#17 Musika

49 5 0
                                    

Tinanong ako ng mga kuliglig kung ano ang paborito kong musika,
ngunit walang lumabas na kahit ano sa aking bibig.
Dahil ang unang sumagi sa aking alaala,
ang boses mo na para sa akin ay himig.

Ngunit katulad din ng isang kanta,
mayroon ka ring hangganan.
Mahuhumaling ako sa una,
ngunit matatapos rin sa kalaunan.


#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon