Chapter 6

171 19 20
                                    

Gustong kumawala nang mga luha ko kaya nilapitan at niyakap ako ng babaeng doctor na si Stalein. Tinalikuran naman kami nang lalaki na si Dash at lumabas ito nang kubo.

"Jesh! He lost his control again."
Napahikbi ako sa sinabi nang Nate.

"Don't you worry girl, he just can't control himself kaya ganun siya. Mabait naman yun."
Pinunasan ko ang luha ko at tumingin sakanilang dalawa.

" I-I'm sorry guys, I'm Amy Keen Davis."
Pagpapakilala ko. I don't want to be rude, umupo ako sa upuan sa may lamesa.

"I'm Stalein and he's Nate my cousin."
And she pointed to the guy beside her, nagwave ng hand naman ito sa akin and welcome me with a smile. Tumango lamang ako.

Kasalukuyang nasa kwarto ako ngayon ni Dash, galit ako sa kanya. Pwede naman kasi huminahon lang pag nagsasalita so bakit kailangan galit? Nakakainis talaga yung lalaking iyon! Pinunasan ko ang luha ko at sumandal sa headboard ng kama. Yes, I'm too sensitive. Hindi ko kaya na may taong galit sa akin, hindi na ako mapakali non. Konting sigaw lang iisipin ko kaagad na galit na galit ka na talaga. This is what I don't like to myself, being to sensitive.

I heard a clicked galing sa doorknob ng pinto kaya nagmadali akong magtalukbong sa kumot at nagpanggap na natutulog. I know that it was Dash and I want to ignore him. Galit ako sa kanya!

"I know your awake and I made a meryenda sa coffee table."
At lumabas na ito ng kwarto.
I rolled my eyes. Wala man lang na sorry? Kakainis!

Nakarating na ako sa kusina at si Dash Naman ay nag lalagay ng ulam at kanin kaya tumulong na ako sa mga kubyertos. Pagkatapos ay umupo na kami at kumuha ng pagkain.

Susubo na sana ako ng biglang magsalita si Dash.

"I'm sorry about what happened earlier, sorry if I'm rude."
napatungo ako at pilit itinatago ang ngiti. Marunong naman pala humingi ng sorry.

"Nah~ it's okay."
Sabi ko at sinubo na ang nasa kutsara.

"Ilang araw ka na dito sa pero Hindi tayo nagpapakilala ng maayos."
Sabi nito na ikinatango ko naman. Totoo naman kasi, nakakahiya na rin na dito pa ako tumuloy.

"Amy Keen Davis is my name, how about yours?"
Sabay abot ng kamay para magshake hands, Dash lang kasi ang alam ko sa kanya dahil iyon ang tinatawag sa kanya nila Stalein at Nate.

"Dash Ravein Flauter."
Inabot naman nito ang kamay ko and I felt sparks kaya napabitaw ako bigla. Infairnes mahahalata sa kamay niya na sobrang sipag niya dahil magaspang ito. Stop it self! Kumain ka na lang.

Nagpatuloy na kami sa pagkain. Pagkatapos Naman ay ako na ang nagpresentang maghugas ng mga plato at hindi na ito tumanggi pa, siya kasi nagluto kaya dapat ako ang maghuhugas.

Pagkatapos kong maghugas ng mga Plato ay lumabas muna ako ng bahay. Nakita kong malapit ang ang talon kaya lumapit ako doon at umupo sa may batuhan.

Ang tubig ay mala crystal kung kuminang, napakasariwa ng hangin. Kaya siguro dito tumayo ng kubo si Dash. Hays, gusto ko ng umuwi sa bahay at tingnan iyon baka may mawala pa. Sasabihin ko na lang kay Dash mamaya na uuwi ako. Alas singko pa lang naman ng hapon. Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likuran ko kaya napabaling ako doon.

"Penny for your thoughts."
Si Dash pala.

"U-uhm... Pasensya ka na pala at napakalaking abala ko sayo."
He chuckled. Nag-init ang buong mukha ko.
Bakit ang sarap sa pandinig niyon? Napakahusky ng pagtawa niya.

"Alangan naman na pabayaan lang kita dito sa dulo ng gubat."
Pailing-iling pa nitong sabi kaya napa-yuko naman ako sa hiya. Napa-angat naman ako ng tingin sa kanya dahil sa huling sinabi nito.

"A-ano? Sa dulo ito ng gubat?"
Napatango naman ito.

"Yeah, but don't worry walang mga mababangis na hayop dito."
Napabaling ulit ang atensyon ko sa talon.

"Dash, gusto ko palang umuwi sa bahay."
Siya naman ang napabaling sa akin.

"Sigurado ka na kaya mo na?"
Pagtatanong nito na ikinatango ko.

"Gusto kong tingnan ang bahay baka may mawala pa doon na mga mahahalagang bagay."
Tumango-tango naman ito.

"Ok. Tatawagan ko lang si Nate."
Sabay tayo nito at umalis patungo sa kubo.

Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya. Pinagpag ko ang suot kong leggings at nagsimula nang maglakad.

Pumasok ako sa kubo at dumiretso sa kwarto ni Dash para kuhain ang purse ko at selpon.

"Within 5 minutes ay darating na si Nate and sasama ako baka balikan ka pa nang mga iyon."
Tumango naman ako sa sinabi nito.

5 minutes later...

Dumating na nga si Nate at pasakay na kami sa kanyang helicopter and I'm so nervous. Umalis na kami at pinagpapawisan ako. Alam na ni Nate kung saan ang bahay ko dahil nagresearch ito tungkol sa akin.

Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Unang lumabas si Dash at inalalayan ako pababa ng helicopter. Napatikhim naman si Nate kaya nangunot ang noo ni Dash sa kanya at ako naman ay umuna na papasok ng bahay. Nakalock sa unahan na pinto tapos naalala kong bukas pala ang pintuan sa likod ng bahay, sumunod Naman sa akin ang dalawa.

Pagpasok namin sa backdoor ay kusina na kaya dumiretso ako sa sala at nakitang may mga basag na glass galing sa bintana. Umupo naman ang dalawa sa may kahoy na sofa.

"Diyan lang muna kayo, titingnan ko lang ang kwarto ko."
Tumango naman ang mga ito sa akin kaya kumaliwa na ako diretso sa aking kwarto.

Pagbukas ko ng kwarto ay napatakip ako sa bibig dahil sa gulat. Ang aking kwarto ay parang dinaanan ng bagyo sa sobrang gulo. Mga basag na salamin mga damit na nakakalat at sinira ang pinto nang aking banyo. Napaiyak ako sa aking nasaksihan.

Naalala ko ang isang kwintas na locket na binigay sa akin ni Lola at nakalagay iyon sa aking damitan. Lumapit ako doon para tinangnan kung kinuha iyon.

Pagtingin ko sa aparador ay wala na ito. Labis akong napaluha dahil ang kwintas na locket na iyon ay simbolo ng katatagan ng aming pamilya tapos naiwala ko pa ito.
Napaluhod ako sa sobrang panlulumo.

Kung sana hindi ko lang iniwan ang bahay nato siguro hindi iyon mawawala. Umiiyak akong lumabas ng kwarto, may narinig akong nagsisigawan sa sala.

"Sino kayo? At anong ginagawa niyo dito sa bahay ng bebs ko? Sumagot kayo kung hindi tatawag ako ng pulis!"

Kilala ko ang boses na iyon kaya dali-dali akong tumungo sa sala at nadatnan mo doon ang ayos ni lang tatlo. Si Bebs Nali may hawak na walis tambo at nakatutok sa dalawang nakaupo sa sala. Si Dash Naman ay parang walang pakealam tapos si Nate ay nakataas ang dalawang kamay habang nanlalake ang mga mata.


"Bebs."
Napalingon ito sa akin at nabitawan nito ang hawak na walis tambo tapos lumapit sa akin at binatukan ako.

"Buset ka talaga!hmmp."
May tampo nitong sabi sa akin. Napangiti na lamang ako.


---------------------------------------------------

At last! Naka-update na rin ako guys! 🤣 Ilang araw din akong nawala dahil sa madaming performance tasks ko sa modules. ☹️ Tuloy-tuloy na to guys! Stay safe labyah! ❤️

-@PiggyBank19

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now