Chapter 10

136 15 23
                                    

Two months had passed at heto ako ngayon balik trabaho ulit bilang isang Farm Manager. Noong inatake kasi si papa sa puso ay galing ako sa singapore dahil kailangan ko icheck ang mga produkto doon. Mabuti na lang at pinayagan ako ng mga amo ko na si Mr. and Mrs. Rio na umuwi muna.

Dito sa Pilipinas ay may factory sila Mrs. Rio kung saan ako nagtatrabaho. Being a farm manager ay nakakapagod but I really love my job.

Nandito ako ngayon sa office ko at nagchecheck ng mga papers about the farmers. Nagvibrate yung cellphone ko sa mesa kaya kinuha ko ito.

"Bakit naman ito napatawag?"
Sinagot ko ang tawag ni bebs Nali.

"Bebs! YOU WOULDN'T BELIEVE THIS!"
napalayo ko bigla ang cellphone ko sa tenga ko.

"Ano ba yan bebs! Huminahon ka nga, masakit kaya sa tenga."

"Ihhh. Nakakainis kasi bebs."
Naiimagine ko na nagpapout ito habang nagsasalita.

"Ano bang meron?"
Takang tanong ko habang nagpapatuloy sa ginagawa.

"Diba sabi ko sayo ngayon ako mag-aaply ng trabaho dito sa company ng Sadiaga Philippine Airlines. And guess who's the CEO!"

"Aba malay ko bebs wala naman ako dyan."
At alam kong napabusangot ito dahil sa sagot ko kaya natatawa ako.

"Duh! Si NATE lang naman bebs si NATE."
Natatawa ako dahil halatang inis na inis talaga siya.

"Pumunta ka nga dito sa office ko at magkwento ka. Tatapusin ko muna itong ginagawa ko."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Nali kaya napa-iling ako.

"Sure bebs. Sabay na tayo maglunch, what do you want?"

Napatingin ako sa wall clock dito sa office at nakita kong 11:30am na pala. Masyado akong busy kanina at hindi man lang nakapagbreak.

"Anything bebs ikaw na bahala, and please don't forget about my coffee. I badly needed it."

"I know. Sige na, I'm gonna hung up now."

"Okay, take care."
Pagkatapos kong sabihin iyon ay namatay na ang tawag.



15 minutes later...



Dumating na si nali sa office at nilagay na yung pagkain sa table ko.

"Oh my gash! Bebs, ang init sa labas."
Habang hinuhubad nito ang suot na blazer nito.

"Nasa Pilipinas kasi tayo bebs 'wag ka na magtaka."
Sabi ko sa kanya habang inaayos ang mga pagkain.

"Hmp! Dagdag pa sa init ng ulo ko dahil kay Nate. Akalain mo naging CEO pa siya pero yung ugali niya ampangit!"
Nanggigigil na saad nito at padabog na umupo sa tabi ko.

"Magkwento ka na nga habang kumakain tayo."
Tumango siya bilang pagsang-ayon at kumuha na rin ng kutsara at tinidor.

"So ayun nga mag-aaply ako don sa Sadiaga Philippine Airlines tapos nasa interview na ako at hindi ko naman aakalain na yung CEO pala yung mismong mag-iinterview. Tapos  malalaman ko na lang siya pala yung CEO at nakangisi pa talaga ang kumag! Nanggigigil talaga ako sa kanya."
Kawawa yung pagkain niya dahil pati sa kutsara nanggigigil siya.

Ewan ko dyan kay Nali kung bakit ang init ng dugo neto kay Nate. Tapos itong si Nate naman alam niyang ayaw sa kanya ni Nali todo papansin naman, hay nako! Ako naiistress sa love life nila. Pffft~


The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now