Chapter 17

35 19 0
                                    

Cloud

Napakasakit tingnan mula sa malayo, na hindi na ako yung kasama ni Safra kahit nga lingunin ako ay di niya ginawa. Nasa iisang lugar lang kami pero parang di ako nag-eexist sa buhay niya, na parang walang Cloud na dumaan sa buhay niya.

Maganda pa rin siya at walang pinagbago, she still my Safra, my dancing queen. Mahal na Mahal ko pa rin siya, pero di ko matanggap na mas masakit palang makita siyang masaya na sa iba.

Inaayusan ako ng P.A ko habang pinapanood sila Safra at Xyro na umaarte, halatang kumportable si Safra na kasama si Xyro.

Ni hindi man lang siya naiilang o naaawkwardan kaysa sakin, na halatang-halata mong ayaw niya kong makasama. Di ko siya masisi, dahil di naging maganda nung huli kaming magkita, ni hindi ko nga nalaman kung bakit bigla siyang umalis?

Di ko nga alam kung may hiwalayan bang naganap kasi wala kaming malinaw na closure dahil bigla nalang siyang nawala at naglaho na parang bula, nung araw din yun ay sinisisi sakin ng mga kagrupo ko ang pag-alis ni Safra.

Sa totoo lang wala akong idea, kaya nga ngayong nakabalik na siya gagawin ko ang lahat para makausap siya at kahit masakit hihilingin ko sakanya ang closure, kasi mukhang wala na kaming pag-asa pa.

Pero alam ko sa sarili ko, na kahit anong mangyari. Siya ang una at huling babae na minahal ko, at patuloy ko siyang mamahalin kahit na gaano pa kasakit, ang ipaubaya siya sa iba.

"Sir Cloud, okay lang po ba kayo?" tanong ng PA ko sakanya, kaya napalingon ako sakanya.

"Ang sakit pala makita yung dating sayo, ay hawak na ng iba." malungkot na sambit ko kay Kitty ang PA ko, oo Kitty name niya. Actually si Mommy kumuha sakanya, kasi kilala ni Mommy ang pamilya ni Kitty.

"Totoo po yan, napakasakit sa dibdib. Para kang tinutusok ng karayom sa sobrang sakit, pag nakita mo yung taong gusto mo ay masaya sa taong gusto niya." malungkot na sagot ni Kitty sakin habang inaayos ang buhok ko.

"She's my world, she's my princess, siya lang ang babaeng minahal ko. Kahit na umalis siya ng di ko man lang alam ang rason, ay di nagbago ang nararamdaman ko sakanya sa paglipas ng panahon.." nakangiting mapait na kwento ko kay Kitty. "..sa tuwing naiisip ko yung araw na umalis siya, iniisip ko na sana pinigilan ko man lang siya. Tinanong ko man lang siya kung bakit? Bakit siya nagalit bigla, bakit nagkaganun lahat? Bakit di man lang niya ko kinumpronta, bakit di niya ko sinisigaw-sigawan kung may nakita man siya. Aminado ako, na nung gabi na yun ay nakausap ko si Venice. Dahil pinagpipilitan niyang mahal ko pa si Stacey, at pilit pinapaako sakin ang dinadala ni Stacey na alam ko namang hindi sakin. Pero bakit ganun Kitty, bakit ganto kasakit? Na after all these years di pa rin humuhupa ang sakit na di ko alam na dinulot ko sakanya." naluluhang kwento ko kay Kitty, napansin ko naman ang paghagod niya ng likod ko, senyales na pinapakalma niya ko. Dahil umiiyak na talaga ko, tinakpan na niya nga ako ng mapansin niyang umiiyak na ako.

"Alam kong masakit sir, lalo na't eto at magkasama pa kayo. Pero kailangan mong magtiis, dahil ginusto mo rin naman po na sundan siya dito para makausap siya at makita man lang." saad ni Kitty sakin, pinunasan niya ang luha ko. At inaayusan na kong muli, di ko na ulit sinubukang lingunin sina Xyro at Safra dahil lalo lang akong nasasaktan, sa katotohanang nililigawan na pala ni Xyro si Safra. Hindi lang sila on screen dahil road to in real life na sila.

Mukhang talo na talaga ako, pero hangga't hindi pa siya sinasagot ni Xyro ay susubok ako ng susubok kahit alam kong ako rin ang talo.

Kahit magmukha na akong tanga, ay handa ako dahil ganun ko siya mahal.

I really miss her, my dancing queen.

Hazel

Di pa rin ako makapaniwala na sumali si Cloud sa teleserye nila Safra, lahat talaga kami nagulat.

Dahil maski isa samin ay walang nakakaalam ng plano ni Cloud, dahil simula ng umalis si Safra noon ay di na niya nagawang makihalubilo samin. Naging misteryosong tao siya samin, oo nga lagi namin siyang kasama pero ni kausapin kami ay di niya ginagawa.

May parte sakin na naaawa ako kay Cloud, dahil di man lang namin siya pinagpaliwanag nung araw na yun.

Dahil mas iniisip namin ang nararamdaman ni Safra, at parang nakalimutan namin ang nararamdaman ni Cloud nung araw na yun.

Dahil buong akala namin ay niloko ni Cloud si Safra..

Nalaman namin kay Kaizer ngayon lang na simula raw ng umalis si Safra ay laging nasa barr si Cloud at naglalasing. At inuumaga na raw daw to, at sila nila Gio at Reese lang ang nakakaalam nito. Gulat nga kami na all these years ay pinagdudurusahan ni Cloud ang sakit, ng biglang pag-alis ni Safra. Nabanggit din ni Kaizer samin ay di raw alam ni Cloud ang rason kung bakit umalis si Safra, ni hindi nga raw sila nakapag-usap nung gabing yun.

Kaya pati ako napaisip, at pilit inaalala ang gabing yun. Kung bakit biglang naisipang umalis ni Safra, all these years sinisisi ko si Cloud ng hindi ko man lang alam ang totoong nangyari.

At kung ano ang nakita ko narinig ni Safra kaya nagkaganun siya.

"Grabe talaga! Di ko akalaing after all these years sinisi ko si Cloud at nagalit ako sakanya without knowing ang totoong pangyayari that night." umiiling na saad ni Reign.

"Kahit ako, nagalit din ako kay Cloud dahil sinaktan niya yung babaeng gusto ko noon. Iniisip ko nun ang bobo ni Cloud para pakawalan ang katulad ni Safra." tiim-bagang saad naman ni Gio, kaya napalingon si Reign sakanya. At halatang nagulat sa sinabi ni Gio.

"Nagkagusto ka kay Saf?" gulat na tanong ni Reign kay Gio.

Kaya tumango si Gio, at napansin ko ang pagsama ng mukha ni Reign. At di na sumagot pa, at iniwas ang tingin kay Gio.

"Ako, basta ako masaya ako. Na heto ginagawa ni Cloud ang lahat para makausap si Safra. Masaya ako na mukhang eto na ang simula ng pagbabalik niya sa dating siya, na minsang nawala ng mawala si Safra." nakangiting mapait na saad ni Kaizer at umakbay sakin.

"Pero paano yan may Xyro na ng nageexist sa buhay ng bestfriend ko? May pag-asa pa kaya si Cloud?" kunot noo na tanong ko kay Kaizer.

"Basta ako may tiwala ako kay Cloud, alam kong makukuha niya ang pagpapatawad ni Safra." nakangiting sabi naman ni Reesse habang nakangiti na nagtatype sa cellphone niya mukhang may kachat ang loko.

"Hazel, si Cloud pa ba? May tiwala ako sa kaibigan ko." nakangiting saad ni Kaizer sakin, kaya napatango nalang ako. Dahil kahit alam ko na ang totoo ay may nagtutulak pa rin sakin na sana ay si Xyro ang piliin ni Safra sa pagdating ng panahon.

Dahil alam kong si Xyro ang magpapasaya ulit sa bestfriend ko, dahil natatakot akong masaktan na naman siya ni Cloud.

Pero kung saan siya masaya dun ako.

Sandaling katahimikan ang namayani hanggang sa..

"Guys, doon lang ako sa kwarto ko. Magpapahinga lang ako." wala sa mood na pagpapaalam ni Reign. At ni hindi man lang nilingon si Gio at umalis na.

Kaya napatingin kami kay Gio.

"Nasaktan yata si Reign sa narinig niya." sabi ko kay Gio. Kaya napakunot ng noo si Gio.

"Imposible yan, walang gusto sakin si Reign." sagot ni Gio samin, at di naming napansin na nasa malapit pa pala si Reign at di pa nakakapasok ng kwarto niya.

At lahat kami ay nahinto sa sinabi niya..

"Sana nga, Gio. Sana nga wala nalang.." nakatalikod na sabi ni Reign at tsaka dali-daling pumasok sa kwarto niya.

Naiwan kaming tulala.

May gusto si Reign kay Gio?

To be continued..

Passion Series: Last DanceWo Geschichten leben. Entdecke jetzt