Chapter 35

16 3 0
                                    

Safra

Kasalukuyan akong papunta sa tinawagan ko kahapon. At ng makarating ako ay agad akong lumapit sakanya.

"Hi Direk, I know wala to sa sched mo. At biglaan lang, pero sobrang importante kasi neto." panimula ko sakanya.

Yes, I decided to meet Direk. Dahil may desisyon na ako sa sinabi ni Kuya kahapon sakin.

"Wala yun Miss S, ano po bang pag-uusapan natin?" tanong ni Direk sakin.

"Alam kong sobrang maapektuhan nito ang teleserye pero, I wanted to tell na babalik ba po ako sa Los Angeles dahil may big international project na naghihintay sakin dun. Sorry po talaga." nakayukong sambit ko sakanya.

"Hala bakit?"

"Dahil kailangan ko na po kasi bumalik sa Los Angeles, pasensya na po talaga. Sinabi ko naman po sainyo noon, na hindi po ako pwede magtagal sa Pilipinas. Dahil mga nakapila po akong International Projects sa Los Angeles." sagot ko sakanya.

"Oh I remember that. Pasensya na if natagalan bago ka makabalik sa Los Angeles. Sobrang haba kasi ng teleserye. Pero don't worry patapos na yun halos gagawan nalang namin ng paraan kung paano tatapusin yung teleserye." nakangiting saad niya kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

"Salamat, Direk. At salamat sa experience na binigay sakin ng teleserye niyo. Thank you so much for everything, Direk. I really learn a lot." nakangiting sabi ko kay Direk.

"Wala yun, mag-iingat ka at goodluck sa career mo sa Los Angeles. Anyway kailan ka pala aalis?"

"Once na maayos ko na po yung mga papers ko at plane tickets ko." sagot ko sakanya.

"Kung ganun mag-iingat ka. Ako na bahala sa teleserye. Salamat sa pagtanggap mo ng project na to. Isang karangalan ito para samin na may makasamang isang International Actress sa project na to. Salamat Miss S." nakangiting sambit niya sakin kaya ningitian ko siya. At tsaka kami nagpaalaman dahil magkikita pa kami ni Cloud.

Consider this as our last meet.

Dali-dali akong sumakay sa kotse at nagsuot ng mask at sumbrero at black jacket.

Ng makarating ako sa area na pinag-usapan naming magmemeet kami ay agad akong niyakap ni Cloud ng makita niya ko. Ilang araw din kami hindi nagkita.

At sobra ko siyang namiss. Paano pa kaya pag umalis na ko.

"Namiss kita, Safra." she whispered.

"Namiss din kita, Cloud." bulong ko sakanya pabalik.

Naglakad kami papunta sa kung saan tanaw ang bulkang taal. Yes we decided to meet in Tagaytay again. At sisiguraduhin naming wala ng makakilala samin, natuto na kami from last time.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinarap ako sakanya.

"Alam kong sobrang hirap ng sitwasyon natin ngayon na to. Pero gusto ko lang sabihin sayo na hindi ako matatakot ipaglaban ka sa kahit sino. Mahal na mahal kita Safra higit pa sa buhay ko." he said habang nakatitig sa mga mata ko. Kaya di ko mapigilang hindi maiyak.

"Mahal na mahal din kita. At gagawin ko ang lahat para protektahan at ipaglaban ka." garalgal na sagot ko sakanya.

Ng mapansin niyang umiiyak ako ay agad niyang pinunasan ang luha ko.

"From the very first day I met you. Nung nahuli kitang pinapanood akong magsayaw, at nag-away tayo sa garden at halos isumpa natin ang isa't-isa. At higit sa lahat ng sayawan mo ko nung nag-audition ka sa dance troupe. That was the so memorable to me na hinding-hindi ko makakalimutan dahil kung hindi nangyari lahat yun, hindi ako mahuhulog sayo at hindi kita mas mamahalin pa ng sobra. Maybe our first encounter is a disaster, but for me it was not. Dahil isa yun sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Ng dahil sa pagsasayaw ay nagawa nating maging connected.." sandali siyang tumigil at tsaka hinawakan ang buhok ko at tsaka hinawakan ako sa pisngi ko. "..wala akong pinagsisihan sa mga nangyari noon, dahil sobrang saya ng kung anong meron tayo ngayon. Sobrang saya ko dahil I win you back. Mahal na mahal kita Safra." dagdag niya pa.

"Hindi rin ako nagsising nakilala kita na kahit na naghiwalay tayo noon dahil sa isang misunderstanding nagawa natin itong ayusin ngayon. At di ko akalain ba eto pala ang dahilan kaya bumalik ako Pilipinas. Ayun ay para mahalin ulit natin ang isa't-isa. This was really destined to happened." sabi ko sakanya habang patuloy na umaagos ang luha ko. Na hindi ko mapigilan.

Dahil di ko alam kung paano pa siya iiwan ng ganito.

Ayokong masaktan siya, ayokong iwan siya. But I have no choice. I really need to go, dahil kami din naman magsusuffer once na magstay pa ko.

After ng pag-uusapan namin na yun ay sabay naming pinanood ang magandang scenery ng taal ng unting-unti ng bumaba ang araw.

At nagulat ako ng iharap niya ko sakanya at tsaka ako hinalikan. Mas malalim at mas matagal ito.

Wala na kong masasabing kulang sa buhay ko, dahil Cloud completed my life. This man in front of me, she completed and solved the puzzle that I lost for so many years.

This man that I thought he cheated on me before.

This man na all these years puro galit ang meron ako sakanya.

This man na akala ko ay habangbuhay na akong magagalit.

Ay di ko akalaing nandito sa harap ko ay pinapakita sakin kung gaano niya ko kamahal. At pinatunayan niya na all these years nanatiling ako ang mahal niya.

Wala akong pinagsisihan sa pagbabalik ko ng Pilipinas. Nung una siguro ayoko dahil natatakot akong harapin siya at hindi ako handa.

Pero ngayon I never regret coming back here. Because we got together and solved the puzzle we both lost ng maghiwalay kami.

After that kiss. At niyakap niya ako ng sobrang higpit, at doon ko na hindi napigilan umiyak.

Paano ko siya iiwan? Paano?

Iisipin ko palang na iiwan ko siya ulit, parang ako yung nasasaktan para sakanya. Kasi siya na naman yung maiwan. Natatakot ako baka bumalik na naman siya sa dati.

Nakwento kasi sakin nila Kaizer at Hazel ang nangyari kay Cloud all these years similar ng umalis ako.

"Cloud, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. At kahit anong mangyari, mananatiling ikaw ang mahal ko. At kada matatapos ang araw at magwawakas, sayo at sayo ako uuwi. Dahil ikaw ang pahinga ko at mahal ko." umiiyak na bulong ko sakanya.

Alam kong nagtataka na siya kung bakit umiiyak ako. Pero wala na akong pake sa iisipin niya at mas hinigpitan ang yakap sakanya.

Dahil eto na ang huling beses na magagawa ko siyang yakapin ng mahigpit.

Sorry Cloud!


Passion Series: Last DanceWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu