Chapter 39

41 1 0
                                    

AMY'S POV

Lahat kami ay nataranta ng makita ang sitwasyon dalawang bagong dating sa bahay nila Stalein. Kahit na ako mismo ay biglang nanlamig sa kalagayan ni Dash. Bumalik ang kaba na aking nararamdaman kani-kanina lang. Ang makitang sugatan si Dash ay parang tinusok ng mga karayum ang aking dibdib ng makita itong duguan at walang kamalay-malay.

"Jusko! Kailangang magamot sila kaagad."-tanging naisambit ni mama pagkatpos mahimasmasan sa pagkakagulat.

Dali-daling umakyat si Stalein sa hagdan papuntang 2nd floor ng bahay. Sinabi nitong ihahanda niya ang kwarto at mga kakailanganin para magamot ang dalawa. Bumaba naman kaagad si Stalein na may dala-dalang isang stretcher para mabuhat ang dalawa. At dahil surgeon si KC agad naman siyang gumalaw para tumulong. Una nitong binuhat si Nate dahil ito ang pinakamalapit sa kaniya, tinulungan naman siya ni Daddy.

Agad kong dinaluhan si Dash na ngayon ay nakahiga sa sahig dahil natumba sila ni nate at parehong nawalan ng malay. Inihiga ko ang ulo ni Dash sa aking mga binti, nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang kanyang pisngi at mahinang tinapik ito para gisingin.

"D-dash...gumising ka babe, l-lumaban ka."- malumanay kong sambit.

Kahit mabahidan man ng dugo niya ang aking damit ay hindi ko siya iiwan. Gusto kong kahit wala siyang malay ay gusto kong maramdaman niya na nandito lang ako sa tabi niya.

Napalingon ako kay Papa na lumapit sa'min.

"Anak, dalhin na natin siya sa taas. Grabe ang sugat ng batang ito, kailangan na niyang magamot kaagad at baka maubusan pa ito ng dugo."

Pinahid ko ang mga luha ko at tumango kay papa. Dumating naman kaagad ni KC na dala ang stretcher, pinagtulungan nilang buhatin si Dash para maisakay sa stretcher. Si Daddy na ang siyang katulong ni KC sa pagbubuhat kasi hindi kayang magbuhat ni Papa ng mabibigat.

Si Rena naman ay inakay si Steven papunta sa isang kwarto kanina kung saan dinala sila ng katulong ni Stalein bago pa masilayan ng mga ito ang nangyayari ngayon. Si Mommy at Mama ay nilapitan ako para pakalmahin at pinaupo sa sofa.

Tanging nakatulala at nakatitig na mga kamay kong may bahid ng dugo ni Dash.

"Kumalma ka anak, maililigtas rin ang dalawa sa kapahamakan, manalig lang tayo sa Panginoon ma sana'y marinig niya ang ating dasal."- sabi ni mama habang niyayakap ako. Tinignan nito si Mommy at tinanguan ito.

"Tama si Mama mo, ija. Halika, hugasan natin ang mga kamay mo."

Hinila ako ni Mommy at dinala sa CR kung saan itinuro sa kanya ng maid kanina noong nagtanong siya. Pagkatapos kong naghugas ng kamay at maghilamos ay bumalik din kami kaagad sa sala. 

Sa ilang minutong lumilipas ay hindi ako mapakali sa aking kinauupuan, habang hawak-hawak ang cellphone ko. Iniisip ko kasing sabihin kay Nali ang nangyari kay Nate pero hindi ko alam ang gagawin ko. 

Ilang sandali pa ay nakapagdesisyon na ako, kailangan din siya ni Nate sa mga oras na ito. Karapatan din naman nitong malan ang sitwasyon ni Nate dahil alam kong may namamagitan naman sa dalawa kahit hindi man aminin ng mga ito. 

Chineck ko ang oras sa cellphone at ala una y media na ng madaling araw. Dinial ko na ang number ni Bebs Nali, sa unang ring ay hindi ito kaagad sumagot dahil alam ko tulog na ito. Sa pangalawang ring ay sumagot na ito, nag-aalinlangan pa ako kung sasabihin ko ba sa kaniya.

"Hello bebs? Bakit ka napatawag?"

Mahahalata sa boses nito na kakagising lang niya, naguilty tuloy ako.

"Pasensya kana kung naabala ko ang tulog mo."-huminga ako ng malalim.

"Ehh kasi si Nate..." -hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sumagot ito bigla.

"Oh bakit? Anong meron sa lalaking 'yon?"

"May nangyari kasing hindi maganda kanina sa kanilang dalawa ni Dash. Nandito kami ngayon sa bahay ng pinsan niya na si Stalein. Baka gusto mong pumunta to check on him?"

Narinig ko ang pagtunog ng kama nito na senayles naman na bumangon ito sa pagkakahiga. 

"Sige mag-aayos lang ako ng gamit na dadalhin at magbibihis." saad naman nito.

"Okay bebs, isesend ko nalang sa'uo yung address ng bahay. Basta i-text mo ako kapag nakaalis kana ha?"-paalala ko naman sa kaniya.

"Opo."

Huling sambit nito bago ibinaba ang tawag. Bumalik ako sa sala at naupo sa sofa pagkatapos kong i-text sa kaniya ang address ng bahay, lumabas kasi ako saglit ng bahay para tumawag kay Bebs Nali.

Mga sampung minuto na siguro akong naka-upo roon ng maramdaman kong nagvibrate ang aking cellphone. Kinuha ko ito at mayroon text si Bebs Nali na paalis na siya sa bahay nito. Napabuntong hininga na lamang ako at napasubsob ng kamay sa mukha. Hindi ako naging komportable kaya sa sahig ako umupo at sinandal ang likod sa sofa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa paghihintay.

CHINECK nila Sandra at Amelia ni si Amy sa sala, nakaramdam ng awa naman ang dalawang ina sa kanilang anak. Nakita nila itong mahimbing na natutulog katabi ang sofa. Tinawag nila ang kanilang mga asawa para ayusin ang pagkakahiga ng anak sa sofa. Dahan-dahan nila itong inilipat sa ibabaw ng sofa para hindi ito magising.

"Everyone, we need to talk. Naaawa na ako sa mga bata, sila ang sumasalo lahat ng problema na tayo naman ang nag-umpisa."-sabi ng Mama ni Amy na si Sandra. Agad namang sumang-ayon sa kaniya ang tatlong kasama.

"The only person who is the root of problems here is Drico. Lumalala na siya! Even his own son, pinakulong niya na siya naman ang dahilan ng lahat."-sabi ni Antonio na halatang naiinis sa tatay ni Dash.

"Kaya nga! Pilit niyang pinapaako sa anak niya ang mga kasalanang naga nito lalo na sa mag ina niya. Napakawalang-puso ng hayop na iyon!"

Hinahagod naman ni Sandra ang likod ni Rodolfo pagkatapos nitong sabihin iyon. 

Kilala nilang lahat ang totoong katauhan ni Drico sa likod ng pagiging businessman nito. Dahil si Drico ay minsan naring naging kaibigan nila Amelia, Antonio at Rodolfo. Hindi nila lubos na sa loob ng ilang taon na pagkakaibigan nila ay lolokohin sila nito at tatraydorin.

"Ang alam namin ay siya ang may pakana ng pang-aambush sa amin at buti na lamang nga ay tinulungan kami ni Dash at dinala dito sa bahay ng kaibigan niya."dagdag na pa ni Sandra. 

Laking papasalamat rin nito sa binata dahil kung hindi sila nito tinulungan ay malamang wala na sila ngayon sa mundo.

"Uhm excuse me po, Mr. and Mrs. Bautista. Meron po sana akong sasabihin."- may paggalang na sabi ni Rena na kakababa lamang galing sa 2nd floor kung saan ang kwarto na tinutulugan ng alaga nito.

"What is it Rena?"-tanong ng mag-asawang Bautista rito.

"Hindi lamang po yung tatay ni Dash ang may kasalanan, pati narin po ang isang grupo ng gang na may palatandaang gagamba sa mga katawan ng mga ito. Sinubukan po nilang pasukin ang mansion po, pero dahil kay Dash at sa mga tauhan nito ay agad nila itong naagapan at napatumba."-nagulat ang mag-asawa sa sinabi ni Rena. Agad na nagpatuloy si rena sa pagsasalita. "Kaya lahat pong natira sa mansion kanina ay ligtas na po at mayroong nagbabantay sa kanila na mga tauhan ni Dash po, iyon lamang po."

"Thank you for the informations, Rena. I think, I am going to faint after hearing that."- Ang tanging saad ni Amelia at napahawak pa ito sa ulo.

"That's it! Kailangan may gawin na tayo para sa ikabubuti ng lahat."sabi ni Rodolfo. Si Antonio naman ay tumayo bigla, napatingin sa kaniya ang lahat.

"I need to call someone and prepare something that will help us in this situation.  For the peace, love and sacrifices that has been taken should be paid off."-Antonio said with  full of determination to stop this madness.


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Happy Holidays, everyone! <3

I hope you enjoy your day with families and friends. Take care always, mwuahhhFree to follow me on these accounts.❤️

FB Page: PiggyBank19 Stories
Dreame account: @PiggyBank19
GoodNovel: @PiggyBank19
Twitter: @19Nhicay

IG: 



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now