Chapter 23

25 3 0
                                    

Cloud

Di ko alam kung anong mararamdaman ko at dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.

Kitang-kita ng dalawang mata ko, yung babaeng mahal ko ay may mahal ng iba. At rinig na rinig ko kung paano niya muling sinambit ang mahal kita na dati ay tanging sakin niya lang sinasambit.

Nahuli na ba talaga ako?

Hindi ko na ba talaga siya mababawi at makukuha siya ulit. Ilang taon akong maghintay, ilang taon kong hinintay ang araw na babalik siya. Ilang taon kong pinagdusahan ang pagkawala niya sa buhay ko.

Pero eto ba ang kapalit ng lahat? Eto na ba ang kapalit ng lahat ng iyon.

Kasi kung oo, tangina.

“Oh, Cloud bat nandiyan ka pa..” biglang sulpot ni Hazel sa gilid ko. At natigilan siya ng makita niya ang nakikita ko.

Huli ng namalayan kong nagbabagsakan na pala mga luha ko. Hindi ko kaya tong nakikita ko.

Flashback

“Mahal kita Cloud, mahal na mahal kita.” nakangiting sambit niya sakin. At tsaka niyakap ako ng mahigpit.

“Mahal na Mahal din kita my Dancing Queen.” matamis na sagot ko sakanya at niyakap din siya ng mahigpit.

Etong babaeng to hindi ko na papakawalan to. She's my world and everything, Cloud will never be the same without her.

“So tara na, kailangan pa natin magperform.” yaya niya sakin. Kaya napatango ako. At tsaka ko hinawakan ang kamay niya. At sabay kami nanakbo papunta sa Backstage.

End of Flashback

Safra? Bakit hindi mo ko hinayaang magpaliwanag? Bakit umalis ka kaagad?

Minahal mo ba talaga ako noon? Kasi kung oo, hahayaan mong magpaliwanag ako nung mga oras na yun. Hindi kita niloko, that's all I know.

Walang nagcheat sayo.

Walang nanggago sayo.

At higit sa lahat hindi kita pinagpalit.

Flashback

The night when Safra left..

“Ano ba? Wala akong gusto sayo. At hindi ko kailangan pumili, dahil si Safra lang ang mahal ko. Tama na, tigilan mo na ko.” I almost shout on her. Di ko kasi alam kung bakit ginugulo niya ko.

Malinaw na malinaw na tapos na yung samin pero heto siya.

“No, I know you still love me.” Venice hesitated. Napakuyom nalang ako ng kamao dahil sa ginagawa niya ngayon.

"Venice please fucking leave. I don't love you anymore." sigaw ko sakanya.

"Wag mo kong lokohin. I know you love me. And you don't love Safra you just using her diba." sagot niya naman.

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now