10

2.4K 197 66
                                    

Daphne's POV

Sobrang dilim!

Sakit.

Takot.

Galit.

Hiling na sana mabuhay ako.

Hindi ko na mabilang yung ilang kahoy at matutulis na mga bato ang naapakan ko na bumabaon sa mga paa at binti ko. Kagat ko ang labi ko sa pagpipigil sa mga paghikbi ko pero pilit itong umaalpas. Panay hiling ko na sana masagip ako nina kuya.

Iba ibang boses ang naririnig ko sa di kalayuan. Mga babae at mga lalake na naghihiyawan sa saya dahil sa paghabol nila sa akin.

Anong kasalanan ko sa kanila?

Mayamaya ay nag iba ang pakiramdam ko. Parang namigat ang mga binti ko habang nanlalamig ang ang buong sistema ko na wari ba na nilalagnat na may kasamang malalang trangkaso ang nararamdaman ko sa mga oras na 'to. Bumagsak ako. Hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko. Ibigin ko mang gumalaw ay hindi ko magawa at hindi ko na namalayan ang buong paligid ko. Wala na kong marinig.

Para akong nagising sa malalim na pagkakatulog ng marinig ko ang marahas na pagkapunit ng damit ko at pagdampi ng mga labi nya sa leeg ko at kung saan saan sa parte ng katawan ko.

"P~please....Maawa ka...." umiiyak na pagsusumamo ko habang wala akong lakas na pilit syang itinutulak paalis sa ibabaw ko. Sa mga oras na ito ay diring diri na ko sa sarili ko at hindi masukat ang galit na bumabalong sa pagkatao ko para sa nilalang na lumalapastangan sa akin ngayon. Wala syang naririnig. Hindi nya naririnig ang bawat pagsusumamo ko na huwag nyang gawin ito sa akin.

At yung parte na yumanig sa pagkatao ko ay yung parang may sinaksak sila sa parteng balakang ko at parang halos bumaoon iyon sa buto ko.

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa bangungot na iyon. Nilalabanan ko at pilit pinapahupa ang mabilis na pintig ng puso ko dahil sa takot. Mga ilang saglit ay napahawak ako sa parteng balakang ko. Napabuntong hininga ako. Magaling na ito, iyan ang sinasaksak ko sa isip ko para hindi ko maalala yung sakit na nanuot dito noon.

Napatingin ako sa wallclock sa kaliwang bahagi ng kwarto ko. 11:30pm palang. Napabuntong hininga ako at inabot yung cellphone ko sa gilid. Dating gawi.... kailangan kong magpaantok ulit at piliting iwaksi sa isip ko ang mga bagay na nangyare noon.

Napataas ang kilay ko ng mabuksan ko yung mensahe na galing kay Roi.

'Wag mo nga akong isipin ng makatulog ako.'

Sa inis ko dahil sa pagiging feelingera ng hudas barabas na 'to ay napilitan akong magreplay sa katangahan nya.

'WAG KASENG MAGDROGA PARA MAKATULOG KA! FEELING NITO!'

Ayan capital letters lahat para damang dama nyang impakta sya. May isang linggo na kaming di nagkikita nitong si Roi dahil umuwi daw sya sa kanila sa Manila. Pero kahit ganun ay consistent ang lola mo sa panliligaw. Kahit hindi ako nagtatanong ay nag a-update pa din sya sa akin sa bawat galaw nya.

Mayamaya ay tumatawag na sya at pagkasagot ko ay imbis na hello o hi ay yung halgapak na tawa nya ang sumalubong sa akin.

Napaikot sa ere ang mga mata ko.

Bakit ganito ang taong ito?

"Happy ka? Sana lahat noh?" sarcastic na tanong ko na syang kinatawa nya lalo.

Napakamapang asar nya talaga!

"Napakamaldita mo kamo hindi akma sa ganda mo..." banat pa nya.

"Roi nagpapaantok ako huwag mo nga akong galitin!" napasandal ako ng maayos sa headboard ng kama ko at yinakap yung unan.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें