1

4K 173 28
                                    

Daphne's POV

For 12 years na mamuhay ako sa dilim ang pinakamasakit na bagay na nangyare sa akin at sa pamilya ko. Sobrang laki ng pagbabago ang nangyare sa amin simula ng mangyare sa akin ito. Dahil sa isang aksidente noong 11years old ako habang lulan ng bus papunta sa field trip namin. Maswerte pa bang maituturing kung pagkabulag lang itong naranasan ko dahil dalawa sa kaklase ko ang nawalan ng buhay?

Sa akin? Hindi. Nahihirapan ang pamilya ko dahil dito. Nahihiya ako sa kanila dahil ganito ako. Alagain.

Hindi man lang sila makabili ng vase na babasagin, magandang table o kahit na anong magandang pangdisplay sa bahay dahil nagiging sanhi ng balakid sa paglakad ko sa salas o sa kainan namin ang mga bagay na iyin.

Pakiramdam ko ay ako na yung nahihirapan para sa kanila kapag kailangan naming kumain sa labas o kaya imbitado kami sa isang pagsasalo. Nadudurog ako kapag naririnig ko yung awa sa akin ng mga kamag anakan o ng mga kaibigan ng pamilya namin.

Ayoko ng awa na iyon dahil lalo lang akong nalulugmok sa hirap dahil doon.

Kaya minsan mas ibig ko pang magpaiwan na lang sa bahay para kahit papaano ay makapag enjoy sina Mama at wala gaanong isipin kapag nasa isang salo salo sila.

Hindi mayaman ang pamilya namin kaya hindi namin afford ang mapaoperahan ako. Sapat lang ang kinikita ni Papa sa isang hotel dito sa Palawan bilang supervisor para sa pang araw araw namin at ang kuya ko naman ay isang Sale Coordinator sa isang construction firm na naka- base sa mismong bayan. Minsan ay stay in pa sya kapag talagang ang dami nilang gawa. Kung nakakakita lang sana ako ay nakakapagtrabaho na din ako at nakakatulong sa kanila. At ang gusto kong trabaho ay yung kagaya ng sa tatay ko dahil sa tuwing nagkukwento sya regarding sa trabaho nya ay pakiramdam ko ay ang sayang magtrabaho sa lugar na tulad ng isang hotel.

Naramdaman ko ang malamyos na pagdampi ng sariwang hangin sa balat ko ng may nagbukas ng bintana ng kwarto ko at naamoy ko yung pabango ni Kuya.

"Wala kang pasok ngayon Kuya?" tanong ko.

"Napalitan yung araw ng dayoff ko. Gusto mong maglakad lakad tayo sa tabing dagat?" alok ni Kuya at naupo sya sa tabi ko.

Napangiti ako at tumango.

Habang akay nya ako sa paglalakad ay ramdam ko ang mapinong buhangin sa mga paa ko at ang malamig na tubig ng dagat hanggang bukong bukong ng paa ko. Nilalarawan sa akin ni Kuya kung ano ang kulay ng langit,ng dagat at maging ang sikat ng araw ngayon. Binubuo ko ang bagay na iyon sa isip ko.

"Malapit na akong maging assistant supervisor ng Sale, Daph." masayang balita ng kapatid ko na syang kinatigil ko at paghigpit ng kapit ko sa braso nya.

"Talaga?" masayang tanong ko.

"Oo. Sayo ko unang sinabi...." masayang saad nya at napatalon ako sa saya at kinapa ang balikat nya para hilahin sya para mayakap.

"Yes! Ang galing ng kuya ko!" sigaw ko sa saya habang magkayakap kami.

Mayamaya ay natahimik sya kaya napabitaw ako.

"Kaso baka sa Maynila na ko ipadala ng kumpanya....Parang..." may pag aalala sa boses nya.

"Woh! Bakit ka nag aalangan? Maganda ang opotunidad sa Maynila, di ba? I-grab mo yung pagkakataon. Sayang kung tatanggihan mo. Basta wag ka lang makakaligta na tawagan ako parati huh?" masayang pagkukumbinsi ko sa kanya. Gusto ko na kahit man lang sa kapatid ko ay matupad ang pangarap nya kase yung sa akin? Wala ng pag asa na matupad o kahit masubukan ko man lang.

"Pag iipunan ko talaga ang pampaopera mo Daph. Pangarap ko na makakita ka ulit." saad nya at tipid na napangiti ako sa kanya.

"Yung career mo muna Kuya Sonny ang simulan mo saka wag mo kong isipin. Lagi naman ako sa tabi mo... Kapag natupad mo iyon ay parang natupad na din yung sa akin." malambing kong saad sa kapatid ko.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now