Chapter 22

101 7 8
                                    

We're all finished eating breakfast. Sobra akong nabusog dahil ang masarap ang pagkain. Mukhang tataba yata ako dito. Ang mga parents ko ay may pupuntahan daw at gusto akong isama pero umayaw ako dahil dito muna sa mansion ako ililibot ni Rena.

Kasama ko si Rena ngayon at kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway nitong third floor ng mansion. Uumpisahan daw muna namin sa itaas pababa. Nandito sa third floor ay may apat na guests room tapos library.

"Lahat ba nang kwarto rito ay may veranda?" Tanong ko kay Rena pagkapasok namin sa isang guests room.

"Opo ate Amy as in lahat po talaga mapa-third floor hanggang first floor po. Three times in a week po namin nililinisan ang mga kwarto dahil po baka may biglaang bisita."
Pag-explain nito sa akin kaya tumango ako. Lumapit ako sa may sliding door at binuksan ito para tignan ang veranda at ang labas nito.

Napanganga ako dahil sa ganda nang view dito sa likod ng mansion.

"Ang ganda! Meron pa lang swimming pool dito Rena tapos ang ganda ng pagkaka-arrange. Bakit hindi mo sa akin sinabi?"
Sabi ko sa kanya pero hindi inaalis ang tingin sa unahan.

"Wala pa po kasi tayo sa labas ate."
Natatawa nitong sabi sa akin. Na-excite ako bigla kaya pumasok na ulit ako sa kwarto at sinarado ang sliding door.

"Tara na Rena gusto kong sa labas muna tayo."
Nakangiti itong tumango sa akin at nauna na akong lumabas ng kwarto sa kanya.

"Sinasabi ko na nga ba ate. Mas magugustuhan mo sa labas."
Sinarado nito ang pintuan at nilock.

Naglakad na kami pababa sa second floor kung saan ang kwarto namin nila mommy. Hindi na kailangan ni Rena na i-tour pa ako dito dahil alam ko na ang pasikot-sikot.

Bumaba ulit kami sa hagdan pababa sa first floor. Pagkadating namin sa first floor ay may nakakasalubong kaming mga maid. Ngumiti sila sa akin at yumuko.

"Magandang araw po Ma'am Amy."
Mas matanda sila sa akin at nahihiya ako na tawaging Ma'am.

"Amy na lang po, hindi po ako sanay na tawaging Ma'am Amy."
Nahihiyang saad ko at ngumiti.

"Sige po Amy."
Napakamot ako sa ulo.

"Huwag na rin po kayo mag 'po'. Mas matanda pa nga po kayo sa akin eh."
Natawa sila at tumango.

"Sige Amy."
Ngumiti ako nang malapad sa kanila at saka gumayak paalis kasama si Rena.

"Ate Amy sa garden po muna tayo."
Tumango naman ako at sumunod sa kanya.

Ilang minuto na paglalakad ay narating na namin ang sinasabi nitong garden. Hindi ko maiwasang mamangha. Napaka-ganda dito dahil sa sari-saring kulay at mga bulaklak ang nandito.

"Ang ganda talaga."
Meron ditong maliit na kubo tapos may pabilog na mesa at tatlong upuan.

Napakapresko nang hangin at mabuti na lang ay hindi gaanong mainit. Pumasok ako sa kubo at naupo sa isang upuan.

"Dito po ang paboritong tambayan nila Ma'am Amelia at Sir Antonio."
Tumango ako sa sinabi nito.

Napakaganda naman kasi nang lugar na ito. Dagdagan pa na matahimik lang at walang ingay. Ang sarap dito maglagay ng duyan at saka magbasa.

"Halika na po ate sa swimming pool."
Napatayo ako sa pagkaka-upo at kumawit sa braso ni Rena at nangingiting naglakad na.

"Tara na!"
Natawa sa akin si Rena.

Habang papunta kami doon ay may nakasalubong kami na dalawang maid ngumiti si at yumuko kaya ngumiti na rin ako.

Pagkarating namin sa may swimming pool ay mas lalo akong namangha. Ang ganda talaga iyong parang sa mga resort lang. Tapos well organize yung mga plant's sa gilid pati na mga upuan.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon