Chapter 36

142 3 5
                                    

Its been two weeks since my last meet up with Dash. Pero, simula noong nakauwi kami ay hindi na siya nagparadam sa'kin. Kahit magtxt man lang o tumawag.

Hindi talaga ako makatulog ng maayos dahil doon. Si bebs Nali rin ay nakauwi na sa kanila dahil nami-miss na raw siya ng parents niya. Kaya eto ulit ako ngayon, mag-isa at walang kausap.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko dahil alas-diyes na nang gabi. Nakatihaya sa kama at nakatitig lang sa kisame ng kwarto.

"Parang lalagnatin pa yata ako ngayon ah." Hinawakan ko ang noo ko at napansin kong sinisinat na nga ako.

Kahapon pa masama ang pakiramdam ko, pero isinawalang bahala ko lang ito.

Dahan-dahan akong tumayo sa kama at kumuha ng jacket para isuot kasi nilalamig na ako. Hindi ko narin maintindihan itong nararamdaman ko, hindi ako mapakali at medyo kinakabahan ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa side table ng kama bago lumabas ng kwarto. Bumaba ako at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Pagkapasok ko ay naabutan ko si Rena na naghuhugas ng plato.

Speaking of Rena, hindi ko pa pala siya nakakausap at hindi ko pa nasabi 'yong about kay KC.

Napansin niya akong pumasok kaya lumingon siya sa akin at nagtanong.

"May kailangan po ba kayo ate Amy?" Tumango naman ako sa kaniya. "Iinom lang ako ng gatas, medyo masama ang pakiramdam ko." Mabilis naman siyang lumapit sa akin.

"Pwede ko po bang hawakan ang noo niyo? Titignan ko lang po kung mainit kayo." Paalam nito, kaya tumango na lang ako. Wala namang problema sa'kin iyon.

"Naku po! Sinisinat po kayo ate, mas mabuti pong bumalik na po kayo sa kwarto niyo. Baka lumala pa lalo. Ipagtitimpla ko po muna kayo ng gatas at magdadala na rin po ako ng gamot." I can see worried flustered on her face and its genuine.

"Sige. And before I forgot, meron akong sasabihin sa'yo. Hihintayin na lang kita sa taas, mag-uusap tayo."

"Opo ate." Sagot nito sa akin kahit na nagtataka.

Bumalik na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Nagtalukbong ako ng kumot dahil nilalamig na talaga ako.

Nagiging masakitin na yata ako ah!

Hindi naman ako ganito dati, siguro sa stress at kakaisip ko ito ng mga problema. Nakakalungkot lang na ang dami nilang itinatago sa akin.

Bakit? Wala ba silang tiwala sa'kin?

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi ko na napigil ang mga luha ko at kusa na itong umagos. Dahilan upang mas sumakit pa ang ulo ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko ng biglang may kumatok sa pinto. Si Rena na siguro ito.

"Pasok!" Sabi ko at sumandal ako ng headboard ng kama at umayos ng upo.

Pumasok naman si Rena na may dala-dalang tray ng gatas at tubig pati na ang gamot. Nilagay niya ito sa lamesang katabi ng kama ko.

"Salamat. Maupo ka muna at may pag-uusapan tayo, and I want you to be honest with me." Kinuha ko ang gatas at uminom muna. Naupo naman siya sa upuan na nandito sa loon ng kwarto ko.

"Ano po 'yon ate?" Nagtatakang tanong naman nito.

"Klyden Chase in short KC." Nanlaki ang mata niya at gulat na tumingin sa akin. "Base on your reaction, kilala mo siya. Pinapasabi niya na umuwi ka na raw." Napayuko naman siya dahil sa sinabi ko.

"I-im sorry po ate...hindi ko naman po gustong m-magsinungaling eh, pero k-kailangan po kasi." Nanginig ang mga kamay nito. Kaya hinawakan ko ito.

Ang lamig ng kamay niya!

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now