Chapter 16

38 21 0
                                    

Safra

Nafroze ako sa kinatatayuan ko ng dahan-dahang lumapit sakin si Cloud, parang biglang bumalik lahat ng masasakit na parte ng nakaraan ko. Lahat ng nangyari samin.

"Safra, I love you."

The line still flashing to my mind and heart, the lines na sobrang namimiss ko ng marinig but iba na ngayon. Marami ng nagbago saming dalawa, marami ng di na mababalikan pa.

"Althea, you're finally come back." mapait na ngiting litanya niya sakin.

At doon ko lang napagtanto na nasa kalagitnaan na pala kami ng eksena. At siya na ang kaeksena ko, sinabi samin ni Direk na ang role daw ni Cloud ay ang ex ko, na naiwan ko sa Pilipinas.

Isa rin daw sa rason kung bakit ayaw na raw ni Althea umuwi sa Pilipinas. Her ex, hurt her so much. At talagang malapit na malapit ang kwento sa buhay ko at totoong pangyayari sakin.

Ang pinagkaiba lang namin ni Althea ay nagkapagboyfriend siya, habang ako ay wala. At tanging manliligaw lang ang meron, dahil sa sakit na dinulot ni Cloud sakin.

"Yeah, bumalik ako. Pero hindi para sayo!" madiing sagot ko, at tsaka siya umaarteng tila nasaktan at naguguluhan.

Di siya nagsalita at hinigit niya ako papalapit sakanya at niyakap ng mahigpit..

"Ian, tama na! Tigilan mo na to, binuo ko na sarili ko na minsan mong sinira.." sabi ko at tsaka tinulak palayo sakin. Kaya natigilan siya at napatitig sa akin. "..masaya na ako kahit wala ka. Buo na ako, Ian. Buong-buo na ako, at hindi ko hahayaang muli mo na naman akong dudurugin dahil di na ko papayag. I'm enough with those pain you bring to me.." umiiyak na sambit ko sakanya.

"Kung hindi ka bumalik para sakin, eh bakit nandito ka?" nagtatakang tanong niya sa akin. Buong tapang ko siyang ningitian ng mapait, at tsaka nagsalita.

"Nandito ako para kay Annie, dahil nangako ako sa kapatid mo na oras na bumalik ako ay sakanya ako unang magpapakita.." paliwanag ko sakanya, kaya tuluyan siyang natigilan at ramdam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko. "..matagal na tayong tapos, Ian. Simula nung pinagpalit mo ko sa bestfriend ko." garalgal na linya ko sakanya.

Akmang sasagot na sana siya ng biglang pumasok na sa eksena si Annie, ang kapatid ni Ian.

"Ate Althea, nakabalik ka na po." sigaw ni Annie at nanakbo papunta sa akin, napansin ko naman ang pangingilid ng luha sa mga mata ni Cloud pero di ko na yun pinansin at nagpokus ako sa eksena namin ni Annie..

"Cut." sigaw ni direk, kaya medyo nakahinga na ako ng maluwag ng dahil sa eksena na yun.

Matapos ng eksena ay agad na lumapit sakin si Ate Hexa at Xyro at pinainom ako ng tubig at kinamusta, dahil alam nilang malaki pa rin talaga ang ilang ko kay Cloud.

Ilang araw na kami nagsasama sa mga taping pero di ko pa rin siya kayang tingnan o kausapin man lang. Sa mga eksena na lang namin ako nagkakaroon ng interaction sakanya, dahil nasasaktan pa rin talaga ako.

Kasalukuyan na niyang kaeksena si Annie, yung eksena na yun ay umalis na ko sa bahay nila after kong bisitahin si Annie.

Napatingin ako sakanya, at malalim na napaisip.

Bakit di ko napapansin na kasama mo si Venice, akala ko ba kayo? Nagawa mo ngang magcheat sakin just for her, at nasaan na kaya yung babaeng yun. Wala na kong balita dun.

At ilang araw ko na ring napapansin ang malaking pagbabago kay Cloud, nung isang araw nga ay nalaman ko lang kay Hazel na di na pala ito sumasayaw.

Tumigil daw sa pagsasayaw si Cloud nung umalis ako at di na nagpakita. Pero bakit niya gagawin yun? Di naman niya ako mahal at di naman ako mahalaga sakin. Inshort, ginamit niya lang ako para makuha atensyon ni Venice na kasalukuyang sikat noon sa campus..

Mabait si Venice pero may tinatagong kaharutan sa kaloob-looban.

Flashback

"Saf, wag ka ngang magselos. Oo noon gusto ko si Venice pero ngayon ikaw na gusto ko kaya please. Wag ka ng magselos.." paglalambing ni Cloud sa akin, pero inirapan ko lang siya.

"Selos mo mukha mo, doon ka na sa Venice mo. Di raw gusto pero tuwang-tuwa nung malaman na partner sila sa Mr. and Ms. Ako pa niloko mo, naku Cloud." inis na inis na singhal ko sakanya. Naramdaman ko naman ang pagyakap niya sakin mula sa likod, nasa parking lot kasi kami at nagtatalo ng dahil sa bwisit na Venice na yun.

Siya nalang lagi pinagmumulan ng away namin ni Cloud.

"Oh tapos ngayon, yayakap-yakap ka. Samantalang tuwang-tuwa kang hawakan kamay ni Venice, ngina bakit di nalang siya jinowa mo. Eh mukhang mas masaya ka kasama siya eh." naiinis na singhal ko pa sakanya.

"Wag ka ng magselos please, wala lang yun. Alam mo namang malapit kami ni Venice, we are childhood friends and yes nagkagusto ako sakanya noon, pero noon yun. Nung mga panahong di pa kita nakikilala.." paglalambing at pagpapaliwanag niya pa sa akin.

Pero ayoko pa din tanggapin ang explanation dahil nabwibwisit talaga ako, nakakainis!

"Sige na please, wag ka ng magselos." pangungulit pa niya sa akin.

"Oh sige di na ko magseselos basta, magbaback-out ka sa pesteng contest na yun.." saad ko sakanya, kaya natigilan siya at napatitig sakin na para bang sinasabi niya kung seryoso ako sa mga sinasabi ko. "..seryoso ako, Cloud. Dahil wala akong tiwala sa babaeng yun, kasehodang childhood friends kayo." madiin na dagdag ko kaya lalo na siyang natigilan.

"Saf naman eh." angal niya.

"Sige umangal ka, magbebreak tayo ngayon din at babalik na ko sa Los Angeles, at oras na bumalik ako dun. Di na ko babalik dito." banta ko sakanya, kaya tila nataranta siya at niyakap ako ng mahigpit.

*huk*

Nagulat naman ako doon at di na nakaimik pa.

"Oo na magbaback-out na ko, basta wag ka lang aalis. Di ko kakayanin, Saf. Di ko kakayanin pag nawala ka sa akin. You was the biggest blessing I have right now, at ayokong mawala pa yun. Mahal na Mahal kita, Safra!" bulong niya sa akin dahilan para bahagya akong mapangiti.

"Mahal na Mahal din kita." bulong ko sakanya pabalik.

End of Flashback..

Yes lagi naming pinag-aawayan noon si Venice aka maharot queen. Psh! Ayoko na siya maalala pa, nabwibwisit langa ko ng matindi kung gaano siya kaharot.

"Miss S, prepare for you scenes. Next na kayo ni Xyro." anunsyo ni Direk kaya dali-dali na kong kumilos at naghanda na para sa eksena.

It was kissing scene, base na rin sa pagkakaalala ko sa script.

To be continued..

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now