Chapter 14

37 22 0
                                    

Safra

Today I was heading for a presscon, pumayag na rin kasi ang director na isama sa palabas si Ate Hexa. Natuwa pa nga sila, kasi may potensyal naman talaga si Ate Hexa sa pag-arte.

Dahil alam nilang si Ate Hexa nagtuturo sakin paano umaarte ng tama. Diba nga ay minsan siyang nag-audition sa kung ano-anong serye pero di siya nakukuha pero alam kong magaling si Ate, siguro yung roles na sinasalihan niya noon ay hindi fit sakanya.

Kasalukuyan akong pasakay ng elevator ng biglang dumating si Ate Hexa, she was wearing a simple jean jackets. Napakasimple pero pinapalabas nito ang natural na ganda niya.

"Saf? Papunta ka na ba?" tanong niya sa akin ng makasakay na din siya ng elevator.

"Opo, Ate Hexa. Alam ko namang kay Kuya ka natulog kagabi. Kaya alam kong si Kuya manggigising sayo." nakangising pang-aasar ko sakanya.

"Oy hindi ah, ayun nga at tulog pa ang magaling mong Kuya." umiiling na sabi niya sakin.

Kaya natawa naman ako.

"Psh! Ano pa bang bago sa gunggong na yun.." natatawang sabi ko sakanya. "..pero maiba tayo ate, handa ka na bang tuparin ang dream mo?" I asked with a bit confused. Kasi gusto kong malaman kung anong nararamdaman ni Ate, napakabilis kasi talaga ng pangyayari.

"Di ko alam, Saf! Pakiramdam ko nanaginip lang ako. Pero di mawawala sa akin ang excitement that finally matutupad ko na pangarap ko. And dahil yun sayo, Saf!" mangiyak-ngiyak na usal niya sa akin. Kaya napangiti naman ako.

"Wag ka ngang umiyak diyan, nabubura make up mo oh." pang-aasar ko na naman sakanya, kaya sinamaan niya ako ng tingin kaya tinawanan ko lang siya. Agad naman niyang inaayusan ang sarili niya bago pa kami lumabas ng elevator.

Makalipas ang ilang minuto ay dumating na kami sa ground floor, kaya bumaba kami agad ni Ate.

"Safra, susunduin ka ba ni Xyro?" tanong niya sa akin habang palabas kami ng hotel. Swertehan kasing wala pang masyadong tao sa ground floor kaya kaming dalawa lang ang halos tao. Maaga pa kasi, tanging mga staff lang ang narito ng gantong oras.

"Hindi eh, susunod nalang daw siya sa presscon." sagot ko sakanya.

"So sabay na tayo?" yaya niya sa akin, kaya napangiti ako sakanya.

"Sige tara na. Baka magwala sa galit si Direk dahil late tayo." yaya ko sakanya at dali-dali na kaming lumabas at nagpunta sa parking lot. At agad kaming sumakay at umalis.

Hazel

After the day na bumisita sa bahay si Safra ay wala na din akong naging balita sakanya. Naiintindihan ko naman dahil busy siya sa work niya. Nandito ulit ako sa mini-house dahil may practice daw kami.

Magpeperform daw kami sa concert ni Anne Curtis, yeah nainvite kami na sumayaw sa concert ng isa sa mga tinitingalang artist sa Pilipinas.

Kasalukuyan akong nakaupo sa couch habang pinapanood sila Kaizer at Reese na binubuo ang step. Habang si Reign at Gio ay nagbabangayan na naman sa sulok, psh minsan nalang magkita puro pa sila away.

Wala dito si Cloud at wag niyo na siyang hanapin. Dahil di raw siya interesado na sumayaw at sumali samin. Di naman daw mababalik si Safra sakanya sa pagsasayaw niya lang, mukhang desidido talaga siya mabalik si Safra sakanya.

Kaya hinahayaan nalang siya nila, oo nila nawalan na kasi ako nung pake sakanya from the day he hurt my bestfriend.

"Oy ang tahimik mo ata?" biglang sulpot ni Kaizer sa tabi ko.

At inakbayan ako.

"Tapos na kayo?" tanong ko sakanya, kaya napalingon siya sakin.

"May ilang parts pa ng kanta ang di pa namin nagagawan ng step.." sagot niya sakin. "..pero teka nga bakit di maipinta iyang mukha mo?" he asked.

"Namimiss ko lang si Safra kahit na nagkita lang kami nung isang araw." nakangusong sabi ko sakanya. Kaya medyo nagulat siya.

"Nagkita na kayo?" gulat na tanong niya sakin, napalingon naman ang iba samin.

At nagugulat din sila sa narinig sakin.

"Oo nga Hazel, nagpakita na sayo si Safra?" sabat ni Reign at talagang umupo sa tabi ko.

Sasagot na sana ako ng biglang tumunog ang phone ni Kaizer kaya tumayo siya para sagutin ito. At di niya na rin napansin na nakaloud speaker ito kaya rinig namin ito.

"Mom? Bakit po kayo napatawag?" bungad ni Kaizer sa tumawag sakanya, si Tita pala.

"Nahanap na namin si Ate mo, we found her." garalgal na saad ni Tita mula sa kabilang linya kaya napatingin kami sakanya.

"Nahanap niyo na siya? Paano?"  gulat na tanong ni Kaizer kay Tita.

"After 10 years we finally found her, nasa presscon siya ng isang teleserye." saad ni Tita kay Kaizer, ramdam mong umiiyak si Tita mula sa kabilang linya.

"Presscon?" kunot noo na tanong ni Kaizer kay Tita.

"Open your tv, nakalive sila ngayon." utos ni Tita kaya dali-daling kumilos si Kaizer at binuksan ang tv. At ganun nalang ang gulat niya ng bumungad samin ang presscon ng I'll be there.

"Diba yan yung pinagbibidahan ni Safra?" kunot noo na tanong ni Reese habang nanonood sa tv.

"Oo ayan nga yun. Teka sino yung isa pa nilang kasama?" kunot na tanong ko sakanila dahil may babae na katabi si Safra.

"Siya, siya si Ate Hexa. Ang kapatid kong sampung taon na lumayo samin.." di makapaniwalang garalgal ni Kaizer, kaya tumayo ako at inalalayan siya. "..ang tagal namin siyang hinanap at nung last time nakausap ko siya at pilit pinapauwi na pero ayaw niya. Ang tagal kong nangulila sa ate ko, di ko akalaing diyan ko siya makikita sa tv. Ang laki ng pinagbago ng itsura niya, halatang masaya siya sa mga ginagawa niya." mangiyak-ngiyak na saad ni Kaizer sakin.

Natahimik kami at pinakinggan ang pinag-uusapan nila sa presscon.

"Hi! Miss Hera Xane Montecillo, are you ready for this first project na gagawin mo?" tanong ng isa sa mga interviewers sa presscon.

"Yes, lagi po akong handa. Masaya po ako at di ko po akalain na one day ay mapapasama ako sa mga teleserye at mailalabas ko ang talent ko sa pag-arte. Matagal ko na pong pangarap to at thanks to Miss S for giving me a chance to be part of this teleserye." nakangiting saad niya sa lahat.

Nakangiti naman siyang tiningnan ni Safra at tsaka nagsalita siya.

"Minsan na din akong nangarap, at ikaw ang kasama ko noon." nakangiting saad ni Safra.

Magkakilala sila? Paano?

"Kilala nila ang isa't-isa, how come?" di makapaniwalang saad ni Kaizer.

Kaya natahimik nalang kami at napaisip. Kasi nakakagulat na magkakilala sila, paano?

To be continued..

Passion Series: Last DanceWhere stories live. Discover now