2

1.5K 173 33
                                    

Roian's POV

Inayos ko ang pagkakakumot ni Kaia at si Cy naman ay napatabi na sa anak namin ng higa after nyang magpalit sa banyo. Yinakap nya si Callen.

"Mahal ko 'to kahit abnormal 'to eh!" natatawang saad ni Cy na kinasimangot ng mukha ko. Lagi nyang niloloko si Callen!

"Nagmana sayo eh." bara ko na kinatawa nya. Nag iwan  ako ng message sa group chat namin nina Amber, Shann , Hunter at Puffy na natutulog na yung mga bata.

Sa tigas ng mga ulo ng mga batang 'to kaya nagtutulungan kami na subaybayan sila kapag ganitong sama sama kaming lumalabas. Tulad ngayon ang usapan namin ay doon kami sa rooftop magse-celebrate pero ang mga hinayupak gumawa ng sariling party sa may sea side! Kundi ka ba naman mautas!

Mayamaya ay natahimik si Cy at napasandal sa headboard ng kama. I know what she's thinking.

"There is something in that supervisor kaya ibig ko syang tulungan. It really make me sad that they took  advantage na bulag yung anak nya...." saad nya.

Kapag ganitong usapan ay parang as ease ng pakiramdam ko. Natotorete pa din ako. That night ganun din ang sitwasyon ko.... alam ni Carol.

"Si Yuan ang aasahan ko na makatulong sa pagresolba ng kaso nito." saad ko dahil hindi rin ako matatahimik kung mauuwi sa wala yung kaso na 'to.

"We should meet them tomorrow bago tayo tumulak pa Maynila." saad ni Cy.

Kinabukasan,

Nakapila sa harap namin itong mga kolokoy at ang mga siraulo lahat ay di shades na itim.

"Gosh! my head hurts!" mahinang reklamo ni Ishan kay Kaia.

"Hangover pa more!" pang aasar ko. Napatawa si Riyon habang naiiling si Callen.

Napatingin ako kay Leo.

"Ihatid mo sila sa bawat bahay nila. Si Callen pakihatid sa bahay nina Kuya MJ." bilin ko kay Leo. Humarap ako sa anak ko at kinulong ko sa magkabilang palad ko yung mukha nya.

"Anak huwag kung saan saan gagala pagdating mo sa Manila. Nandoon sina Mommy at Mama hinihintay ka. Huwag mo silang bibiguin." paalala ko at napatango sya.

"Bakit hindi pa po kayo sasama nina Kuya pauwi? Sama.." muryot nya.

"Sasaglit lang kami sa isang hospital nina Kuya mo. Gusto ko madadatnan ka namin sa bahay nina Tito mo huh? May kasalanan ka sa akin, tinulugan mo kami kagabi sa mismong wedding anniversary namin ni Dada mo." reklamo ko at nakagat nya yung ilalim na labi nya sa sobrang guilty.

"Babawi po ako promise. Umuwi po kayo kaagad huh?" lintaya nito kaya napangiti ako.

Daphne's POV

I feel useless.

Dirty.

And no dignity at all.

Wala na nga akong maitulong sa pamilya ko ay heto pa yung nangyare. Sobrang dagok sa akin ng marinig ko yung hinagpis sa pag iyak nila ng madatnan nila ako dito sa hospital kagabi. Hindi ko makayang marinig yung pagsisisi nila sa sinapit ko.

I want to die.

Diring diri ako sa sarili ko. Sana..... pinatay na lang nila ako.

Buhay ka pero parang patay ka naman sa kaloob looban mo! Ganun ang nararamdaman ko.

Nasa paligid ko pa din sila. Binaboy nila ako. Kagat ko ang ilalim na labi ko sa pangangatal na nararamdaman ko. Ayokong may hahawak sa akin na kahit na sino. Hindi ko kaya.

"Don't kill yourself. Go find me. Kill me. Make some revenge." natatawang bulong nya na syang dahilan ng panlalamig ng sikmura ko dahil sa takot na bumabalot ngayon sa sistema ko. Hanggang dito sa hospital nasusundan nila ako. Napasiksik ako sa headboard ng hospital bed na hinihigaan ko at wala akong pakialam sa pananakit ng kamay ko na may nakasaksak na karayom dahil sa dextrose.
Wala akong maramdaman sa pananakit ng katawan ko dahil sa takot ko sa kanila sa mga oras na ito. Ni ang mga pilay ko ay hindi ko na din maramdaman dahil sa idea na nasa tabi ko lang ang taong gumago sa akin.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now