#30 Yakap Ng Talata

4 0 0
                                    


Masasabi kong isang sumpa ang pagkahumaling sa mga bagay na hindi nakatadhana para sa'yo. Ang pagtagpi-tagpian ang bawat bumubuo ng pagkatao mo kapalit ng kaniyang pagkakumpleto. Ngunit kapag nakamit mo na ang tamang timpla na susukat gaya ng ngiti ng mga bata sa paglikha ng buhangin bilang palasyo, — hindi rin nito magagawang manatili at mag-iiwan lamang ng bakas at marka bago muling gumuho.

Hindi maganda ang pagkahumaling sa mga bagay na hindi nagtatagal. Maari ka nitong bigyan ng galak, — ngunit hindi panghabang-buhay.

Ngunit yayakapin ka ng mga talata sandaling haplusin mo ang kaniyang pagkabigo. Papaganahin niya ang iyong isip upang kausapin ang iyong puso. At sa huling pagtaklob mo sa kaniyang bisig, tutulungan ka niyang umukit ng mga letrang magpapahiwatig sa'yo ng pag-ibig.


#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon