Chapter 38

19 4 0
                                    

Safra

Ilang weeks na rin akong nandito sa Los Angeles. At tumawag si Kuya nung isang araw lang, he said na di nga kami nagkamali. After the day ng pag-alis ko lumabas ang dating rumor article namin ni Cloud. Kaya sinend sakin ni Kuya yung link at agad ko namang chineck yun.

And yung photo na nakaattach it's was really us. Nakuha yun sa Tagaytay, at nakayakap kami sa isa't-isa.

Marami daw haters ang nagsilabasan because of that article. Lalo na raw ang fans club na meron kami ni Xyro. Habang nagawa namang itanggi ng kampo ni Cloud ang issue dahil wala na nga ako sa Pilipinas, para maprove nila na totoo.

And after that maglabas ng statement ni Cloud through his management. Bigla nalang daw naglaho si Cloud.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, when I heard it. At tama rin ang sabi ni Kuya na once na umalis ako sa Pilipinas at biglang lumabas ang article ay hindi maapektuhan ang career ko dito sa Los Angeles kasi mahihirapan sila i-prove na totoo ang rumor.

Kaya sa loob ng ilang linggo ko rito, sunod-sunod ang guesting at taping ko. Dahil iniiwasan kong matengga kasi baka mamiss ko lang lalo si Cloud. Dahil sa kada araw na nadaan, walang araw na hindi ko naalala si Cloud.

Kasalukuyan akong nasa tent ngayon ng isang taping. It's was a Movie na ipapalabas daw by December at maaaring mapanood din ito sa Pilipinas.

Kanina pa ko nagsasaulado ng mga lines ko. At tutok na tutok ako sa pagbabasa neto at pag-aaral ng kada scene at lines ko.

“Miss S, okay lang po kayo diyan?” biglang sulpot ni Jennica ang bago kong Manager. Pagdating ko sa Los Angeles siya ang sumalubong sakin, hinanapan pala ako ni Kuya ng manager ng hindi ko nalalaman.

Mabait si Jennica, same sila ng attitude ni Ate Hexa. Medyo tatlong taon lang ang tanda niya sakin. Same sila ni Ate Hexa na nilayasan ang pamilya para abutin ang pangarap at sinimulan niya din sa pagiging Manager.

“Yes okay lang ako. Magsisimula na ba yung taping?” tanong at sagot ko sakanya.

“Hindi pa naman. May isang actor daw kasi na umalis dahil may pinuntahan at hindi raw makapagsimula ng wala yung actor na yun.” sagot niya sakin.

“It was Hanz right?”

Kaya nagulat siya at napalingon sakin. Lagi kasi akong nasa tent, kaya akala niya ay hindi ako updated sa ganap sa labas. Pero close kasi kami ni Hanz at alam ko kung saan siya pumunta.

Hindi talaga mapigilan ang sarili Hanz psh.

“Yes it was him. Ang narinig ko from Director is mukhang pinuntahan ang girlfriend niya na isang model.” sagot niya sakin.

“Yes, I know that. Alam kong may girlfriend siya. Patay yun sakin mamaya pagbalik, dahil uwing-uwi na ko.” inis na sambit ko kaya tinawanan lang ako ni Jennica.

“Ganyan nga, awayin mo si Hanz. Pare-parehas tayong naabala dito. May guesting ka pa sa isang show mamayang gabi. Kaya need mo ng pahinga.” sabi niya sakin habang inaayos ang buhok ko na hindi napansin na nagulo na sa sobrang busy ko sa pagmememorize ng lines ko.

“Pwede namang mamaya na sila magmeet after taping tsk. Pag ako talaga hindi nakapagpahinga before guesting. Aawayin ko siya ng malala.” inis na sabi ko pa.

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now