16

674 96 11
                                    

Callen's POV

"Hindi pa din po tapos yung renovation sa Garden?" tanong ko kina Dada habang kausap ko sila sa videocall. Gusto ko kase isama si Daph doon after namin dito sa Berlin.

"Madami pa din yung pinabago ko anak sa loob ng Garden lalo na sa Center Arc...Right after saka na lang kayo magpunta ni Daph doon." saad ni Dada kaya napatango ako.

"Something bothering you?" napaangat yung tingin ko kay Dada dahil sa tanong nya. Tipid akong ngumiti.

"What if I failed to protect Daphne....." nanghihinang saad ko.

"Wag mong isipin yan. Do plan.. many plans in your mind...Sometimes it's good to act like a crazy person in front of everyone.... so they can know they bounderies...Huwag mong ipakita na mahina ka para di sya maagaw sayo....Sabi ko sayo ako ang backup mo di ba? We will do crazy things together... ganyan kita kamahal anak... kayo ni Kuya Yuan mo." saad ni Dada na kinarelax ng sistema ko at ngumiti sa kanya.

Tama bakit ako matatakot.

"Bring Daph to Munich..... She definitely love that place kung saan ka nag elementary." nakangiting rekomenda ni Dada.

"Tama po...Thanks Da." masayang saad ko

After namin mag usap ni Dada ay si Wolf naman yung tumawag.

"Mapapatay ata si Riyon?" bungad nya sa kabilang linya kaya napasandal ako maige sa kinauupuan ko na swivel chair. Mayamaya ay paparating na si Daph dito sa opisina ko dahil dadalhan daw nya ko ng tanghalian. Kahit sa simpleng gesture nyang yun lalo akong nababaliw sa kanya. Talagang tonsil lang ni Axcel ang walang latay sa kanya kapag nanghimasok syang maige sa amin ni Daph.

"Umuwi ka muna Wolf.... Ako ng bahalang magpaliwanag kay Tita Hunter kung bakit nasa Pilipinas ka. Si Riyon ang makakapatay alam mo yan." saad ko. Ang pinanggalingan na bloodline ni Riyon ang pinakaworst sa aming lahat. We are aware of that kaya sya yung pinagtutuunan ng pansin nina Dada. Riyon's anger is not normal.

Nagsala-salabat na ang buong sitwasyon dahil kay Axcel. Ayaw nila madiplomasyang usapan para walang gulo. Naibaba ko kaagad yung tawag ko kay Wolf dahil narinig ko na yung pag galaw ng doorknob ng opisina ko kaya napatayo na ko para salubungin sya.

Pagkabukas ay sinenyasan ko na yung secretary ko na ako ng bahala. Pagkasara ko sa pintuan ay yinakap ko sya. Sobra ko syang namiss kahit ilang oras palang. Napangiti ako ng gumanti sya ng yakap sa akin. Masaya ako dahil komportable sya sa akin na yumakap ng kagaya ngayon. Malaki laki na din yung improvement nya sa totoo lang. Dati ay ramdam mo yung tense nya kapag may malapit sa kanya.

I'm about to kiss her cheek kaya lang mali yung pinaglandingan ng mga labi ko....

Parang bumagal yung pintig ng puso ko.... Pati sya ay natigilan. Naramdaman ko yung panlalambot nya kaya maagap ko syang nasalo para alalayan.

A-Ang lambot ng mga labi nya. Strawberry scent... And the moist from her lips... parang ang sarap sipsipin...

Callen gago ka hindi ka kasing manyak ni Riyon!

Pagalit ng isip ko.

Think Callen fast, baka isipin nya nagte take advantage ka sa kanya..... diniin ko yung labi ko sa labi nya bago ako lumayo sa kanya... jusko baka hindi ko makontrol ang sarili ko.

Gosh ang sarap nyang halikan. Ramdam ko ang pag iinit ng punong tenga ko. Kalma please.

Napangiti ako dahil namumula ang buong mukha nya at hindi sya makatingin ng diretso sa akin.

Hinapit ko sya palapit sa akin bago ko sya hinalikan sa noo nya.

"Gago ka..." nahihiyang bulong nya bago tuluyang yumakap din sakin kaya natawa ako. Cute!

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now