9

2.1K 204 44
                                    

Cyrll's POV

"Honey, Are you okay?" tanong ng asawa ko kay Callen na tulala at hindi magalaw yung pagkain sa plato nya at maging si Riyon ay pinipilit lang kumain pero parang walang gana.

This kinda improving.... malinis ang mukha nya simula ng magstay sya dito sa Cebu. Hindi sya nasasangkot sa gulo. Milagro o mas dapat akong kabahan?

Pakasutil ng batang 'to eh! Parang ganito kase sya mag isip, kapag inutusan mo syang lumiko sa kaliwa, ang gagawin nya ay lilingon sya sayo na may ngiting pilya bago tatakbo sa kanan.

"Mommy, ano po bang dinadala kapag umaakyat ng ligaw?" tanong nya out of nowhere. Nabitawan ko yung tinidor na hawak ko sa pagkabigla at para akong natulig. Si Roian naman ay napatigalgal at parang namatayan ng hangin sa paligid.

Mayamaya ay tumikhim yung asawa ko kaya natauhan din ako. Grabe ang kabog ng dibdib ko sa tumatakbo sa isip ng bunso kong anak. Si Riyon ay napanguso at nag iwas ng tingin sa akin.

May mali eh.

"Anak please... di ba nag usap na tayo regarding dito? Never break somebody's heart?" alo nya sa anak namin. Mayamaya ay dumating si Yuan at nakipagbeso sya kay Riyon bago sa amin at pagdating kay Callen ay pist bump silang dalawa na kinangiwi naming mag asawa.

"Anong problema?" tanong ni Yuan.

"Kuya nung ikaw yung nanligaw kay Ate Shane, anong dinala mo sa bahay nila?" tanong pa nya sa kapatid nya.

Napaisip si Yuan bago napatingin sa kapatid.

"Paboritong pagkain ng mga magulang nya, Saka hindi naman kase maseselan ang lahi ng mga Cortez eh..." saad nito. Napatango sa kanya si Callen.

"Papakilala ko po sya sa inyo next month sa party sa hotel. Ire-ready ko po muna yung loob nya...." saad pa nya.

Nataranta si Roian at ako naman ay napainom ng wine ng isang lagukan. Nagbait naman ako nung ganyang edad ko at napawira lang ako gawa nina Yvie pero ako na ang pinakamaayos kaya takang taka ako anong nangyare dito sa anak namin ni Roian? Sutil sobra!

"Anak may papakilala na lang kami sayo... gusto talaga namin sya para sayo eh..." saad ni Roian at maging ako ay pabor doon. Daphne is a nice girl. Maayos ang pamilya na pinagmulan nya at loyal sa asawa ko mula noon.

"Eeehh! Kinuha na nya yung red rose sa kamay ko..." naiiyak na maktol ng anak namin. Parang nawalan ng lakas yung panga ko sa narinig ko samantalang tuluyan ng nabitawan ni Roian yung hawak nyang tinidor. Si Riyon naman ay nasamid at si Yuan naman ay napatigalgal sa kapatid nya.

Para akong lalagnatin.

"A-anak bakit? Nag iisang tradisyon iyon ng pamilya natin di ba? Bakit pati iyon pinaglalaruan mo?" nanghihinang pagalit ni Roian kay Callen. Si Riyon ay may ibig sabihin pero di nya maituloy.

"You breaking my heart Callen Roi..." anas ko dahil sobra itong pinaggagawa nya. Pati ba naman iyon ginagawa nyang kalokohan. Lahat ng dumaan sa tradisyon na iyon ay nakita naman nyang successful ang marriage at binuo namin iyon ng mga Tita nya at alam naman nya na ang pulang rosas na iyon ang simbolo ng pamilya namin.

"D-Da...Mom... let me explain please?" pagmamakaawa nya at bakas sa mukha nya na guilty sya.

"Ayoko pong ibigay... Riyon saw that. Makulit po sya at kinuha nya sa mga kamay ko.... t-tapos... ginamitan nya ko ng kahinaan ko... nawalan po ako ng lakas sa mga nerves ko kaya nawalan ako ng reflex at nabitawan ko po..." naiiyak na saad nya sa amin.

"Totoo po iyon... tinulungan ko nga po sya kaso may pagkamangkukulam po yata yung daughter in law nyo kase napapasunod po nya si Callen kahit sa isang tingin lang! saka di po nya alam na si Callen po ay bunsong anak nyo at staff nyo po sya..." lintaya ni Riyon at doon na hinataw sa braso ni Roian si Callen na kinaigtad namin ni Yuan.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now