4

1.2K 170 24
                                    

Daphne's POV

May tatlong nakapasa sa exam at yung pito ay pinauwi na. At yung isa sa nakapasa ay parang ewan! Walang dalang resume! Ganda lang daw nya ang dala nya sagot pa nya sa HR kanina! Ganda daw nya ang magiging sucess ng hotel na 'to! Utas kami sa hangin at kayabangan na dala nya! Pero ramdam namin na magaling talaga sya at nagandahan sa kanya yung manager namin. Parang nangilag pa nga sa kanya si Sir eh!

Matalino sya at naperfect nya ang exam na kinagulat namin sa totoo lang. Ako ang unang mag iinterview sa kanya bago sya makarating sa supervisor at pagkatapos ay sa manager.

Naliyo ako sa paraan ng pagkakaupo nya sa harap ko. Akala mo anak ng may ari ang pasaway!

"Tell me about yourself?" paumpisa ko at nakahanda ako sa pagsusulat sa malinis na papel ng magiging sagot nya dahil wala naman akong hawak na resume nya.

"My name is Roi Altam--- Roi Mendez...." parang hindi pa siguradong sagot nya na kinasalubong ng mga kilay ko.

"Umayos! Dito palang sa initial interview gumagawa ka na ng kwento! Anong pangalan mo?" seryosong tanong ko dahil parang hindi nya siniseryoso itong sitwasyon nya.

Nagawa pang magdikwatro ng upo!

"Kapag nalaman mo ang pangalan ko... kikilabutan ka!" pagyayabang pa nya!

Napabitaw ako sa hawak kong ballpen.

"Bakit naman ako kikilabutan sa pangalan mo aber? Bakit? May kasamang nitso ba ang pangalan mo?" walang ganang tanong ko. Ilang saglit ay nagsalubong ang mga kilay nya bago natatawa sa akin.

Mayamaya ay napatingin sya sa cellphone nya at may ipinakita sa akin. Resume nya na parang kakagawa lang. Graduate sya sa isang prestisyosong unibersidad dito sa Pilipinas at may mga short courses sya sa Berlin at New York.

Napasimangot ako. Scammer!

"Bakit ganyan ang mukha mo?" nagtatakang tanong nya at binaba nya ang cellphone nya.

"Kung totoo ang lahat ng nakasulat dyan malamang ay pinag aagawan ka na sa trabaho at hindi ka makikipila dito sa pag aapply noh..Lakas makaRecto." reklamo ko at nagsulat na ko ng feedback sa scammer na 'to.

"What? What's with you? Late lang naipakita ang resume feeling mo scammer na agad. Recto pinagsasabi mo? Sumbong pa kita sa mga nagpaaral sa akin eh! Bakit nandito ka sa team ng Cebu?" at sya pa ang may ganang magwala sa mga oras na 'to. Impaktang 'to kaya pailalim ko syang tiningnan. Ang dami ko ng problema sa buhay ko at talagang dumagdag pa itong kaartehan nya.

Dire- diretso syang nagsasalita at impressive huh? magaling syang magsalita at talagang mapapaniwala ka! Napangisi ako. Alam ko na.

"You want this job? To be part of Kaye Hotels..." putol ko sa rant nya na kinatigil nga nya. Parang amaze na amaze pa syang napatingin sa akin na para bang hindi makapaniwala na may i-ooffer ako sa kanya. Mag scam- an na lang kaming dalawa. Saka magaling syang magsalita kaya magagamit ko sya.

"Ano yun?" parang interesado sya. See? Scammer talaga hindi talaga totoo ang lahat ng mga bagay na nakasulat sa resume nyang kuno! Bigay agad basta may raket na pagkakaperahan.

"Mayroon kase akong online business, kailangan ko ng katulong para bumenta ang mga product namin ni Mama. Kailangan namin ng magaling magsalita na gaya ng sa isang scammer..." nakangiting turan ko. "Ano? Payag ka? Ilalakad talaga kita sa mga manager dito para makapasa ka."

Mayamaya ay natatawa syang nakatingin sa akin at parang aliw na aliw sa pinaggagawa ko ngayon sa interview ko sa kanya. Bakit? Wala naman nakakarinig at hindi naman malalaman ng top management. Ibig ko lang makatulong sa Nanay ko. Saka ramdam ko naman na gipit sa pera ang scammer na 'to.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now