#29 Repleksyon

30 1 0
                                    


Minsan napapaisip ako,
magagawa ko bang tahiin ang mga salitang inipon ko sa piraso ng tela kahit pa mag-iwan ito ng sugat sa aking palad?
Marahil ay sawa na sila,
kahit ako, hindi ko na magagawa pa.
Sa bawat piraso ng tela na inipon ko mag-isa,
isang malaking kahibangaan ang lapatan ito ng mga salitang magpapaalala na minsan ay ginusto kita.

Masaya man sa pakiramdam ngunit mahapdi 'pag lumalim na.
Alam kong hindi ko magagawang sisirin ang balon upang ibalik ang kristal nating pagsasama.
Magbibigay ito ng paru-paro sa aking sikmura ngunit kalauna'y isusuka ko na.
Akala ko kasi nakabubuti, kahibangan lang pala.

Minsan napapaisip ako,
kung inalagaan ko ba ang martir kong kaluluwa upang hindi magpumiglas sa selda ng kaniyang mga pantasya, maaatim ko ba?
Kung sa bawat pagsilay ng araw sa iyong mata ay dalangin kong maging sinag ka.
At kung sa bawat pagpatak ng ulan at repleksyon ng tubig nito sa iyong mukha ay gugustuhin kong hilingan na huwag na silang tumila.

Sapagkat kaya kitang titigan,
hindi mo naman halata.
Hindi man direkta,
ngunit pakiramdam ko ay malaya.

#YakapNgTalata

Yakap ng TalataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon