23

777 84 13
                                    

Daphne's POV

Nauna na yung gamit ko sa sinasabi nilang Garden at heto si Roi ang maghahatid sa akin hanggang sa gate ng lugar na iyon. Hindi ko sya hinayaan na sumagot kagabi. Hindi ko kayang tanggapin kaya hindi ko sya pinasagot sa tanong ko. Hindi pa talaga ako handa kahit alam ko na sa sulok ng isip ko yung katotohanan.

Tumulo yung luha ko at hindi ko namalayan na nagpadala na pala ako sa paghila sa akin ni Roi at nasa lap na nya ako, pinupunasan nya yung luhang dumadaloy papunta sa pisngi ko.Hinapit nya yung katawa ko papalapit sa kanya para di tumama yung likod ko sa manibela ng kotse nya.

"Parang hindi maganda na hayaan na ilagak ka dito....gusto mo lumayo na tayo?" malambing na tanong nya sakin. Nakayakap na ko ng mahigpit sa leeg nya. Gusto ko na alangan ako. Kahit sa mismong sarili ko sa mga oras na ito ay dinadaya ko dahil sa kagustuhan ng puso at sistema ko na makasama itong taong alam ko na balang araw ay dudurog sa mundo ko.

Love is suffocating as hell! Yung nakakainis na nasa harap mo ng lahat ng kasagutan pero mas pinili mo pa din magpakatanga!

Bakit sobra ang pagkabaliw ko sa taong ito.

"Hindi pwede....Nangako ako sa kuya mo na pagbibigyan ko ang mga magulang nyo. Ayaw ko silang saktan. Hindi na sila ibang tao sakin..." saad ko pero deep inside. Gusto ko ng lumayo kasama ang nilalang na ito at mamuhay na lang kami ng simple. Kalimutan ang lahat ng nangyare. Kaya ko palang lunukin yung pride ko para sa taong mahal ko kahit alam kong may mali!

Napatitig ako sa mga mata nya kahit halos isang dangkal lang yung layo ng mukha namin. Nangungusap yung mga mata nya at halatang mamimiss nya ko. Para akong sinapian at hinalikan ko sya. Parang nagulat pa sya at kalaunan ay gumanti sa paghalik ko sa kanya.

Nakakabulag palang talaga kapag nagmahal ka ng isang tao. Na kahit gaano ito kasama o kahit na gaano kalaki yung kasalanan nito ay napaawi lahat ng iyon kapag mahal mo.

Natatakot ako sa katotohanan sa likod ng nangyare sakin. Natatakot ako sa ideya na kung sino yung gumawa noon sa akin.

Nakagat ko yung ilalim na labi ko ng dumausdos yung halik ni Roi sa gilid ng leeg ko pababa sa dibdib ko at yung mga kamay nya ay parang kinakabisa ang bawat sulok ng katawan ko.

Walang pagtutol sa katawan ko habang ginagawa ni Roi iyon. Bumalik yung paghalik nya sa mga labi ko at impit na ungol yung kumawala sa labi ko ng maramdaman ko yung isang palad nya sa kaliwang dibdib ko.

Biglang nagsibalikan lahat sa isip ko yung gabing iyon.... magkaiba!

Doon ako natauhan at tinakpan ko yung bibig nya. Hindi ako pwedeng magkamali. Magkaiba. Malaki yung pagkakaiba!

"Tell me the truth Roi nasan ka talaga nung gabing yun?" Tanong ko at inalis ko yung pagkakatakip ng palad. Napanguso sya at napakapula ng gilid ng tenga nya. Anong problema nito?

Pareho kaming napaigtad ng may kumatok sa bintana ng sasakyan nya kaya nagpanic akong bumalik sa passenger's seat at tinulungan nya ko mag ayos ng damit ko. Tinted yung sasakyan kaya hindi kami maaninag mula sa labas.

"Napakaabala talaga ng Chloe na 'to...." anas nya sa hangin at hinawi nya yung buhok nya gamit ang daliri nya. Gandang ganda talaga ako sa buhok nitong si Roi. Nang masiguro nyang nakaayos na ko ay binaba nya yung salamin ng bintana sa gawi nya.

"Unbelievable! Dito pa talaga kayo nagharutan sa main gate ng Garden... pakasalan mo muna bata bago ka gumawa ng milagro... dami daming mamanahin talagang kay Ate Gale pa talaga..." mahabang lintaya nung Chloe kaya parang nag init yung mukha ko sa hiya. Nakita yata nya kami.

Poker face yung mukha ni Roi na nakatingin sa kanya bago napangisi ng walang kabuhay buhay.

"Kamusta love life mo Ate Chloe? Malamig pa sa freezer nyo?" ganti ni Roi kaya pinalo ko sya sa braso nya kaya napatingin sya sakin. Gago na 'to mas matanda sa kanya kung mang asar!

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon