Chapter 40 (Final Chapter)

39 5 0
                                    

Hexa

After 2 years..

Sa loob ng dalawang taon ay nagawa naming magpakasal ni Serix. At nagawa naming i-pagcollab ang kumpanya na mga hawak namin. Medyo malungkot lang din nung kasal namin kasi hindi nakarating sina Cloud at Safra na parehas busy sa mga prior commitment nila sa Los Angeles.

Mas lalo pa kasing dumami ang mga offer sakanila sa loob ng dalawang taon. Dahil sobrang nakilala talaga silang dalawa.

"Ano ready ka na?" tanong ni Serix sakin paglabas niya ng kwarto namin.

"Oo naman. Sobrang laking project nitong naghihintay satin. So wag natin to sasayangin." sagot ko sakanya. Kaya napangiti siya sakin.

"Anyway, tumawag pala si Xyro nung isang araw and he's invited us to attend his wedding. At maniniwala ka bang ex ni Cloud ang papakasalan niya." natatawang sabi niya sakin.

"Yun ba yung nakwento sakin? Yung Venice? Wow naman." di makapaniwalang sabi ko sakanya.

"Ang kwento sakin ni Xyro, sa bar daw sila unang nagkita which is broken siya that time kay Safra at ng dahil sa one night stand nila noon ay nabuntis daw si Venice at ayun he is slowly fall inlove with Venice kaya ayan magpapakasal na." umiiling na kwento pa ni Serix.

"Buti naman nakahanap si Xyro ng para sakanya. Masaya ako for him." nakangiting sabi ko naman.

"Eh tayo kailan mo ko bibigyan ng junior." nakangising sambit ni Serix sakin.

"Magtigil ka Serix tsaka na natin pagplanuhan yan for now, umalis na tayo at baka mainip ang client natin." sabi ko sakanya at hinila na siya palabas ng bahay.

At sa loob din ng dalawang taon ay biglang nag bloom ang tandem ni Hazel at Kaizer ng bigyan sila ng pagkakataon na magduo sa isa sa mga guesting nila. At dahil dun tinawag silang Powerful Dance Couple.

At sobrang tuwang-tuwa naman ang kapatid ko dahil dun.

Di talaga namin ineexpect na sa loob ng dalawang taon ay puro swerte ang nakuha namin at puro blessings. And we never regret those things na nagawa at pinagdaanan namin bago namin nakuha lahat tong natatamasa namin ngayon.

At sa loob din ng dalawang taon wala kaming ibang ginawa kundi mamiss at pag-usapan sina Cloud at Safra na hindi namin alam kung kailan babalik ng Pilipinas.

Miski si Serix ay walang ideya plano ng kapatid. Pero nasabi sakanya neto na plano na magpakasal na nila magpakasal ni Cloud. At sinabi niya samin na wag na wag sasabihin sa mga kaibigan nila. Dahil sila mismo ang mag-aannounce sa mga ito once na bumalik sila ng Pilipinas.

Ang parents naman nila Serix at Safra ay nandito na rin sa Pilipinas magstay, dahil para masamahan sila ni Serix at mabisita, medyo tumatanda na rin kasi parehas.

Hindi rin naman kasi sila mapuntahan ni Safra sa Canada dahil sa sobrang busy nito sa Los Angeles.

Safra

After 2 years ay naisipan naming tanggapin ni Cloud ang mga inooffer samin na Projects sa Pilipinas. At plano na rin namin na pagbalik dun ay iaannounce ang nalalapit na wedding namin.

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now