6

1.7K 194 32
                                    

Daphne's POV

Saan kaya nagtatanghalian yung damuhong yun? Wala sya sa dito sa hall para sa mga empleyado eh. Ibibigay ko sana sa kanya yung porsyento nya sa mga chocolate na nabenta namin.

"Sinong hinahanap mo?" tanong ni Raquel na isa sa mga ka-HR ko.

"Yung bago? Loko yun saan kaya sya naglulusot?" sabi ko

"Ay si Ganda ba? Kasama ng mga ka- department nya dahil may lunch out meeting daw kasama si  Ma'am Callen. Sayang nga di sinali ang mga HR, galante daw magpakain yun sabi nina Ma'am." saad ni Maribell.

Haist! May swerte talaga yung Roi na yun... isipin mo matagal ko ng pangarap na makilala yung bunsong anak ni Ma'am Roian tapos sya na unang araw palang ay nakilala na nya.

Mukhang sa mismong party ko lang talaga sya makikilala at next month pa iyon.

Mayamaya ay humahangos na dumating si Roi at naupo sa tabi ni Maribell. Nagsalubong ang kilay ko ng wala syang paalam na binuksan yung coke in can ko at ininom!

Napaka talaga!

"Kamusta ang lunch meeting nyo?" tanong ni Maribell sa kanya.

"Boring..." sagot nya at may nilapag syang nakapaper bag at tinulak nya papunta sa harap ko.

"Sa inyo na lang..." sabi nya at inusisa ko ang laman noon. Dessert.

"Kasama nyo si Ma'am Callen?" tanong ko at nasamid sya dahil umiinom sya ulit sa coke in can ko ng tanungin sya ni Raquel nyan! Agang karma!

"Ano itsura nya?" usisa ni Maribell sa kanya ng makarecover sya.

"Maganda! Parang dyosa! Ang bait pa... Wala kang masasabi! Alam mo yung parang may anghel na bumaba dito sa lupa? Parang ganun sya.." proud nyang kwento na kinainggit ko. Hayop! ang swerte talaga ng hinayupak na 'to!!!

Ang babait naman kase ng mga magulang nya kaya no doubt.

Ang ginawa ko na lang ay sinimulan ko ng kainin yung dessert na dala nya at hinatian ko si Maribell. Nakakapanabang!

"Bakit ganyan ang mukha mo?" tanong sa akin ni Roi.

"Wala lang 'to... mamayang uwian ay ibibigay ko sayo yung parte mo doon sa nabentahan natin nung nakaraan." saad ko.

"Nawala na sa isip ko yun..." turan nya.

Sinabihan ko na lang sya na magkita na lang ulit kami sa lobby para maiabot ko na sa kanya.

....

Yung iaabot ko lang sa kanya yung parte nya pero ang hinayupak nagawa pang sumama sa akin dito sa bahay at nakimiryenda! Yung 600 pesos na naging parte nya ay pinangbili nya ng miryenda habang nakikinuod ng tv dito sa salas namin. Napakahilig nya sa coke!

"Roi nakakahiya! Sobrang feel at home?" hindi ko na sya matantya.

Inirapan lang nya ko habang nilalantakan yung banana cue na nasa stick. Ang kapal talaga ng mukha sa totoo lang at nagawa pang magpaluto kay Mama na dapat daw ay kagaya nung nakita nya.

Napatingin sya sa hawak nyang pagkain habang ngumunguya.

"Bakit kaya hindi nagluluto si Mommy nito?" mahina at amaze na amaze na bulong nya.

Napataas ang kilay ko sa kanya habang tamad na tamad akong nakasandal dito sa sofa.

"Parang tanga! First time mo bang makakain nyan?" saang planeta ba galing ang babaeng 'to! Saka kapag nakakapasok sya dito sa bahay namin ay parang amaze na amaze  sya palagi!

Napatingin sya sa akin at inosenteng napatango.

Huh?

"Ewan ko sayo Roi. Ang lakas mong gumawa ng kwento." tamad na tamad kong saad at nilipat ko ang channel ng pinapanuod namin.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now