Sinubukan kong bisitahin ang ginawa nating tahanan.
Ang koleksyon ng mga salitang pinatikom ng sarili nating mga digmaan.
Ang pulbura na nagkalat sa sementong minsan at masaya nating hinigaan.
Malamig ngunit magaan sa pakiramdam.
Sapagkat banaag ko pa ring katabi kita—nakatingin sa kawalan.Tahimik mong ginuguhit sa hangin ang aking pangalan,
susundan mo ito ng pagkrus ng ating mga palad nang dahan-dahan.
Tahimik. Magaan. Masarap. Mainit sa kalamnan.
Umuukit ng ngiti sa mata ngunit naiipon ang sarili mong pag-ulan.Dinig ko pa rin ang iyong halakhak at dama ang mainit mong paghinga,
kasabay ng pagdaloy ng kuryenteng kumukulay pula sa aking mga tainga.
Nagpahiwatig ang mga pawis na ginamit pandilig sa lupa kung saan tayo nakahiga,
itiniklop ang mga talukap at binalikan ang engkwentro ng ating pagsasama.Maliwanag pa bago sumilay ang karimlan.
Bisita pa ang sarili mong mga multo bago ka magpaalam.Gabi-gabing iniipon ko ang mga abo't niyayakap ang sinulat nating trahedya.
Nakikita pa rin kita sa pinto—waring hawak pa rin ang ating kasunduan.
Nabuhay ang sakit at sumilay ang isang paalala.
Masyado mabilis ang panahon upang sabihing isa na lamang akong dayuhan sa sarili kong tahanan.#YakapNgTalata
BINABASA MO ANG
Yakap ng Talata
PoetrySa bawat gabing bukas ang mga mata, sa mga paghikbing walang nakakakita, sa bawat unang nalunod at nabasa, at sa mga pag-ibig na hindi itinadhana. Yakap ng Talata, Mga tugmaan tuwing bibisita ang kadiliman. Date Started: August 4, 2020 Date Finish...