Chapter 31

79 7 1
                                    

"From now on, hindi na ako papayag na makasama mo ang lalaking iyon!"
Napayuko ako dahil sa sinabi ni Daddy.

Andito kami ngayon sa sala at naka-upo sa sofa. Daddy is mad because of what happened. I felt bad for Dash. Hindi siya lumabas ng sasakyan kanina and he's avoiding my gaze. He's starting to be cold again.

"Hon, hindi naman kasalanan ni Dash 'yon."
Hinawakan ni Mommy ang balikat ni Daddy para pakalmahin ito.

"No! He already broke my trust! Hindi nga niya nabantayan ng mabuti yung anak natin eh."
I bit my lower lip. Ramdam ko ang galit ni Daddy kay Dash.

"Daddy, kasalanan ko po iyon."
Pagpapaliwanag ko pero inilingan lang ako ni Daddy.

"Kasalanan mo man or kasalanan niya, hinding hindi na ako papayag na makita mo pa siya ulit."

"Bu-"

"No more buts! And that's final. I'm sorry iha, but I'm doing this for your own good."
Pagkatapos sabihin iyon ni Daddy ay hinalikan ako nito sa noo bago umalis sa sala at tumungo sa kwarto nila ni Mommy.

Naiwan kami ni Mommy dito sa sala. She gently brushed my hair kaya napatingin ako sa kaniya. She smiled at me.

"Pagpasensyahan mo na ang Daddy mo, iha. Natakot kasi siya ng sobra noong malaman na nawawala ka. Naalala niya kasi iyong nangyari dati."
Pagpapaliwanag ni Mommy.

"Naiintindihan ko po Mommy. Kasalanan ko naman po kasi talaga eh. Kung hindi lang sana ako naihi non baka walang nangyaring gulo." Natawa si Mommy.

"Wala ngang gulo pero magkakaroon ka naman ng sakit sa bato."
Napa-nguso ako na lang ako. Niyakap ko si Mommy kaya niyakap na rin niya ako pabalik.

6:30pm...

Kasalukuyan ako ngayong nasa kwarto at kausap si bebs Nali through messenger video chat.

[On VC]

"Bebs! Oh ano? Kamusta ka naman diyan? Galit na galit ba si tito?"

Napa-tango na lang ako kay bebs Nali. Umayos ako ng upo sa kama at naglagay ng unan sa lap ko.

"Seryoso? Paano na 'yan? Kayo ni Dash?"
Sunod sunod na tanong niya habang may hinihigop na chuckie.

"Hindi ko rin alam bebs. Hindi niya pinapansin 'yong mga messages ko or tawag. Nag-aalala na rin ako kasi  halatang galit siya sa Daddy niya."
Inabot ko ang suklay sa side table at nagsuklay ng buhok.

"Ano ba kasing nangyari doon sa building na iyon? Ikwento mo nga, curious ako."

"Ganito kasi 'yan. Yung Daddy niya pala ang nagpa-kuha sa akin. Siyempre nagulat naman ako lalo na nang malaman kong may fiancé na pala siya."

"WHAT? DID I HEAR IT RIGHT?"
Tumango ako bilang sang-ayon.

"Her name is Alexa, pero hindi ko alam kung anong surname niya."
Tumayo ako sa kama para kumuha ng panali sa may drawer ko at bumalik din.

"Oh! Let me handle that. Alam mo namang magaling akong stalker."

"Osige, ikaw bahala."

Mahaba-habang usapan pa ang aming nagawa at naputol lamang ito ng magdi-dinner na.

Sobrang tahimik kaming kumakain ng dinner. Tanging tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig.

"Are you mad at me, iha?"
Binasag ni Daddy ang katahimikan kaya napa-ayos ako ng upo.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon