8

2K 219 54
                                    

Daphne's POV

May kausapin si Riyon sa cellphone nya kaya kami ni Roi na ang gumagawa ng saranggola. Actually sya lang pala yung gumagawa at hinihintay ko syang makatapos dahil tahimik akong nakamasid sa kalawakan ng dagat sa harap namin.

Napatingin ako kay Roi habang gumagawa ito. Napangiti ako sa dedikasyon na nakikita ko sa mga mata nya na matapos itong saranggola.

Kahit loko loko itong si Roi ay lagi sya sa tabi ko simula ng makilala ko sya saka yung kauna unahang kaibigan kong maituturing dahil sa tuwing nabebreakdown ako ay sya ang lagi sya ang sumasagip sa akin. Never nya kong inuusisa sa nangyayare sa akin bagkus ay pinaparamdam nya sa akin na willing syang mag antay kung kailan ako fully na magkukwento sa kanya.

"This is the first time na makakakita at makakapagpalipad nyan...." sabi ko at napaangat ang tingin nya sa akin. Napangiti sya sa akin na abot sa mga mata nya. S-she's really beautiful. Saka nakakaaliw yung pagkadeep black ng kulay ng mga mata nya.

"I will make this special...." saad nya bago muling pinagpatuloy yung ginagawa nya. Napahinto ako saglit dahil doon dahil parang tumigil saglit sa pagpintig ang puso ko. Gosh! Ano yun?

Napatikhim ako.

"Kilala mo na ang mga magulang ko pero ikaw eh never mo namang kinuwento yung mga magulang mo sa akin, Kamusta sila?" pag iiba ko.

"Ayos naman sila... hindi kita pwedeng pakilala sa kanila dahil maghihisterya ang nanay ko baka isipin nila mag aasawa na ko...." mayabang na saad nya kaya sa bwisit ko ay tinulak ko sya kaya napasalpak sya ng maiigi sa buhanginan habang natatawa. Saltik talaga!

"Roi! Yung matino kase!" sabi ko.

Umayos sya ng upo at napatikhim.

"Papunta sila dito next month.... papakilala kita. They are nice." proud na kwento nya at kita ko sa mga mata nya kung gaano nya kamahal ang mga ito. Nagkwento sya ng mga bagay na madalas nilang gawin ng pamilya nya lalo na kapag sunday.

Mayamaya ay natigilan ako sa tanong nya sa akin.

"Bukod dito sa work mo.... anong profession ang ibig mong pasukin?" tanong nya.

"I want to be a lawyer like Attorney Yuan Kaye." Sabi ko.

Parang natigilan sya ilang saglit bago napangiti sa akin.

"Mag aral ka pakiramdam ko hindi ka naman bulok sa pag aaral... mag aral ka ulit... ako nga lagi eh kapag may free time." payo nya at parang papatapos na sya sa ginagawa nya.

"Hindi sasapat ang pera namin noh... saka anong petsa na..." sabi ko. I want to be a lawyer dahil sa nangyare sa akin....

"I'll help you regarding financial tapos bayaran mo na lang ako kapag attorney ka na." sabi nya at seryoso sya.

"Baliw ka ba? Sapat nga lang sayo yung sweldo mo..." sabi ko at bored na napatingin sya sa akin.

"May extra job ako noh..." sabi nya na kinataas ng kilay ko.

"Tsk! Maghahanap na lang ako ng nagpapascholar....ipunin mo na lang yung pera mo para makatulong ka sa mga magulang mo...." saad ko.

"Hindi naman nila kailangan ng pera ko eh... meron sila ng sa kanila. Ako na lang magpapaaral nga sayo bakit ba ang kulit mo? tapos kapag attorney ka na...gagawa ako ng grupo ng sindikato at ikaw ang gagawin kong abugado namin..." natatawang saad nya kaya walang gana ko syang tiningnan.

Hudas!

Kaya sa inis ko ay hinila ko yung ilang hibla ng buhok nya kaya napasimangot sya sa akin.

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now