Chapter 29

72 6 0
                                    


Pasado ala una na nang umaga pero hindi pa rin ako makatulog. Katabi ko si bebs Nali na ang himbing na nang tulog.

Umupo ako at naisip kong mag pa sound trip na lang kahit mahina, nagbabakasakaling makatulog.

Hindi ko pa napi-play yung button ng bigla akong makarinig ng ingay sa labas ng tent namin ni bebs Nali.

Bigla naman akong kinilabutan dahil doon. Ilang sandali rin ay nawala naman yung ingay.

Nagdadalawang isip ako kung gigisingin ko ba si bebs Nali o hindi, dahil naiihi na ako. Napaka-wrong timing naman kasi!  

Dahil sa ihing-ihi na ako ay sinuot ko yung jacket ni Dash kanina at lumabas sa tent na ang tanging ilaw ay flashlight.

"Kakainis naman kasi, ba't ngayon pa naihi."
Nilalabanan ko ang takot habang naglalakad sa may madilim na parte kung saan merong malaking puno at doon na lang iihi sa likod nito.

Ilang sandali pa ay natapos na rin akong umihi. Binuksan ko na ulit ang flashlight na hawak at handa nang bumalik sa tent.

Napalingon-lingon ako sa paligid ng maramdaman kong parang may nakatitig sa akin kaya nagmadali na akong bumalik at isi-na-walang bahala na lang ito.

Bumibilis ang aking paglakad ng makarinig ako ng mga yapak sa likod ko. Haharap na sana ako para tingnan ang nasa likod ng bigla na lamang may tumakip ng panyo sa ilong ko.

Ang panyo ay merong amoy hindi ko mawari. Unti-unting sumasama at bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi na ako nakalaban pa dahil sa panghihina na rin dahil sa epekto ng amoy.

Unti-unting bumibigat ang talukap ng aking mga mata at hindi ko na nakayanan pang labanan. Bago ako mawalan ng makay ay binuhat ako nang isang lalaking nakamaskara ng itim tapos ay bumulong sa akin.

"Sleep well."
Bulong nito at nilamon na ako nang kadiliman.

THIRD PERSON'S POV

Naalimpungatan si Nali sa kaniyang pagkakatulog ng may tumatamang ilaw sa mukha nito. Tinakpan niya ang mukha niya gamit ang kaliwang kamay at saka naupo. Nakita niyang isang ilaw ng flashlight ang tumatama sa mukh niya galing sa labas ng tent nila ni Amy.

Nangunot ang noo niya ng makitang wala na siyang katabi.

"Saan naman kaya nagpunta 'yon?"
Mahina niyang sabi at napakamot sa ulo bago lumabas ng tent.

Pagkalabas niya nang tent ay dinampot niya ang flashlight na nakabukas. Tumingin tingin si Nali sa palagid baka sakaling nasa malapit lang si Amy.

Napadako ang mata niya sa isang itim na panyo na nasa damuhan kaya kinuha niya ito. Nakaramdam siya kaagad ng kaba. Merong kakaibang amoy ang nasa panyo at sinisigurado niyang isa iyong chloroform.

Merong isang ideyang pumasok sa isip ni Nali at iyon ay may kumuha sa kanyang kaibigan.

Napatakip siya sa kanyang bibig. Hindi na siya nagdalawang isip pa at dali-dali itong lumapit sa tent nila Nate at Dash at pinaggigising ito.

"What the fudge! Gumising kayo! May kumidnap kay bebs Amy!"
Natatarantang sabi ni Nali habang niyuyugyog ang tent ng dalawa.

Ilang segundo lang ay mabilis na lumabas si Dash at Nate dahil sa sinabi ni Nali.

"What did you say?"
Nakakunot-noong tanong ni Dash.

"May kumuha kay bebs Amy, Dash! Pagkaggising ko wala na siya. Yung naiwan na lang ay iyong flashlight at itong panyo na merong chloroform."
Nanginginig at naiiyak na pagpapaliwanag ni Nali at pagpapakita ng isang flashlight at panyo kay Dash.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Where stories live. Discover now