19

745 92 12
                                    

Daphne's POV

Magkacamping daw kami bago sya pumunta sa Berlin at gusto nya daw na makita ko yung sea of clouds sa area na nabili ng Dada nya para sa kanya. Lulan kami ng Ford pickup truck nya at medyo madilim na nung makarating kami sa farm na nabili nya na nasa highland. Sa main gate ay pinagbuksan kami ng mga tauhan ng Dada nya at binati si Roi. Parang sa kanilang magkakaibigan itong si Roi ang tadtad ng bantay minsan. Lalo na kapag pupunta kami sa mall, kahit medyo may distansya yung mga bantay nya eh pero nakakailang pa din. Kaya kadalasan ay nasa bahay kami para di nakakailang.

Medyo kakahuyan ito at pataas yung daan. Parang sinadya ni Roi na pailawan yung paligid ng kakahuyan marahil sa naikwento ko sa kanya na ayoko sa gubat lalo na kapag gabi.

"Dito kami nag ma-mountain climbing kuno kuno nina Ishan." kwento nya bago kami humito malapit sa isang cabin at medyo malapit ito sa bangin.

Pinagbuksan nya ko ng pintuan ng pumarada kami sa gilid ng cabin.

"Atin ito kaya you can invade it or do anything you want... just feel at home." saad nya.

This cabin is good for two person only pero ang ganda ng disenyo na para bang nasa abroad ka.

Habang nagluluto ako ng makakain namin ni Roi ay busy sya na nagseset up ng projector doon sa labas.

Nagulat ako ng may yumakap sa akin mula sa likod ko at kampante nyang ipinatong ang baba nya sa balikat ko.

Being with Roi.... it really makes me calm. Gusto ko na malapit sya sa akin. Kapag ganito ay pakiramdam ko na safe ako.

"Wow swerte ko naman sa magiging misis ko." lambing nya na syang kinangiti ko.

Pagkapatay ko nga sa stove ay inayos ko muna yung mga request nyang kakainin namin sa movie marathon na gagawin namin.

"Bakit laging nambobola?" kunwaring reklamo ko. Pumihit ako paharap sa kanya at sinalubong ang mga titig nya. I do hate color black but this two pair of black color of iris is exemptional. Parang buhay na buhay ito sa saya at pagmamahal habang nakakatitig sakin.

"Pambobola? Hindi noh.... Maswerte naman talaga ako kase ikaw lang yung nakakatagal sa pag uugali ko at nakikita kung sino talaga ako maliban sa mga magulang ko. Saka sobrang komportable ko kapag kasama kita. Parang ang gaan sa pakiramdam ko." saad nya. "I want to be with you like forever...."

Napahawak ako sa laylayan ng shirt nya dahil sa pagpipigil ko sa bagay na lumulukob sa buong sistema ko. Hindi sya mahirap magustuhan sa totoo lang. Walang pressure.

May sasabihin sana ako pero naramdaman ko na mabilis nya akong hinalikan sa tip ng ilong ko pagkatapos ay sa noo ko.

...

Napamangha ako sa set up na ginawa nya. May malaking white screen at may projector kasama ng isang laptop. May bonfire sa di kalayuan na syang nagiging tanglaw namin. May maliliit na bombilya ng ilaw sa paligid na nagmumukhang alitaptap.

May dalawang camping chair na magkatabi at sa harap nito ang isang maliit na camping table.

Doon namin pinatong itong mga pagkain na bitbit namin. Habang inaayos ko yung pagkain, busy naman sya sa pagpili ng papanuorin naming movie. Pagkaupo namin at ng pinindot na nya yung play ay nagsalubong yung mga kilay ko.

Gago na 'to!

Napatingin ako sa kanya at napanguso sya sakin.

"Roi bakit Moana?" nagpipigil kong pagtaasan sya ng boses. Kalokohan nito eh!
Dumayo kami sa ganito kalayong lugar tapos akala ko latest movie man lang yung papanuorin namin. Sana nagkwentuhan na lang kami.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon