Chapter 30

94 6 3
                                    

"Hindi ka pa rin ba nagtatanda Dash?! At ang anak pa talaga ni Antonio! Baka gusto mong maulit muli 'yong nangyari dati."
Nakangising sabi nang Daddy ni Dash.

Biglang nanigas si Dash dahil sa sinabi nang Daddy niya. Biglang dumilim ang mukha nito at ang mga kamay ay naka kuyom.

Bakit? Ano bang nangyari dati at tila grabe ang epekto nito kay Dash? Natigilan naman ako nang saakin naman bumaling ang ama nito.

"Gusto mo bang malaman kung ano ang nangyari dati iha?"
May ngisi pa rin nitong tanong sa akin.

"SHUT UP!"
Dash shouted at galit na galit na talaga ito.

"Why? Bakit ayam mong malaman niya? Natatakot ka bang malaman niya kung gaano ka kasama at baka iwanan ka niya? Well, nandito naman si Alexa. She's willing to serve and love you."
Sa sinabi nang Daddy ni Dash ay ngumiti ang babae nang malawak at tumingin sa akin ng may pang-aasar.

Biglang nag-init ang ulo ko. Siguro kung hindi lang ako nakagapos sa kinauupuan ko ay sinugod ko na ito.

"I don't need a slut in my life. Ayaw ko sa isang babaeng natikman na ang tatay ko. Disgusting!"
Pagkatapos sabihin iyon ni Dash ay bumaling ito sa akin at kinalagan ako.

"HOW DARE Y--"

"Shut the f*ck up b*tch! Kahit babae ka tatamaan ka sa akin."
Hindi natapos ni Alexa ang sasabihin niya nang siya naman ang binulyawan ni Dash.

Napapadiyak naman si Alexa sa inis at padabog na lumabas ng kwartong pinaglagiyan sa akin.

"Sinasabi ko sa iyo Dash. Habang buhay kang hindi magiging masaya! Dahil bumabalik ka na naman sa dati kung saan babae na naman ang dahil kung bakit ka masisira!"
Pagkatapos sabihin iyon ng daddy ni Dash ay lumabas ito ng kwarto at pabagsak na sinarado ang pinto.

Nanghihina akong tumayo habang nakaalalay sa akin si Dash. Wala itong imik at hindi mo ito makikitaan ng emosyon sa kaniyang mukha.

"Marami kapa pa lang ipapaliwanag sa akin." Nilingon ako nito kaya nginitian ko siya. "Hindi kita huhusgahan kahit ano pa ang malaman o marinig ko."

Nagulat ako ng hinila ako nito payakap sa kaniya. Naramdaman kong namasa ang balikat ko.

Is he crying? Of course he is! Ang tanga mo self.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya niyakap ko siya pabalik. For the first time in my life, ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak.

They said boys who are crying is gay. But they're actually wrong! Ang mga lalaki pinapakita lang nila na malakas sila pero nasasaktan din.

But seeing Dash right now, alam kong sobrang bigat ng nararamdaman nito. Mahina kong tinatapik ang likod nito para malaman niyang hindi siya nag-iisa.

Kumawala na ito sa yakapan namin.

"I'm sorry. You saw me crying."
Sabi nito habang nakayuko.

"Wala namang masama kung umiyak minsan, lalo na kung hindi mo na kaya ang bigat nito."
Sabay turo ko sa dibdib niya.

He smiled at me. Magsasalita pa sana siya ng may pumasok sa kwarto.

Limang lalaking may malalaking katawan at may hawak na mga baseball bat. Napakapit ako sa balikat ni Dash. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit tapos itinago ako nito sa kaniyang likod.

"Dito ka lang sa likod ko."
Gulat akong napatingin sa kaniya.

"Kakalabanin mo sila? Hindi mo sila kaya! Hindi pwede! Mapapahamak ka."
Hinawakan ako nito sa balikat at ngumisi. What's with the smirk?

"I wan't to show you the real me. Who really I am."
Napakagat ako nang labi. Seryoso ba talaga siya diyan?

"Sa ganitong paraan pa talaga? Dash naman! Tingnan mo sila ang lalaki nila at may baseball bat pa, samantalang ikaw kahit ano wala."
Sabi ko sa kaniya pero umiling lang ito.

"Hoy mga bata! Tama na 'yang paglalambingan niyo! Hinding hindi kayo makakalabas dito."

Galit na tumingin si Dash sa lalaking nagsalita. Tapos dinala ako nito sa sulok ng kwarto.

"Just stay here."
Sabi nito bago ako tinalikuran.

"Mag-iingat ka."
Humarap ito ulit sa akin at pabirong sumaludo. Inirapan ko naman ito.

"Come on let's start!"
Sabi nito kaya sumugod sa kaniya nang sabay ang tatlong kalalakihan.

Iniwasan ni Dash ang lalaking nasa kaliwa nito at sinipa sa may tiyan. Sinuntok naman nito ang mukha nang nasa kaniyang unahan dahilan para matumba ito. Hahampasin na sana si Dash sa ulo  ng lalaking nasa kanan niya ng isinangga niya ito gamit ang braso niya bago nito sinipa sa tagiliran.

"Dash sa likod mo!"
Sigaw ko nang may hahampas sana sa likod niya. Mabilis naman umiwas si Dash at sa isang iglap lang ay nasa likod na siya ng lalaki. May ginawa ito sa leeg nong lalaki kaya nawalan ito ng malay.

Kinuha ni Dash ang nalaglag na baseball bat kaya pinapalibutan siya ngayon ng apat pa na natitirang kalalakihan.

Sinugod siya ng isa gamit ang baseball bat kaya sinangga niya rin ito pagkatapos ay sinipa naman ito ni Dash sa tiyan ng ubod ng lakas kaya sumuka ng dugo ang kalaban nito.

Napa-aray naman ang lalaki sa sakit. Pinagsusuntok ito ni Dash hanggang sa mawalan na rin ito ng malay. Tatlo na lang ang natitira.

Puno ng pawis si Dash at may mantsa na nang dugo ang kaniyang damit. Sabay na sumugod ang dalawang lalaki. Nakaiwas si Dash sa isa pero natamaan siya sa likod ng isa. Napangiwi si Dash sa sakit.

Kinabahan ako bigla dahil alam kong masakit iyon.

"Fuck!"
This time namumula na talaga sa galit si Dash. At hinila nito ang kamay ng lalaking nasa kaliwa niya at kahit malaki ang braso nito ay nabali niya.

Napasigaw sa sakit ang lalaki at napaupo. Tinalikuran ito ni Dash nakipagsuntukan sa dalawa pa. Nagulat ako ng sa ilang segundo lang ay wala nang malay ang dalawa at puno na rin ng dugo.

Nanaginip ba ako? How can you do that Dash? Napakurap-kurap ako nang makalapit na siya sa akin.

"Let's get out of here."
Kinuha nito ang kamay ko at patakbo kaming umalis sa kwarto. Pagkalabas namin ng kwarto ay tinanong ko siya.

"Ayos lang ba yung likod mo? Masakit ba?"
Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

"No. Don't worry about me."
Napasimangot na lang ako sa sagot nito. Ilang minuto pa ay nakalabas na kami sa isang building.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko si Nate at kasama si bebs Nali na nasa labas ng kotse. Pagkakita nila sa amin ay patakbong lumapit sa akin si bebs Nali at niyakap ako ng mahigpit.

"Gaga ka talaga! Pinakaba mo ako."
Naiiyak na sambit nito kaya niyakap ko siya pabalik.

"Sorry na, hindi na mauulit."

"Sa susunod magpapasama kana sa akin ha? Tinakot mo akong bruha ka! Itatali na lang kita sa susunod makita mo!"
Natawa na lang ako sa sinabi nito at naghiwalay na kami sa yakapan.

"Tara na guys."
Sabi ni Nate kaya pumasok na kami sa loob ng sasakyan.

Tahimik lang si Dash na nasa passenger seat. Kami naman ni bebs Nali ay nasa backseat at si Nate ang nasa driver seat.

"Are you okay bro?"
Tanong ni Nate kay Dash bago nito pinaandar ang sasakyan. Tumango naman si Dash. Napabuntong hininga na lang ako.

"Your mom and dad are waiting for you Amy. They are all mad."
Napalunok ako dahil sa kaba at napabaling kay Dash na nakatingin sa akin sa may side mirror.

I flash a fake smile at him bago yumuko. Parang alam ko na ang susunod na mangyayari. Kinakabahan na ako.

--------

Sorry for the late update guys!🥺 Sa mga silent readers ko magcomment naman kayo. Gusto ko kayong makilala hehe.
(✿ ♡‿♡)

Free to follow me on these accounts.❤️
FB: Nhica Julia Osorio Ambrocio
FB Page: PiggyBank19 Stories
Dreame account: @PiggyBank19
Twitter: @19Nhicay
IG: @nhicanics19

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now