25

871 84 23
                                    

Callen's POV

Nasaan na nga ba ako?

Napatingin ako sa dokumentong hawak ko. Page 156. Wala man lang akong naintindihan dito sa binabasa kong proposal.

Natigilan ako.

Nawala sakin lahat. Lahat ng nagpapasaya at kulay sa mundo ko nawala sakin. Hindi ko namalayan na Kulang palang lahat ng ginawa ko para maprotektahan ang lahat ng iyon. Pakiramdam ko ako yung dumurog noon sa mga kamay ko.

Napatingin ako sa mga kamay ko. Naging peklat na yung mga sugat na natamasa ko nung pinaamin ko yung kapatid ni Axcel. May pitong tahi din sa ulo ko dahil sa sugat na natamo ko at dalawang saksak sa tagliran yung napapremyohan ko dahil sa mga hayop na yun. Grabe yung iyak nina Mommy habang dinadala ako sa emergency room noon. Hindi ko alam bakit namamanhid ang pakiramdam ko noong mga oras na iyon. Gusto ko ng bumigay pero lumalaban yung isip ko dahil sa sinabi ni Dada.

Kailangan daw ako ng mag iina ko na hanggang ngayon ay hindi ko makita.

Kailangan nila ako? Pero bakit hindi nila ko sinama?

Ayaw nila sa akin. Bakit nga ba nila ako gugustuhin? Ako ang nagpalalim ng pighati ni Daphne.

"Ano? Kailangan mo na ng secretary?" untag ni Ishan sakin kaya napatango ako.

Napakahirap ba naman magbasa at umunawa kapag ganitong araw araw loaded yung isip ko.

"Okey ka lang?" muling tanong nya sa akin. Hindi ko alam yung isasagot ko dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko ay namamanhid na yung buong pagkatao ko.

"Dumadating tayo sa buhay ng isang tao para hindi kunin yung heartaches nila.... hindi natin kayang gawin yun kase wala tayong super power. Ang pwede lang natin gawin para sa kanila ay yung manatili at tumulong tayo sa tabi nila hanggang sa makacope up sila sa pinagdaanan nila. At kahit na gaano kadilim yung pinagdaanan nila....dapat iparamdam natin sa kanila  na sila at sila pa din yung pipiliin natin." lintaya ni Ishan habang nagtatype sa laptop nya.

Nasaktan ako.

"Ginawa kong lahat iyon.... tinanggap kong lahat sa kanya... pero bakit ganito?" saad ko at napadukdok ako sa lamesa ko.

"Nasaktan sya dahil pakiramdam nya ay pinaglaruan natin yung buhay nya. Na mababawa sa mga mata nya yung pagmamahal mo dahil sa huli kapakanan ni Riyon ang pinaramdam mo sa kanya." saad nya.

Napaangat ang mukha ko at napatitig sa kanya.

Naghubad ng salamin sa mata nya si Ishan bago napatingin sa akin.

"Tama na yung oras na ibinigay mo kay Daph, Suyuin mo na sa paraan na alam mo." natatawang saad nya. Doon ako natauhan.

Pagod na pagod ang pakiramdam ko ng makarababa ako ng sasakyan. Wala naman akong ginawa maghapon sa opisina bakit ganito yung pagod ko. Nagulat pa ko sa sarili ko bakit dito ako umuwi?

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Kuya Sonny.

"Napagod ako magbasa kuya." saad ko pagkapasok ko ng pintuan. Ewan paano kami naging close ng kuya ni Daph. Grabe din kase yung iyak ko sa harap ng pamilya nya nung nalaman ko na tumakas si Daph at iniwan ako.

"Nandyan din sina Kuya mo kausap sina Mama nasa kusina." saad ni kuya Sonny pagkasara ng pintuan at nagtungo sa kwarto nya dahil nagtatapos daw sya ng report. Dumeretso ako sa kusina at nagmano ako sa magulang ni Daph bago ako nakipagbeso sa kuya ko at sa asawa ng kuya ko.

Napamahal na din kaming magkapatid sa pamilya na ito sa totoo lang na kahit si Kuya Yuan ay madalas dito kasama yung pamangkin ko.

"Kumain ka na?" tanong ni Mama sakin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now