#19 Binhi

34 5 0
                                    


Galak ang kapalit sa sinag ng araw,
ang liwanag niyang may bibit na panibagong umaga.
Ang almusal ng aking ugat na minsan nang bumitaw,
ngunit ngayon ay nagnanais nang muling magbunga.

Naghangad nang pandilig sa isang pamilyar na kamay,
umasang tutubo ang isang matayog na halaman.
Nasanay sa tagapag-alagang laging nakaagapay,
ngunit lumisan din nang agaran.

Nanuyot ang dating luntiang dahon,
kasabay ng itim na mga lupa.
Niyapos ng sanga ang libu-libong pagtatanong,
paano ka muling makukuha?

#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon