Chapter 20

118 10 14
                                    

We safely arrived at Caticlan Jetty Port. Ngayon ay nakasakay na kami nang barkong Starlite Ferries. I don't know what to do natatakot talaga ako ngayon. There's so many what if's ang nagpapagulo sa isip ko ngayon.

Just like, What if the boat will sink? What if lumakas ang alon at umulan? Parang hihimatayin yata ako. Ayokong malaman nila mama na takot ako sa dagat nakakahiya iyon. Maybe I can call Dash? Oo, tama! Siya na lang.

Tumayo ako sa pagkakaupo at lumapit kila mama at mommy para magpaalam na magbabanyo pero ang toto tatawagan ko lang naman si Dash.

"Oh, iha."
Si mommy.

"Magbabanyo lang po sana ako."
Pagpapaalam ko sa kanila mommy. Napansin siguro nila na medyo balisa ako kaya pinayagan nila ako.

"Sige basta bumalik ka ulit dito."
Sabi ni mama na ikina-tango ko naman. Tumalikod na ako sa kanila at lumapit sa isang crew. Nahihilo nga ako dahil medyo umaalog ako barko. Tinanong ko sa crew kung nasaan ang banyo kaya sinamahan ako nito.

"This way po ma'am."
At nauna itong maglakad sa akin kaya sumunod ako. Pagkarating namin sa banyo ay agad ako nagpasalamat sa kanya tapos tumango ito bago ako tinalikuran.

Umupo ako sa toilet bowl dahil may takip naman ito at malinis ang cr. Nanginginig at nanlalamig ang mga kamay kong kinuha ang cellphone ko sa black sling bag ko. Kaagad kong tinawagan ang number ni Dash dahil nasusuka na talaga ako. Nakakadalawa akong ring bago niya ito sinagot.

"H-hello Dash."

"Hmm. Why?"
Tanong nito sa akin. Pinunasan ko naman ang pawis ko gamit ang panyo ko.

"P-please sing a song and r-record it for me."
Narinig ko ang buntong hininga nito. Naistorbo ko ba siya?

"Babe, I c-can't sing."
Oh damn! Naiiyak ako.

"Please just t-try it for me. Okay lang kung hindi maganda, nahihilo na talaga ako Dash hindi pa umaalis ang barko pero sobra na ang t-takot ko. I have a Thalassophobia."
Hindi ko na pinansin ang pagtawag nito sa akin ng 'babe' at napasinghot na ako dahil umiiyak na pala ako. Wala na kasi akong choice takot rin akong mag eroplano baka tuluyan na akong himatayin non.

"Alright just don't cry. It breaks my heart babe and also I'm not there to wipe your tears."
Pinunasan ko ang luha ko.

"J-just send it to me after you recorded it Dash. T-thank you."

"Okay just stop crying. I'm gonna hung up now."
I felt at ease.

"Bye, I'm going to miss you."
Then I ended the call.

Lumabas na ako nang banyo at inayos ang sarili sa harap ng salamin. Bago umalis at bumalik sa pwesto namin nila mama kanina.

Hindi pa umaalis ang barko dahil naglo-load pa sila nang iba pang mga passenger at mga bagahe. Kaya ko pina-record ang kanta ni Dash dahil alam kong mahina ang signal mamaya kapag umalis kami.

Nakabalik na ako sa pwesto na medyo nahihilo pa rin kaya pag-upo ko ay kinuha ko sa isa kong back pack ang bottled water para uminom. Ilang minuto pa ay naramdaman ko ang pag-vibrate nang cellphone ko kaya inilabas ko ito sa sling bag ko para tignan.

Nai-send na pala ni Dash ang voice record niya and he leave a message to me.

From: Dash
5:00pm

"I already send it babe. I miss you too and take care.😉"

After reading it ay napailing ako. Nireplyan ko siya bilang pasasalamat.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum