Chapter 34

19 4 0
                                    

Kaizer

Kasalukuyan kaming nasa Penthouse at nagpapractice dahil sa guesting na pupuntahan namin by tomorrow.

Pero patuloy pa din ako binabagabag ng narinig ko kina Ate. Kaya lumapit ako may Hazel, kailangan ko na to sabihin sakanya. Hindi ko na kayang sarilihin.

"Haze, naalala mo pumunta tayo kahapon sa Office ni Ate. At sinabi ko sayong hindi kami nakapag-usap dahil busy siya. Hindi yun totoo. I actually I overheard them talking about Cloud and Safra." panimulang sabi ko kay Hazel. Kaya napatingin siya sakin ng marinig ang pangalan ni Cloud at Safra.

"Then what about them?"

"Narinig ko from them, that Cloud and Safra are secretly dating. Yung attached photo sa dating rumor article about kina Ate at Kuya Serix. Sina Safra at Cloud pala yun." sagot at paliwanag ko kay Hazel. Kaya wala sa sariling dinampot ang phone niya at hinanap ang article na sinasabi ko.

At ng mahanap niya ay pinakatitigan niya ang picture.

"Si Safra nga to, yung bracelet na suot niya it's from Cloud. Kasama ako ni Safra ng ibigay yun ni Cloud sakin dati.." di makapaniwalang sabi niya sakin. "..so they are really dating?" di makapaniwalang bulong niya.

"I don't really know kung totoo, yun lang narinig ko kila Ate. Kasi kung oo nga, what about Xyro? Eh diba kakasagot lang ni Safra sakanya?" sabi ko sakanya.

"Oo nga what about Xyro? Gusto ko maging masaya because they really get back together pero at the same time nasasaktan ako para kay Xyro. Dahil nakita ko kung gaano siya ka-sincere kay Safra." umiiling na sabi ni Hazel.

"At ang mas matindi dito, hindi pa hinihiwalayan ni Safra si Xyro. Pakiramdam daw nila ay baka natatakot si Safra saktan si Xyro." dagdag ko pa.

"Knowing Safra, hindi siya marunong manakit. Kaya hindi ko siya masisi kung bakit nahihirapan siya iwan si Xyro. Pero mali pa din na pinagsabay niya yung dalawa." sabi pa niya at tsaka sumandal sa balikat ko. Kaya napangiti ako.

Sobrang tagal na namin ni Hazel at hindi ko pa rin mapangiti, when we are doing those simple gestures na ginagawa ng mga normal na couples.

"Tingnan nalang natin siguro kung saan aabot lahat ng to. Sa totoo lang mas higit akong nag-aalala kay Cloud, kasi natatakot akong bumalik na naman siya sa dati nung iwan siya ni Safra." sabi ko kay Hazel at tsaka hinawakan ang kamay niya.

"They are both matured na hindi sila yung Cloud at Safra na nakilala natin noon. So feeling ko mas strong sila ngayon. At mas nagiging strong pa sila once they fix this problem." sagot ni Hazel sakin.

She's right, matured na din talaga sila. I hope eto na talaga yun, at hindi na sila maghiwalay pa kung totoo ngang nagdadate na silang dalawa ulit. And I was hoping mafix nila ang problema nila kay Xyro.

Safra

After ng nangyari kahapon ay hindi ako makapaniwalang nandito ulit si Kuya hotel room ko.

"Safra, nung nalaman ko yung nangyayari. I end up with this decision." seryosong panimula ni Kuya kaya napatingin ako sakanya.

About saan naman? At bakit parang kinakabahan ako. Pakiramdam ko hindi magiging maganda resulta neto.

"Ilang beses kong pinag-isipang mabuti tong bagay na to. Pero this is the only solution I know. Alam kong alam mo na one day ay bukod samin may makakadiscover sa kung sino talaga yung nasa leaked photo. At alam nating parehas na sobrang maapektuhan nung ang career mo, most especially Cloud." seryosong sabi at paliwanag niya.

Tama si Kuya, once na lumabas ng totoo about leaked photo. Parehas maapektuhan ang career namin ni Cloud. At di ko alam ang gagawin pag nangyari yun.

"So alam kong magiging mahirap sayo yung decision na to. Pero eto nalang yung paraan to maintain your career then the same with Cloud. I end up deciding to send you back to Los Angeles and quit filming teleserye here." deretsahang sambit ni Kuya. Dahilan para matahimik ako at di makapaniwala sa narinig ako.

Para akong sandaling nabingi sa narinig ko. Seryoso ba siya diyan?

Pababalikin niya ko ng Los Angeles pero paano si Cloud? Iiwan ko na naman ba siya.

"K-kuya." di makapaniwalang usal ko sakanya.

"Wala ka ng pamimilian Saf. It's either aalis ka ng Pilipinas o iintayin mong madiscover nila na Ikaw at si Cloud yung nasa photo leaked. At masisira kayo parehas dahil ang alam ng mga tao ay si Xyro ang dinadate mo. Kaya maaaring kayo ang masira ni Cloud dahil this look likes cheating for them." sabi at paliwanag ni Kuya. Kaya napaisip ako.

Lahat ng sinabi niya at tama.

At hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayokong iwan si Cloud. Ayokong iwan ang mga kaibigan ko. Dahil nangako ako sakanilang hindi na ko aalis pa ulit.

Pero eto na naman ako iiwan ko na naman sila.

"Pero Kuya, nangako ako sakanilang hindi na ko aalis pa ulit. At hindi ko na iiwan ang SDC at si Cloud." sabi ko kay Kuya.

"Pero wala na kong ibang nakikitang paraan to solve the incoming problem. Nakikiusap ako sayo sarili mo muna isipin mo, ako na bahalang magpaliwanag sakanila ng nangyayari." Kuya said na puno ng pagsusumamo.

Alam kong ginagawa niya lang to save me sa issue na maaaring dumating na maaaring makasira ng career ko na ilang taon kong pinaghirapan sa Los Angeles. Tapos masisira lang isang article dito sa Pilipinas.

"Sige na aalis na ko at may kailangan pa kong gawin sa Office. Pag-isipan mo mabuti ang sinabi ko Safra." sabi ni Kuya kaya tumango nalang ako at tsaka siya tuluyang umalis ng room ko.

Ng maiwan ako ay napahiga nalang ako sa kama at napahugot ng malalim na hininga. Bakit ba nangyayari lahat to sakin? Ngayong nagsisimula na ulit kami ni Cloud. And then here I am agad iiwan ko na naman siya.

Maiiwan ko na naman siya, but this with a valid reason.

Kinuha ko ang phone ko at tsaka may tinawagan.

"Magkita tayo bukas. May gusto akong sabihin sayo." bungad ko ng sagutin niya ang tawag ko at tsaka ko pinatay agad ang tawag.

Bahala na talaga.


Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now