Chapter 18

100 9 14
                                    

This is it! Ito na ang araw kung saan makikilala ko na ang totoo kong mga magulang. Tuwing naiisip ko palang ay nanlalamig na ang mga kamay ko.

Alas tres na nang hapon at nandito ako ngayon sa kwarto ko. I'm trying to calm myself. Napatayo ako sa pagkakaupo ko sa kama nang makarinig ako nang mga umuugong na sasakyan.

"A-andyan na ba sila?"
Mahinang naisambit ko. Sumilip ako sa may bintana at nakita kong nakaparada na limousine sa tapat ng bahay. May mga kasama rin na bodyguards na nakamotor at aabot sa benteng katao.

Napatakip ako sa bibig ko. Ganyan talaga sila kayaman? Kinikilabutan ako. Nagulat ako nang biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Anak lumabas ka na diyan."
Si mama pala.

Lumapit ako sa full size mirror at tiningnan ang sarili ko. Nakadress ako ngayon ng peach na sleeveless at naka flat shoes. I want to look presentable in front of them.

"Opo susunod ako ma."
Kinuha ko ang suklay at sinuklay ang buhok ko. Naglagay na rin ako nang pulbo at liptint.

Lumabas na ako nang kwarto ko at dumiretso sa sala kung saan naroroon ang aming bisita pati sila mama. Pagkapasok ko sa sala ay napatingin ang dalawang bisita namin nang may nanlalaking mga mata.

Napayuko naman ako dahil doon. Umupo ako sa may bakanteng upuan sa tapat ng dalawang bisita namin.

"S-siya na ba iyan Sandra?"
Tanong nang babaeng bisita namin. Napaangat ako nang tingin at napaayos ng upo.

"Oo Amelia, siya nga si Amy."
Kitang kita ko sa mga mata nito ang pamumuo nang mga luha nito at nagsimulang magbagsakan.

Napahawak ito sa hita ng kanyang asawa.

"Antonio a-ang anak natin."
Garalgal nitong sambit at niyakap naman siya nang kanyang asawa.

"P-pwede ba kitang m-mayakap?"
Nagaalanganing tanong nito sa akin kaya tumango ako.

Ilang segundo lang ay ramdam ko na ang yakap nito sa akin. Sa hindi maipaliwanag na nararamdaman ko ay napaiyak ako at gumanti rin nang yakap sa kanya.

"M-miss na miss ka na namin nang D-daddy mo anak. Mahal na m-mahal ka namin dalawa."
Sabi nito sa akin habang hindi pa rin kumakawala sa pagkakayakap.

Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko. Ito siguro ang sinasabi nila na lukso nang dugo. At dahil sa mga sinabi nito ay napaiyak ako. Kumawala na rin ito sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan nang dalawa niyang kamay ang mukha ko at parang sinasaulo ang bawat anggulo nito. Mga ilang segundo pa ay binitawan na niya rin.

Napabaling ang atensyon ko sa totoo kong tatay nang lumapit ito sa akin. Naiiyak na rin itong yumakap na sa akin.

"A-anak pagpasensyahan mo na si D-daddy ah. I'm s-sorry kung kailangan mong mawalay sa amin nang Mommy mo."
Kumawala na rin ito sa pagkakayakap sa akin. Pinahid ko ang mga luha ko sa pisngi.

"A-ayos lang po naiintindihan ko n-naman po."
Nakayuko kong sabi sa kanya. Hinawakan nito ang dalawa kong kamay.

"Sinisigurado namin nang mommy mo na hindi ka na mahihiwalay pa sa amin."
Napatingin ako bigla sa kanya dahil sa sinabi nito.

"A-ano pong ibig niyong sabihin?"
Kinakabahan kong tanong.

"Kukunin ka na namin kila mama mo para sa kaligtasan mo anak."
Nagulat ako sa sinabi nito.

"P-po? Pero ayoko po silang iwan."
Napatingin pa ako kila mama na kanina pa pala umiiyak at pinapatahan naman siya ni papa.

Ayoko silang iwan para sa kaligtasan ko. Kung aalis man ako ay gusto ko silang isama. Sila na ang nag-alaga sa akin mula pagkabata tapos iiwan ko lang sila? Ang unfair non. Hindi ako papayag.


The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now