12

1K 128 29
                                    

Daphne's POV

Hindi ito nakakatuwa sa totoo lang! Try lang nyang ipagkalat na nasa iisang bahay lang kami nakatira talagang sasamain sya!

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Dette. Bagong HR staff namin.

"Oo... medyo kulang lang sa tulog----" naputol ang sasabihin ko ng biglang pumasok yung manager namin.

"Daph pinapatawag ka sa office ni Ma'am Callen..." saad nito.

Lihim na napaikot ang mga mata ko sa ere. Ano na naman kaya ang kailangan ng hudas na yun? Kaya naman nyang bumili ng bahay sa sinusuweldo nya dito pero bakit sa bahay pa namin! Hindi ko alam kung anong pinakain nya sa mga magulang ko bakit aliw na aliw ang mga ito dito kay Roi... bait na bait sila!

Pagpasok ko sa opisina nya ay nadatnan ko sya na tutok na tutok sya sa mga monitor sa harap nya at parang may meeting.

"Ano?" walang ganang bungad ko dahil nakakapika na sa totoo lang. Mayamaya ay natigalgal ako ng may tumawa sa may isang sulok.

"Gosh! Callen nakahanap ka na ng katapat mo." saad nito at aliw na aliw na nakatingin sakin.

"Get out now, Sam." saad ni Roi sa pinakamalamig nyang tono at sa totoo lang medyo nakaramdam ako ng takot dahil doon pero hindi ko pinahalata. Napalunok ako nung lumakad papalapit sa akin itong kasama nya na parang Italyana.

"I'm Samantha Klark Santillan....." hindi natuloy ang sasabihin nito at nahinto sa ere yung mga kamay nya na papalahad na sa harap ko dahil sa pagtayo ni Roi.

"You can leave now, Sam. I can't repeat it in multiple time..... and please say thank you to Tita Miranda." diretso ang mga walang buhay na mata ni Roi na nakatitig dito.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nitong nilalang sa harap ko.

"Haist! Fine.... makakarating kay Mommy..." saad nito bago napatingin sa akin at sumenyas bago nagpaalam.

Nang tuluyang nakaalis si Sam ay napaupo na ko sa sofa kahit walang pahintulot nya. Napataas ang kilay ko ng may binaba syang paper bag sa center table sa harap ko. Pagkain. Ang bango ng amoy.

"Kain tayo..." biglang gumaan yung boses ni Roi na syang kinaangat ng tiningin ko sa kanya.

Pero may nahagip ang mga mata ko sa gilid ng labi nya.... s-sira ulong...

"W-What? Bakit ganyan ka makatingin? sobrang salubong ng mga kilay mo...." parang nataranta sya.

"Lipstick stain? Roi.... Y-you too kissed??" hindi ko alam bakit parang tumaas yung boses ko at may gumagapang na kung ano sa sistema ko.

Napadampot sya kaagad ng tissue at pinunasan yung gilid ng labi nya pero di nya napunasan.

Para akong sinapian at napadampot din ako ng tissue at ako na ang bumura ng lipstick stain sa gilid ng labi nya!

"O-ouch.... mabura naman yung mukha ko!" reklamo pa nya kaya lalo kong diniin.

"Maglubay ka na sa panliligaw sakin kapag ganito ka katanga huh!" yamot!!!

"Jusko...." mahinang anas nya habang himas yung parte ng gilid ng labi nya na pinunasan ko at saka ko binato sa mukha nya yung tissue na syang kinatawa nya.

Hindi ako natuwa kaya ang ginawa ko kinuha ko yung isang bowl ng pagkain saka tumayo at naglakad palabas ng office nya. Hindi ko sya nililingon sa kanda sigaw na tawag nya sa pangalan ko. Woh eh ano?? Breaktime! Isang oras syang hindi ko boss!

"Bobo!" saad ko pagkaupo ko sa table ko at napatingin silang lahat sakin.

Ngayon palang ubod na ng taksil ng hinayupak!

Vanilla Sky (Lesbian Love Story)Where stories live. Discover now