Chapter 20

25 2 0
                                    

Cloud

Bakit ang tagal naman ng mga yun? Bibili lang eh tapos ang tatagal.

"Woy Cloud kumalma ka, babalik din yung mga yun." pang-aasar ni Yassi sakin. Kami kasi naiwan dito.

"Psh! Ano nga ba namang karapatan ko eh manliligaw niya si Xyro." nakabusangot na sagot ko sakanya.

"Alam mo Cloud, it's like you lost a diamond ng dahil sa mga maling desisyon mo sa buhay mo." nakangiting saad niya sakin, mababaw lang yun pero ang lalim ng impact sa akin.

"Alam ko naman yun, I lost my girl. Dahil sa mga kashitan ko noon. Kasalanan ko lahat kung bakit nawala siya sakin. And walang proper closure and break up." mapait na ngiting sagot ko sakanya.

"At dahil sa mga pagkakamaling yun, mahihirapan ka ng abutin siya ulit. Di mo na siya makukuha ulit, dahil isa nalang siyang bituin na kahit kailan ay di mo malalapitan." sagot niya habang kumakain. Lunch kasi namin after ng scene nila ni Ace. Then mamaya another take para sa scene nila Safra at Xyro.

Oo sila, sila bida eh.

Di na ko nakasagot dahil tumunog ang phone ko senyales na may natawag kaya agad ko itong kinuha at nagpaalam kay Yassi na sasagutin lang ang tawag.

It's Kaizer.

"Oh bakit napatawag ka, mang-aasar ka na naman ba?" bungad ko sakanya, aba sa tuwing tatawag yan puro pang-aasar nakukuha ko.

"Lah gago hindi, tumawag ako kasi baka gusto mo na kami samahan sa pagsasayaw. Namimiss ka na ng mga fans mo." sagot niya mula sa kabilang linya.

"Alam mo naman na.." naputol ang sasabihin ko dahil sa biglang pagdating nila Xyro at Safra.

Napatingin kami lahat sakanila, dahil mukhang ang saya-saya nila.

Natahimik lang sila ng pagalitan sila ng Direktor.

"Yuhoo, Cloud nandiyan ka pa ba?" sigaw ni Kaizer mula sa kabilang linya. Shet!! Nakalimutan ko na kausap ko pala si Kaizer.

"Oo nandito pa ko gago." sagot ko sakanya at umarte na parang wala akong nakita. Alangan naman ipahalata ko na nabadtrip ako sa pakikipagngitian ni Safra kay Xyro.

"Mabuti naman nandiyan ka pa. Gusto ko lang sabihin na masaya kami na unti-unti ka ng bumabalik sa dati, nakakasawa ka ng bantayan sa Barr kakainom mo jusq. Ang laki ng gastos namin sayo.." panenermon niya na naman at panunumbat. Ugali niya talaga yan pero pinutol ko na agad yun.

"Oo na gago, saulado ko na yan. At yung sa tanong mo kanina kung gusto ko na kayo samahan, sasamahan ko kayo pag wala ka na.." natatawang saad ko at tsaka ko narinig ko ang pagkaasar niya sa sinabi ko. "..de biro lang pare, oo sasama na ko tapusin ko lang tong taping. May iba ka pa bang sasabihin?" dagdag ko pa.

"Yun, pero pre may isa pa akong sasabihin sayo. Actually it's girls idea, wag ka sana magagalit." sabi niya dahilan para mapaisip ako. Ano na naman naiisip ng mga babae na yun? Tsk mga babae talaga.

"Oh sige ano yun?" nakakunot noo na tanong ko sakanya.

At tila natigilan ako at tumigil ang mundo ko ng..

"Gusto nila pabalikin si Safra sa grupo. Because she is our original dancing queen, alam natin parehas na malakas ang hatak ni Safra noon pa. Dahil sa kakaibang style niya sa pagsasayaw. Siguro it's time na bumalik na siya." paliwanag ni Kaizer pero parang wala akong naiintindihan.

Babalik kaya siya?

Sasayaw ba ulit si Safra? Kasi kung oo magiging masaya ako. Dahil ako naman talaga rason kaya binitawan niya ang passion niya na ito.

"Papayag kaya yun?" kunot noo na tanong ko sakanya.

"Di magiging madali, kaya we will court her na bumalik sa grupo. Kaya nga sinasabi ko sayo to eh, para alam mo na gagawin namin lahat para bumalik siya." sabi niya pa sa kabilang linya.

"Wala akong magagawa diyan, hindi na naman ako yung Leader eh. It's you Kai, kaya kung saan ka susuportahan ko yun. Sige na may scene pa kong gagawin, kita-kits nalang mamaya." saad ko at pagpapaalam ko sakanya.

"Teka lang Cloud mamaya.." di ko na pinatapos ang sasabihin niya dahil tinatawag na ko ng Direktor. Tapos na kasi ang scene nila Xyro at Safra.

Safra

After ng take namin, ay biglang tinawag ako ni Ate Hexa dahil tumutunog daw phone ko kaya agad ko itong pinuntahan at si Hazel pala yung tumatawag.

Makikichismis na naman siguro to.

"Oh Hazel?" bungad ko sakanya.

"Hoy gaga, free ka ba mamaya?" sagot niya mula sa kabilang linya.

"Oo naman, maaga naman pack-up eh. So anong gagawin mamaya?" sagot ko sakanya.

"Gusto ka ng makita nila Reign so baka gusto mo pumunta dito sa mini house.." sabi niya sakin kaya medyo napaisip ako. "..may practice din kasi kami mamaya dahil may guesting kami sa isang event." dagdag niya pa.

Matagal ako bago nag-isip. At tsaka sumagot muli.

"Sige lang, gusto ko na rin makita ulit yang mga gunggong na yan. It's been a years na rin. Oras na din para magpakita ako sakanila." sagot ko sakanya.

"Ayun naman pala eh, basta sasayaw ka dito ah, aba di porket hollywood actress ka na di na kami pwede magrequest sayo. Tandaan mo bestfriend mo ako.." psh ayan na naman siya sa pangongosensya niya. "..wag mo ipagpapalit friendship natin dahil lang actress ka na, walang artista-artista sakin." dagdag niya pa kaya napailing nalang ako.

Galing talaga mangosensya ito. Kala mo naman ang dami kong bestfriend. Eh siya lang naman nag-iisa kong bestfriend na siraulo at malakas tama lagi psh!!

"Hazel jusq ka ang dami mong sinasabi. Oo na sasayaw na ko, maghanda ka lang ng music diyan. Ayan na ah!! Galing mo mangosensya." natatawang sagot ko sakanya.

"Saf naman eh, kilala mo naman ako talent ko yan haha." natatawang saad niya.

Napansin ko naman ang paglapit ni Xyro sakin at pinunasan ang pawis ko. Ang sweet talaga ng gago na to.

"Sino yan?" tanong niya sakin kaya napalingon ako sakanya. At syur akong narinig ni Hazel to, jusq makikichismis na naman yan.

"Si Xyro ba yan?" tanong naman ni Hazel sa kabilang linya.

"Si Hazel niyaya niya ko pumunta sa Mini House mamaya, gusto mo sumama?" nakangiting saad ko at yaya ko sakanya.

"Sige sama ako, para mabantayan kita. Baka mabatukan pa ko ni Kuya Serix pag di kita binantayan." sagot niya at tsaka patuloy akong pinunasan buti nga wala sa paligid si Cloud eh dahil kasalukuyan siyang nagtatake ng scene niya.

"Wah! Sasama siya Saf. Sige na Saf wait ka namin mamaya eto. Nagagalit na si Kai magpractice na daw ako haha." sabi niya at tsaka dali-daling pinatay ang phone call.

Tumakas lang pala sa practice. Inaabuso boyfriend niya palibhasa girlfriend siya ng Leader naku ka Hazel. Nagtawanan nalang kami ni Xyro dahil parehas namin narinig ang boses ni Kaizer bago pinatay ni Hazel ang tawag.

Tama naman siguro na magpakita na ko sakanila? Wala naman silang kasalanan sakin. Kaya naeexcite na din ako makita sila.

To be continued..

Passion Series: Last DanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon