#23 Ikaw, Iyo

25 3 0
                                    


Salamat sa piraso ng papel na iniilan mo upang itala ko ang mga senaryong hindi nagpapatulog sa akin,
salamat sa mga haplos na bumabalot sa aking loob at yumayakap sa aking kaluluwa.
Salamat sa galak na nagbabago ng aking pananaw sa araw man o dilim,
salamat sa memorya at walang kupas mong ngiti—bagay sa ulap at bahaghari.

Tanaw ang inaasam mong mainit na lanyos,
ang presensya mong sapat na upang buuin ang pagkukulang ng umaga.
Sa akin ang init at sa'yo ang pagkaubos.
Sa akin ang mundo, sa'yo ang enerhiya.

#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon