22

663 85 8
                                    

Kaia's POV

Yung galit ko ay pigil na pigil habang hawak kong maige si Axcel na nakaluhod ngayon sa harap ni Tita Roian. Napakadaming atraso sakin ng hayop na 'to!

"Isang maling salita o sigaw ang gawin mo habang nagsasalita ang Tita ko ay tutuluyan kita." pabulong kong banta kay Axcel. Nakatitig sya kay Tita Roian na ngayon ay nakatitig sa kanya.

Nandito kami sa labas ng compound ng bahay nina Tita at papauwi na yata itong si Axcel. Tinawagan ako ni Tita Roian kanina na nandito nga daw si Axcel kaya dali dali akong nagpunta.

"Stop messing around young lady..." paumpisa ni Tita at sobrang kalmado ng itsura nya. "Hindi ko kayang awatin ang anak ko soon na magsimula syang magwala."

"I want Daphne alone...everything will fall according to it's places...." saad ni Axcel na syang kinabuntong hininga ni Tita.

"Hindi pwede..." sagot ni Tita na syang kinaangat ng tingin ni Axcel sa kanya. "Save your life and integrity young lady.... hindi mo kilala ang anak ko talaga."

"I'm not afraid of her...." seryosong saad ni Axcel at hindi nya iniinda yung maliit na cut sa leeg nya dahil napadiin ako sa pagkaadampi ng swiss knife ko doon.

Parang nawalan ng buhay ang mga mata ni Tita Roian habang nakatingin sa kanya.

"Don't chase your own nightmare....save your life... akong ng nagmamakaawa sayo....." seryosong saad ni Tita.

Mayamaya ay may isang malakas na preno ng sasakyan yung umalingawngaw sa gilid namin. Si Callen.... at walang buhay ang mga mata nitong nakatitig kay Axcel.

"Callen anak!" awat ni Tita Roian para makalapit ito kay Axcel. Parang walang naririnig si Callen. Sakal na nya si Axcel! Napakahirap nyang awatin!

Parang mapupugtuan ng hininga si Axcel dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kanya ni Callen. Wala syang naririnig sa pagmamakaawa namin ni Tita na bitawan si Axcel. Tang ina!

Mayamaya ay nagkagulatan kami ni Tita ng may humila palayo kay Callen. Si Tita Cyrll.

Yakap na nya ito ng mahigpit at pilit inaagaw ang atensyon ni Callen para matauhan ito.

"Kung gusto mong mabuhay alis na!" saad ko kay Axcel na mabili na tumayo at nagtungo sa kotse nya. Nang makaalis ito ay napatingin ako kina Tita.

Hawak ni Tita Roian ang magkabilang pisngi ni Callen habang yakap yakap sya ng mahigpit ni Tita Cyrll. Galit na galit si Callen. Marahil kahit ako yung nasa kalagayan nya. Baka makapatay din ako ng taong ayaw ako tantanan.

Mayamaya ay may pumaradang sasakyan ulit at bumaba doon si Kuya Yuan na may dala pang box ng pagkain.

"Ma di po ba ito yung gusto ni sister in law------ teka anong nangyare? Callen?" firm na tawag ni Kuya sa kapatid nya at doon parang nagising yung pinsan ko.

Kinuwento ni Tita Roian na dumaan nga dito si Axcel.

"Trust the process... matatapos din ang lahat. We need apply the law in this case hindi sa ganito." pangaral ni Yuan. "May nahuli na tayong isa at sigurado ako sunud sunod na sila."

Sana nga matapos na dahil gusto ko ng bumalik ng Italy.

Daphne's POV

Nakaupo ako sa dulong bahagi ng kama ni Roi. Hindi maabsorb ng isip ko yung lahat ng sinabi sakin ni Axcel at yung offer nya na ilalayo nya ko sa lahat para umayos ng lahat sa buhay ko.

"They are keeping you para hindi umakyat ang imbestigasyon sa pamilya nila Daph. They are protecting Callen. Hindi ka ba nagtataka bakit pinag uubusan ka nila ng panahon at pera?" Iyan ang katagang ayaw tanggapin ng sistema ko. Natatakot ako na baka totoo. Napakasakit isipin na baka pinaglalaruan lang nila ako. Hindi ko alam kung saan ko pupulutin ang sarili ko. Bakit kase sa akin nangyare ang mga bagay na 'to?

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now