Chapter 11

130 15 20
                                    

"How are you?"
Nagulat ako ng biglang magsalita si Dash habang kumakain kami.

"Okay lang naman. Ikaw ba?"
Tapos uminom ako ng tubig. Napansin ko ang biglang pagkuyom ng mga kamay nito.

Napataas ako ng kilay, what was that? Something happened?

"I'm fine."
At tahimik ulit itong kumain.

"Tagal mo ding hindi nakadalaw dito."
Hindi naman ito umimik.

Ang awkward talaga, ang hirap naman kausapin nito. Oo nga pala bwiset na Nate yan, matanong ko nga sa kanya kung alam niya yung pinanggagawa ng kaibigan niya kay Nali.

"Alam mo bang blinackmail ni Nate si Nali? Kakainis siya ah."
Sabay irap ko sa kawalan.

Napainom ito ng tubig bago ako sinagot.

"Yeah."
Kakainis rin to ang tipid sumagot, hmp.

Napacross arm ako dahil sa naging sagot nito kaya napatingin ito sakin.

"So, hindi mo man lang pinagsabihan?"
Tinaasan ko pa ito ng kilay ng umiling lamang ito.

"Let them both. I know Nate he wouldn't let your friend get hurt."
Tumama ang mga mata naming dalawa at pinanliitan ko ito ng mata dahil sa sinabi nito.

"Pagsinaktan lang talaga ni Nate ako kaibigan ko, pag-uuntugin ko ulo niyong dalawa."
Sabi ko pa sa kanya tapos uminom ng tubig dahil tapos na akong kumain.

And before I forgot, ikukwento ko muna sa inyo yung tungkol sa 'knock' thing namin ni Dash kung kailan niya ito itinuro sa akin.

[Flashback]

Pinagpatuloy ko ang pinapanood na movie hindi pa kasi ako inaantok. Tutok ako sa pinapanood ng ilang minuto lang ay biglang bumukas ang front door kaya napasilip ako. Si Dash lang pala.

"Can't sleep?"
Napatango ako sa tanong nito at umupo ito sa kabilang sofa.

"Thank you nga pala ulit Dash. Sobra na talaga akong nakaka abala sa inyk ni Nate."
sumandal ito sa sandalan ng sofa at pumikit bago nagsalita.

"Just keep out of danger."
napayuko ako sa sinabi nito at napaisip. Napabaling ako sa kanya ng bigla itong tumayo.

"You should sleep, namumutla ka na."
tumama ang mata naming dalawa kaya napaiwas ako bigla. Bakit may nararamdaman ako sa tiyan ko parang nakakakiliti. Napailing ako, huwag kang mag-isip ng kung ano self mapapahamak ka lang.

"S-sige, goodnight."
tumango na lang ito bago umalis patungo sa guests room.

Bago pa ako makapasok sa kwarto ko ay narinig kong tinawag ako nito kaya napalingon ako sa kanya.

"Bakit?"
May pagtatakang tanong ko sa kanya.

Lumapit ito sa pinto ng kwarto ko at kumatok doon. Una ay mabilis na dalawang katok, pangalawa ay maabilis na dalawang katok ulit, tapos ang pangatlo ay isa. Nagtataka akong lumingon sa kanya.

"If ever that you're alone in this house and someone knock like this, its just me."
Napataas ako ng kilay.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now