Pasasalamat

3 0 0
                                    

Napakaraming bagay ang dapat kong ipagpasalamat. Sa bawat pangungusap na nilalaan ko para makalikha ng isang emosyon, isa na ro'n ang dahil sa buhay na mayroon ako. Dahil nandito ako sa mundo, lumilikha ng salita sa pira-pirasong papel. At sa mga isinulat kong 'yon, saksi ang mga tao sa paligid ko na hindi nagsawang ipakita sa akin ang magagandang bagay sa buhay ko.

Para sa aking pamilya, mga kaibigan, at mga taong nagbigay sa akin ng sapat na lakas at motibasyon upang mas paglalimin pa ang pagsulat, walang hanggang pasasalamat.

Sa mga mga mambabasa na naging dahilan kung paano ko nalaman ang koneksyon ko sa literatura, panghabang-buhay ko kayong itatanim sa bawat aklat na isinusulat ko.

Sa naging dahilan kung bakit may buhay ang aklat na ito, salamat sa apoy na nilikha mo. Napakagandang tingnan ng mga bagay na akala nating makakasira sa atin pero nagdulot pa ng dahilan upang mas makita ang iba at mas magandang anggulo ng bawat kuwento.

Muli, sa bawat gabing bukas ang mga mata, sa mga paghikbing walang nakakakita, sa bawat unang nalunod at nabasa, at sa mga pag-ibig na hindi itinadhana. Salamat sa yakap ng talata.


You can reach me here:
Facebook: John Baiton
Instagram: @baironcapitis
Mail: johnbairon110@gmail.com

#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon