20

595 81 14
                                    

Daphne's POV

"Paboritong bahay ni Callen itong bahay na 'to gawa'y tanaw mula sa kwarto nya yung city lights ng buong metro... kaya sa palagay ko marerelax ka kapag nakita mo iyon mula dito sa kwarto nya." masayang saad ni Ma'am Roian sa akin ng mabuksan nya itong kwarto ni Roi. Pasimple akong napapikit dahil ang dilim ng kwarto ni Roi at nawala lang yung kaba ko ng buksan ni Ma'am yung ilaw. Nalula ako sa luwang nito.

Niyaya nya ko pumasok dito. Parang ang layo ng personality ni Roi sa kulay at ayos ng kwarto nya.

"Parang batang paslit yung kulay ng kwarto nya noh?" natatawang saad ni Ma'am kaya napangiti ako. Dito daw pinakamatagal nag stay si Roi bago nila ito pinadala sa Berlin para mag aral sa kolehiyo at master's degree nito.

Pagkatapos nya ko i-tour at kwentuhan namin sa kwarto ni Roi ay nagpaalam sya na magluluto ng hapunan namin at huwag daw akong mahihiya na libutin itong buong bahay.

Napaupo ako sa dulong bahagi ng kama at tahimik na pinagmasdan yung buong kwarto ni Roi bago ako napatingin sa mga kamay ko na nasa lap ko.
Pumatak yung luha ko. Sirang sira yung buhay ko sa nangyayare. Anong kasalanan ko para paglaruan nila yung buhay ko? Nadamay pa yung bata....
Napaigtad ako ng magring yung phone ko.

Si Roi.... Hindi ko kaya... hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin after kong malaman lahat lahat.

Bakit kase hindi ko sya iningatan? Humihikbi ako sa pag iyak habang nakatingin sa screen ng phone ko habang nagriring ito.

Roi sorry.....

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak at ang kinataka ko ay maayos akong nakahiga sa gitna ng kama at nakakumot ng maayos. Narinig ko ang pagbukas ng isang pintuan at hindi ako makamulat maayos dahil nasisilaw ako ilaw. Pilit kong inaaninag yung orasan sa side table. 3 am pasado na.

"Nakakatampo ka talagang hindi mo sinasagot yung tawag ko..." nagtatampong tinig nya kaya napaupo ako ng maayos sa ibabaw ng kama. Parang kakatapos lang nya magpatuyo ng buhok nya.

Gusto ko syang sugudin ng yakap pero nahihiya ako sa ginawa ko.....

Ibinuka nya ang mga braso nya at nag iintay sya na yakapin ko sya... napaiyak ako. Without second thought sinugod ko sya ng yakap.

"Dont think too much Luv...... Everything will be alright..." bulong nya sakin habang magkayakap kami. "We will move on step by step... no need to rush."
Para akong bata na nakadipende sa balikat nya sa mga oras na 'to. Sa kabila ng nagawa ko ay heto pa din sya. Anak nya yung napabayaan ko.

"Remember what we promise to each other in Berlin...." paalala nya kaya napatango ako bago ko hinigpitan yung yakap ko sa kanya. "I love you..." lambing nya sa akin kaya napatingin ako sa mga mata nya. It's true... Mabilis nya akong hinalikan sa labi ko at ramdam ko ang pagmamahal sa bawat pagdampi ng labi nya sa labi ko. Napayakap ako ang mga braso ko sa leeg nya at gumanti sa halik nya. Hindi ko kakayanin kapag si Roi ang lumayo sa akin.

"Sama ka na lang sa akin sa Berlin?" malambing na alok nya sa akin after nya ko halikan. Napangiti ako tumango bago sumubsob sa leeg nya.

Dalawang araw lang yung pag stay ni Roi kasama namin at pinabalik na sya ng Berlin ng Dada nya dahil sa isang project nila doon. Kaya madalas ay yung mama nya o kaya yung girlfriend ng kuya nya ang kasama ko. Sobrang pang spoiled sakin ng mga magulang ni Roi sa totoo lang kaya lalo ako nahihiya sa kanila. Napag usapan na din na baka next week ay pumasok na ko sa Garden. Hindi ko alam bakit may halong kaba ang nararamdaman ko sa bagay na iyon.

.....

Nagresign na ko sa hotel at nandito ako sa bahay nina Roi outside ng Metro nagstay. Inihahanda na nila yung Garden na tinatawag nila para sa akin. Sina Mama ay nilayo muna nina Ma'am Cy at si Kuya Sonny naman ay kay Sir Yuan naman nakasama at dito na ito nagtatrabaho. Kinakabahan ako sa totoo lang. Every weekends umuuwi si Roi dito para sa akin. Grabe yung inuubos nyang pamasahe sa ginagawa nya. Masaya sya na nasa kwarto nya ako at nakakakilig daw iyon. Hindi na daw boring yung walk in cabinet nya dahil nandoon na din yung mga gamit ko. Napakavocal nya sa nararamdaman nya kaya mas lalo akong nahuhulog sa taong ito.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now