5

1.4K 198 37
                                    

Kaia's POV

Naputol sa ere ang pag inom ko ng juice ng napatingin ako sa tinititigan ni Ishan. Napataas ang isang kilay ko dahil ang hayop na pinsan ko ay tulala at ang lalim ng iniisip.

"Ayos ka lang?" tanong ko at itinuloy ko yung pag inom. First time na ganito ito.

Napailing sya na wari bang natauhan.

"May naalala lang akong reaction ng kagaya ng kay Kuya Yuji." turan nya at nagpatuloy sa pagkain.

"Huh?" na syang kinaangat ng tingin ni Ishan sa kanya.

"Nevermind... Hanggang kailan kayo dito?" tanong nya at mukhang balak pa nyang magpaiwan dito.

"Hanggang bukas ng tanghali... hindi ka pa uuwi?" takang tanong ni Ishan sa kanya at napangisi ako. Talagang desidido syang hayupin si Ms. Gregorio.

"Crush mo yata si Ms. Gregorio noh?" Pang aasar ko at biglang boredom look yung ibinato nya sa akin kaya napatawa ako.

"Siguro nga... ngayon lang kita nakita ng ganito at talagang inintay mo pa sya sa lobby. Hindi ka naghihintay lalo na sa mga hindi mo kilala." bara ni Ishan sa kanya.

"Patawa... nga pala nakita ko si Ully may kasama sa 4th street." ngising pabalik ni Callen.

"Oo hayop ka! Kung bokya ang lovelife mo wag mo kaming idamay." bara ni Ishan.

Walang makakatalo sa katangahan ni Callen. Sugo ng dilim ang gagong yan eh.

Muling akong kumain at nakinig sa barahan ng dalawa.

"Wait a minute..." natigilan si Ishan at napatingin kay Callen.

"You change a lot after the wedding....don't tell me....." napabagal ang pagsasalita ni Ishan habang nakatingin kay Callen. Basta nung right after nung kasal ni kuya Yuji ay may nag iba sa kanya.

"Kaya naglasing nung mismong wedding anniversary ng parents...Nagtanong naman yung pari kung sino ang tutol sa kasal..."natatawang gatong ko kaya napabitaw ng kutsara si Callen at malamig na tumitig sa amin. Kaya lalo kaming nagtawanan. Sa akala ba nya hindi namin ramdam? Duh? Maski ditalye ng pag utot nya alam namin ang meaning.

"Kapag sumigaw yan noon malamang natakwil na yan...." tawang tawang pagsasakay ni Ishan.

Feeling ko kapag na- inlove talaga 'to baka mukhang nadengue ang sistema ko.

Baka sa ganung paraan na lang sya magbabago.

"Yeah! Really funny... pinturahan mo ng blue yang mukha mo para mas masaya." sarcastic na bara ni Callen na lalo naming ikinatawa.

Si Riyon lang talaga ang tagasunod nya eh kase mabait iyon at ayaw lang din syang bigwasan pero sagad sa langit din ang pagtitimpi nun dito kay Callen.

Mayamaya ay nag iba ang mood ni Callen at nakangiting nakatingin sa amin.

"Gumawa kayo nina Riyon ng dummy account dahil maglalive video ako ng pagbebenta ng chocolate... nakakahiya kung lalangawin ako sa views at sa mga mabebenta ko..." saad nya at talagang napaakbay pa sya kay Ishan.

"Chocolate? Bakit? Nagtayo ka ng sariling chocolate factory ngayon?" takang tanong ni Ishan.

"Hindi... may sideline job ako na online seller ng chocolate..." lintaya pa nya na kinatanga namin ni Ishan.

"Ano na namang lamang lupa ang sumanib sayo Callen?" konti na lang talaga uunahan ko na sina Tita Roian iparehab itong anak nila eh. Sagad na eh!

"Chocolate agent naman ngayon..." malditang saad ni Ishan.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now