living diary and teddy bear ko dahil sa pagiging tanga ko noong highschool. Nainlove sa kaklase tapos iiwan lang rin pala, panandaliang saya lang kumbaga.

Noong fourth year highschool kami sabay din kaming nasaktan, parehas na pinagpalit. Pareho kaming sumugal kahit bawal tapos gagaguhin lang kami. Ayoko nang isipin pa yung mga nakakasakit na pangyayari noon, okay na kami ngayon.

Nakapag bayad na kami sa cashier at tinulungan niya akong magbitbit ng mga binili. Nilagay muna namin ang pinamili sa backseat ng sasakyan niya pagkatapos ay pumunta nang mall para bumili nang librong gustong-gusto nito. Pumunta kaming Books and Merchandise sa loob ng mall.

"Oh my ghad! Bebs standee ni D.O!"
Sabi nito habang niyuyogyog ako, at nahilo naman ako.

"Tama na bebs pinagtitinginan na nila tayo oh."
Sabay turo sa mga tao sa labas nang store.

"Hihihi, Hali ka na nga sa loob."
At hinila na ako nito. Gumala ako para maghanap nang mga libro at si Nali naman ay nasa merchandise section pumipili nang mga poster ng kinababaliwan nito kpop boy group na EXO at ako naman ay sa BTS, she's an EXO-L and I'm an Army.

Nakapili na ako nang Wattpad book na bibilhin ko at pumunta na sa cashier para magbayad. Bumalik ako sa merchandise section ng makita kong may kasagutan si Nali na isang lalaki.

"Bitawan mo na kasi, ako naka unang hawak sa poster na to."
Sabi ni Nali habang pinag-aagawan nila yung isang poster.

"Eto rin gusto kong bilhin miss."
Nakangising sabi nang lalaki. Nangunot ang noo ko nang medyo pamilyar sakin yung lalaki, nanlalaki ang mga mata ko nang makilala ko na ito. N-no dapat ilayo ko na si Nali.

"Bebs halika na, sa susunod na tayo bumili nyan. Wattpad books na lang muna."
Nilapitan ko na si Nali at hinila sa Books section.
Hindi na ito naka angal pa, nilingon ko ulit yung lalaki lumapit ako doon at sinampal.

"That's for hurting my bestfriend long time ago, Miguel."
Napahawak ito sa pisngi nyang namumula at tinalikuran ko na ito. Because, Miguel was Nali's downfall before. Sobrang nasaktan at na depressed si Nali dahil kay Miguel. They used to be the best couple but in just one snap, Miguel broke Nali's heart.

Hindi ako napansin ni Nali dahil busy na ito sa pamimili nang Wattpad books. Nang makapili na ay nagbayad na kami sa cashier at umalis na pauwi. Hindi na namin nakita si Miguel at hindi ko na ito pinaalam pa kay Nali. Hindi ito namukhaan ni Nali dahil malaki ang pinagbago ni Miguel, and Miguel is Nali's ex.

Nasa sasakyan na kami ay dumaan muna kami sa drive thru nang Jollibee at naiinis pa rin siya sa kay Miguel na hindi niya na mukhaan. Nakarating na kami sa bahay at umuwi naman kaagad si Nali dahil may aasikasuhin raw ito.


10:00pm


Nanood ako nang TV sa sala nang mapansin kong may pumipilit na buksan ito, kinabahan naman ako kaya pinatay ko ang tv. Patay naman kasi ang ilaw sa sala nagmomovie marathon ako mag-isa. Wala kasi sila mama at papa dahil umuwi ito nang Iloilo kay Lolo doon muna daw sila within 3 months.


Napabalik ang atensiyon ko sa pintuan kaya dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at nagsuot ng jacket at kinuha ang selpon tsaka pera. Nakarinig ako nang pagkabasag sa bintana nang sala kaya lumabas ako at nakita ko ang bulto nang dalawang lalaki nagkatinginan silang dalawa nang makita ako.

"Siya na siguro iyong ampon ng mga Davis."
Nangunot ang noo ko sa sinabi nang lalaki na may panyo na pula sa ulo. Ako ampon?

"Siya na nga."
Sabi nang lalaki na may tatoo sa leeg na gagamba. Lalapit na sana sila sa akin nang tumakbo ako at dumaan sa backdoor papalabas ng bahay at kumaliwa para makapunta sa tapat nang bahay at makalabas ng gate.

Kinuha ko ang bisikleta ko at inopen ang flashlight ng selpon ko. Nagmamadali na akong sumakay ng papalapit na sila sa akin kaya nagpedal na ako papalayo sa bahay at sa kanila.

Hindi ko napansin na nakakahabol pa rin sila saa akin. Omyghad, natatakot na ako. Pumasok ako sa gubat para madaling makapagtago sa kanila, hindi ko na namalayan na may malaking bato pala sa unahan at natumba ako tapos nagkasugat pa ako sa tuhod.

"Hindi mo kami matatakasan!"
Sabi nang lalaki na may tattoo. Napaluha na ako sa takot, tumayo ako at paika-ikang tumakbo habang sila ay humahalakhak na parang demonyo. Sa sobrang pagod ko kakatakbo ay Hindi ko namalayan ang tinatapakan ko dahil may hindi masyadong kalaliman na bangin ang nandoon at nagpagulong-gulong ako at tumama ang tagiliran ko sa kahoy.

"Aahh..."
Napapikit ako sa sakit. Pilit kong bumangon at tumakbo kahit hingal na hingal na ako at iniinda ang sugat sa tagiliran at tuhod.


May nakita aking balon at bahay kubo sa malapit may ilaw iyon kaya alam kong may tao kaya sumigaw ako.


"TULONGGG! TULUNGAN NIYO AKO!"
napaluhod ako sa sa sobrang panghihina at maraming nabawas na dugo sa akin dahil sa malaking sugat sa tagiliran ko.

Napatili ako sa humila nang buhok ko.


"Walang tutulong sayo, papatayin ka namin dahil sa ginawa nang ama mo sa amin."
Tumawa ito at itinutok sa leeg ko ang kutsilyong dala-dala nito. Nahihilo na ako at anytime mawawalan na ako nang malay.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay may sumuntok sa dalawang lalaki, nakatalikod Ito kaya hindi ko makita ang mukha. Nakaputi ito nang t-shirt kaya kitang kita talaga ang magandang hulma nang katawan nito tapos naka jogger pants ito.


"Pakialamero! Papatayin ka na rin namin."
Sinugod siya nang dalawa gamit ang mga kutsilyo nito, kinakabahan ako para sa kanya. Dahan-dahan akong tumayo kahit hinang hina at hinahabol ang hininga, nagulat ako nang ilang segundo lang nawala ang atensiyon ko sakanila ay nakita ko na nakahiga na lang ang wala nang buhay na katawan ng dalawang lalaki sa lupa.


Babagsak na sana ako nang may humawak sa dalawang balikat ko bilang suporta.


"Salamat."
Hulang nasambit ko bago ako nawalan ng malay.





------------------------------

I dedicated this chapter sa Wattpad buddy ko maaplexx 💙

@PiggyBank19

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now